PAGDATING namin ni King Ezekiel sa parke na sinasabi niya ay ipinatong niya ang hawak niyang paperbag sa concrete chair na nagkalat sa lugar. Pagkatapos ay nakita ko din na dinukot niya ang panyo sa bulsa ng pantalon niya at inilatag niya iyon sa concrete chair. Bumaling siya sa akin. "You can sit now, Ayanna," wika niya ng magtama ang mga mata namin.
"S-salamat," wika ko naman bago ako umupo sa nakalatag na panyo niya. Tumabi na din si King Ezekiel sa akin. Medyo napaigtad pa ako noong magdikit ang mga braso naming dalawa. Gaya kasi ng madalas na maramdaman ko kapag nagdidikit ang mga balat namin ay naramdaman ko na naman ang parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
"I'm sorry," he said in a whisper, akala siguro niya ay hindi ko gusto ang pagdidikit ng mga braso namin.
Inayos ko naman ang pagkakasuot ko ng eyeglass ko. "It's okay," mahinang sambit ko din sa kanya.
"Here," mayamaya ay inabot niya sa akin ang hawak niyang cups na may lamang kape na binili niya sa Coffee Shop kanina.
"S-salamat," wika ko naman ng makuha ko ang inaabot niya.
Tumango lang naman siya sa akin bilang sagot. "I didn't ask you what you wanted so I just ordered what I think you will like," he said to me. "And by the way, I ordered, Frappucinno," he added.
"One...of my favorite," mahinang sambit ko naman sabay taas sa hawak ko. Iyon kasi ang madalas ko na order-in kapag nasa Coffee Shop ako.
He smiled at me again. "Oh, that's great," he said.
Pasimple ko naman iniwas ang tingin sa kanya dahil ayaw ko na makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Bigla kasi akong namula noong nginitian niya ako.
Yumuko naman ako bago ako sumipsip sa straw ng Frappucino na hawak ko. Namayani naman ang katahimikan sa aming dalawa. At mula naman sa gilid ng aking mata ay nakita ko si King Ezekiel na sumipsip din sa straw ng inumin niya.
Inalis ko naman na ang atensiyon ko sa kanya at itinuon ko iyon sa inumin ko.
"Ayanna," mayamaya ay basag niya sa katahimikan na namayani sa aming dalawa.
I glanced at him. "Hmm?"
"Do you like painting?" tanong niya sa akin ng balingan niya ako. "Noong una kasi tayong nagkita ay nasa exhibit ka ni Mysterious Painter," wika niya sa akin.
Kasi ako si Mysterious Painter, gusto ko sanang isagot sa kanya pero sinarili ko na lang.
Tumango naman ako. "Hmm...yes," sagot ko na lang sa kanya.
Nakita ko naman ang pagningning ng mata ni King Ezekiel sa sagot ko. "Oh, I like painting, too," wika niya sa akin. "Sinong favorite artist mo?" mayamaya ay tanong niya sa akin.
Sinagot ko naman siya. Kahit na isa akong artist ay may hinahanggan pa din ako. "Ikaw?" I asked him, too. At habang hinihintay ko siya na sumagot ay sumimsim ako sa inumin ko habang nakatingin ako sa kanya at hinihintay ang sagot niya.
"Si Mysterious Painter," sagot niya sa akin.
Hindi ko naman napigilan ang masamid nang marinig ko ang sagot niya. Napaubo ako, naging mabilis naman ang pagkilos niya. Agad niyang hinaplos ng masuyo ang likod ko habang umuubo ako.
"Are you alright, Ayanna?" he asked me in a worry voice.
"O-okay lang ako," sambit ko naman ng medyo okay na ako. Nagulat kasi ako ng sabihin niya na si Mysterious Painter ang favorite artist niya, which is ako.
I nodded my head. "Next time ay magdahan-dahan ka sa pag-inom para hindi ka masamid," sabi ni King Ezekiel sa akin.
Tumango lang naman ako bilang sagot sa sinabi niya. At mayamaya at hindi ko napigilan ang manlaki ng mata nang tumaas ang isang kamay niya patungo sa mukha ko. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya. Iyon pala ay pupunasan niya ang gilid ng labi ko!
Sa ginawa niya ay para na namang akong na-kuryente. And right now, I felt my cheeks turned in crimson red. Inalis ko na lang ang tingin sa kanya dahil nahihiya akong makita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Baka isipin niya na nagba-blush ako. Kahit na iyon naman ang totoo.
"So, M-mysterious Painter is your favorite artist," wika ko na lang sa kanya.
"Yes," sagot ni King Ezekiel sa akin. "I love her/his works. She/he is good," he added.
Pinagdikit ko naman ang labi ko. Pilit ko namang itinatago sa kanya ang reaksiyon ko sa naging sagot niya.
Ako pala ang favorite artist niya. Hindi ko mapigilan makaramdam ng pagmamalaki sa aking sarili sa sandaling iyon. Well, marami na akong naririnig na maganda daw ang mga painting ko, na magaling daw ako pero iba ang naramdaman ko, lalo na ang puso ko noong si King Ezekiel ang nagsabi sa akin niyon. Para kasing may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang malaman ko na ako ang paborito niyang artist.
I heard him sighed. "Actually, I'm eager to see him/her. Kaya nga present ako lagi sa mga exhibit niya kasi nagbabasakali ako na makita ko siya do'n. Pero hindi ko siya makita. Mailap daw kasi siya sa mga tao," mahabang wika niya sa akin. "Tanging manager lang daw ang nakakakilala sa kanya," dagdag pa na wika ni King Ezekiel sa akin.
Ano kaya kapag nalaman niya na ang katabi at kausap niya ngayon ay ang hinahangaan niyang artist? Na ang matagal na niyang gustong makita ay nasa harap niya? I wanted to tell him the truth, that I am the Mysterious Painter but I want to remain Mysterious to everyone. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay ipaliwanag sa kanya ang dahilan ni Mysterious Painter kung bakit hindi siya nagpapakita sa iba.
"Hmm...baka may dahilan kung bakit siya hindi nagpapakita o nagpapakilala," sabi ko naman sa kanya. I wanted to tell him that Mysterious Painter is uncomfortable with many people and she is introvert person but I just didn't go on because he might think I knew Mysterious Painter.
"Siguro," sagot na lang ni King Ezekiel.
Namayani na naman ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"King."
"Ayanna."
Mayamaya ay sabay na sambit naman sa pangalan namin sa isa't isa.
"Ikaw mo na."
"You go first."
Halos sabay ulit namin na wika na dalawa. Nagtitigan naman kami at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na matawa pero hindi iyon nakatulong dahil tumawa ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa totoo lang habang tumatagal na kasama ko si King Ezekiel, habang tumatagal na kausap ko siya ay nagiging komportable ako. Kung ibang tao lang siya siguro ay hindi ko man lang magawang tumawa gaya ng ginagawa ko ngayon.
Mayamaya ay tumigil ako sa pagtawa ng maramdaman ko ang titig ni King Ezekiel sa akin. There is amusement in his eyes as he looked at me. "S-sorry, I got carried away," sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin. "There's nothing to say sorry. Laugh all you want," sabi naman niya.
Nginitian ko lang naman siya bilang sagot. Napansin ko naman ang pagseryoso ng ekspresyon ng mukha niya habang nakatitig siya sa akin. "B-bakit?" tanong ko, bigla kasi akong nailang sa titig niya.
Bubuka sana ang bibig niya para magsalita ng mapatigil siya. Nakita ko pa na tumingin siya sa kalangitan. Ginaya ko naman ang ginawa niya at pagtingin ko ay may pumatak sa aking mukha. Sunod-sunod. At do'n ko na-realize na umaambon na pala at do'n ko din napansin na madilim pala ang kalangitan at nagbabadya ng pag-ulan.
Napatingin naman ako kay King Ezekiel ng tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. "Let's go na, Ayanna. Baka abutan tayo ng malakas na ulan dito," wika naman niya sa akin ng magtama ang mga mata namin.
Kasabay ng pagtango ko ay ang pagtayo ko din mula sa pagkakaupo. Kinuha niya ang paperbag na nakalapag. Mabilis ko din na kinuha ang panyo niya na inupuan ko. At saka kami humakbang paalis do'n. Pero hindi pa kami tuluyang nakakaalis do'n ng biglang bumuhos ang ulan.
"s**t!" I heard him cursed. Nagulat din ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Let's run, Ayanna," wika niya at saka ako hinila. Tumakbo naman kami at dahil medyo malayo pa ang coffee shop kung saan namin iniwan ang kotse namin ay naghanap na lang kami ng masisilungan na dalawa. At nakita namin ang waiting shed kaya do'n kami tumakbo ni King Ezekiel.
Medyo basa kaming dalawa nang makarating kami do'n. Napatingin naman ako sa panyo niya na hawak ko. Gusto kung ibigay iyon sa kanya pero nagbago ang isip ko. Medyo marumi na kasi iyon dahil inilagay niya iyon kanina sa inupuan ko. Kaya kinuha ko na lang ang panyo ko na nasa bulsa ng suot kung pantalon. At saka ko iyon inabot sa kanya. "Here," wika ko sa kanya.
Bumaba naman ang tingin niya sa hawak ko. Halos palipat-lipat din siya ng tingin sa akin at sa panyo na inaabot ko. Hanggang sa kinuha niya iyon sa kamay ko. Akala ko ay gagamitin niya iyon para punasan ang basang mukha niya pero nagulat at nanlaki ang mga mata ko nang mukha ko ang pinunsan niya!
Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatitig sa kanya. Halos mabingi din ako sa lakas ng t***k ng puso ko sa sandaling iyon.
Inalis ko naman ang tingin sa kanya nang matapos niyang punasan ang basang mukha ko. At hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sa normal ang puso ko.
Mayamaya ay naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Napaatras din ako ng isang hakbang dahil medyo nababasa ako sa pwesto ko. Niyakap ko din ang sarili ko dahil nakaramdam din ako ng panlalamig.
At napatingin ako sa katawan ko nang may pumatong do'n. At nakita ko na coat iyon ni Ezekiel. Iyon 'yong coat na binalik ko sa kanya kung bakit kami nagkita na dalawa.
Mukhang naramdaman niya ang panginginig ng katawan ko dahil sa lamig.
Nag-angat naman ako ng tingin kay King Ezekiel. At nakita ko ang seryosong mukha niya habang inaayos niya ang coat sa katawan ko. At mukhang naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya dahil tumingin siya sa akin.
And when our eyes met he automatically smiled.
And I'm totally lost with his smile.