Chapter 7

2114 Words
PUMASOK na sa trabaho sina Mama at Papa. Naiwan na naman ako sa bahay namin. At bago umalis ang mga magulang ko ay binilin pa sa akin na huwag akong magbababad sa studio room ko, baka daw kasi ay buong araw na naman ako do'n. Tumango lang naman ako bilang sagot sa bilin nila sa akin. Naglakad na naman ako pabalik sa kwarto ko. At gaya ng sinabi ko kanina ay babalik ako sa pagtulog pag-alis nila. Gusto kung bawiin ang puyat ko kagabi. Pagpasok ko sa kwarto ay napatuon agad ang tingin ko sa cellphone ko na nakapatong sa bedside table ng marinig ko ang pagtunog niyon. Mukhang may tumatawag sa akin. Humakbang naman ako palapit sa bedside table para kunin ang cellphone ko. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng tumigil na iyon sa pagtunog. Gayunman ay kinuha ko pa din iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. At bahagyang umawang ang bibig ko nang makita at mabasa ko kung sino ang tumatawag. It's him! It's King Ezekiel! Rumihestro kasi ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Tumaas naman ang isang kamay ko para sapuhin ang kaliwang dibdib ko nang maramdaman ko ang bahagyang pagbilis niyon. Saglit din akong nakatitig sa pangalan niyang nakalagay sa screen ng cellphone ko hanggang sa naisipan kung i-text siya. I bit my lower lips as I typed my reply on him. Kung minsan ay napapatigil pa ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hanggang sa nagpatuloy ako sa pagtipa sa keypad ng cellphone ko. To: King Ezekiel I'm sorry, hindi ko agad nasagot. Why are you calling? Ipinikit ko mo na ang mata ko bago ko i-send sa kanya ang message ko. Hindi ko naman inalis ang titig ko sa screen ng cellphone ko. Hinihintay ko kasi ang reply niya sa akin. At mayamaya ay hindi ko napigilan ang mapaigtad ng biglang tumunog ang hawak ko na cellphone. At bahagyabg nanlaki ang aking mata nang makita ko ang pangalan ni King at tumatawag siya sa akin ngayon. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. At sa sandaling iyon ay kinakabahan ako. What should I do? tanong ko sa sarili ko. I still haven't answered his call because I don't know what to say to him. Relax, Ayanna, wika ng isipan ko. Just be yourself. I took a deep breath first before I decided to answer his call. "H-hello," wika ko ng sagutin ko ang tawag niya, hindi ko din maiwasan na manginig ang boses. "Hi," bati naman niya sa baritonong boses mula sa kabilang linya. "Hmm...I'm sorry if I didn't answer your call right away. I-iniwan ko kasi ang cellphone ko sa kwarto kanina," I explained myself to him. "It's okay," wika naman niya. "Bakit ka pala tumatawag? May kailangan ka ba?" I asked him. "Oh," narinig kung sambit niya mula sa kabilang linya. "Tumawag ako dahil sa coat ko," sabi niya sa dahilan kung bakit siya tumawag sa akin. "Oo nga pala," sambit ko naman. "Pasensiya ka na ha. Hinihintay ko kasi ang text mo sa akin." "Your waiting for my text?" he asked me. May kung ano sa boses niya pero hindi ko mabigyan iyon ng kahulugan. Sinapo ko naman ang pisngi ko nang maramdaman ko ang pag-iinit niyon. At kahit na hindi ako tumingin sa repleksyon ko sa salamin ay alam kung kasimpula na ng kamatis ang pisngi ko dahil sa hiya na nararamdaman ko. "A-ano kasi..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Ano...hindi naman sa hinihintay ko ang text mo." Dahil sa nervous na nararamdaman ko ay kung ano-ano na ang sinasabi ko sa kanya. I took a deep breath once again. "Sinabi mo kasi na iti-text mo ang address mo sa akin," pagpapatuloy na wika ko sa kanya, nagpasalamat naman ako at nakabuo na ako ng salita. "Hindi ko tuloy alam kung saan ipapadala ang coat mo na nasa akin. "Oh, I'm sorry. I got busy this few days," paliwanag naman ni King Ezekiel sa akin. "Okay lang," sagot ko naman sa kanya. "So, pwede ko na bang malaman ang address mo para maipadala ko na sa 'yo ang coat mo?" mayamaya ay wika ko sa kanya. Napanguso naman ako nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Pero mayamaya ay narinig ko ulit ang boses niya. "Magkita na lang tayo ngayon," wika niya sa akin dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. "Ha?" "Ang sabi ko ay magkita na lang tayo ngayon," ulit na wika niya sa akin. "B-bakit...tayo magkikita?" I asked him while my heart is pounding like crazy inside my chest. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko nang marinig ko ang tawa niya ng mahina mula sa kabilang linya. "Para maibigay mo na sa akin ang coat ko," sagot niya sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang pamulahan ng mukha dahil sa hiya. Mali kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Akala ko... Akala mo ay gusto ka niyang makita sa sinabi niya? wika ng mahaderang isipan ko. Ipinilig ko lang naman ang ulo ko. At dahil sa hiyang nararamdaman ko ay hindi tuloy ako makapagsalita. "Are you still there, Ayanna?" mayamaya ay untag niya nang hindi pa ako nagsasalita. "O-oo, nandito pa ako," sabi ko naman. "So, what is your answer to my question?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. Nagdadalawang isip kasi ako pero mayamaya ay pumayag din ako. And to be honest, I wanted to see him. "S-sige." "Oh, that's great," wika niya sa akin, mahihimigan ko din sa boses niya ang sigla. At kung nasa harap ko lang si King Ezekiel ay alam kung nakangiti siya. And I want to see his smile again. I couldn't help myself but to smile. "I'll just text you where we'll meet," sabi niya. "Okay." "See you later, Ayanna," sabi niya sa akin bago siya mawala sa kabilang linya. See you later, King, sambit ko na lang naman sa hangin. At habang hinihintay ko ang text ni King ay humakbang naman ako patungo sa banyo para maligo. Hindi naman ako nagtagal do'n at nang matapos ako ay lumabas na ako sa banyo. Lumapit naman ako sa cabinet para kumuha ng damit. And I can't decide what I wear. Ayanna, magkikita lang kayo para ibigay ang coat niya. Hindi kayo magdi-date, kastigo ng bahagi ng isipan ko. Napanguso lang naman ako na kumuha ng madalas kung isuot. Kumuha ako ng tattered jeans at puting t-shirt na medyo hapit sa katawan ko. Pinaresan ko lang din iyon ng puting sneakers. Kinuha ko na din ang coat ni King Ezekiel at inilagay ko iyon sa paperbag. Sinuklay ko na din ang mahabang buhok ko. At saka ko kinuha ang eyeglass ko at isinuot na din iyon. Tiningnan ko naman na ang cellphone ko kung may text na ba si King sa akin at mayro'n na nga. Sa isang kilalang coffee shop kami magkikita at medyo malapit lang din iyon sa amin. Nang mabasa ko iyon ay kinuha ko na ang remote control key ng kotse ko at lumabas na ako ng kwarto at deretso na din ako na lumanas ng bahay. Okay naman na ang kotse ko. Napaayos ko na iyon sa talyer, hindi na iyon titirik pa. Naging smooth naman ang pagpapatakbo ko ng kotse hanggang sa makarating ako sa coffee shop kung saan kami magkikita na dalawa. Maayos ko naman na pinark ang kotse ko sa parking lot ng nasabing establishemento. At bago ako bumaba ay kinuha ko ang paperbag na nakapatong sa ibabaw ng passenger seat. Akmang maglalakad ako sa loob ng nasabing coffee shop nang mapahinto ako nang makita ko na halos madaming customer ang naroon sa loob. Napanguso naman ako, parang ayokong pumasok sa loob ng coffee shop. Kaya sa halip na pumasok ako do'n ay bumalik na lang ako sa loob ng kotse ko. Inilabas ko naman ang cellphone ko para i-text siya. Nakita kung may new message si King Ezekiel sa akin. Agad ko naman iyong binasa. Sabi niya ay nasa loob na siya ng coffee shop. Tumipa naman ako ng reply para sa kanya. To: King Ezekiel Nasa labas ako ng coffee shop. Pwede bang dito na lang tayo magkita? Hinintay ko naman na na mag-reply siya sa message ko. Pero wala akong natanggap na text niya. Hindi ko naman alam kung nabasa na ba niya ang text ko o hindi. Hindi din ako makapag-desiyon kung tatawagan ko ba siya o hindi din. Napatingin naman ako sa dereksiyon ng coffee shop. At saktong pagtingin ko do'n ay ang paglabas ni King Ezekiel mula sa coffee shop. Nakasuot din siya ng puting V-neck shirt at kulay blue na pantalon. Naka-rayban shades din siya. Napansin ko naman na palinga-linga siya sa paligid. Mukhang hinahanap niya ako. Lumabas naman na ako sa kotse habang bitbit ko ang paperbag at saka ako naglakad palapit sa kanya. Bigla namang nag-slow mo ang paglalakad ko ng tumigil ang tingin niya sa akin. At nahigit ko ang aking hininga nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi habang ang tingin niya ay nasa akin. Naglakad naman si King Ezekiel palapit sa akin. At habang palapit siya ay palakas na palakas naman ang t***k ng puso ko. Huminto naman siya ng nasa harap ko na siya. Tinanggal din niya ang suot niyang rayban shades at tumutok ang itim niyang mata sa akin. At sandaling iyon ay gusto kung hablutin ang hawak niyang rayban shades at ibalik iyon mula sa pagkakasuot niya. Hindi ko kasi matagalan ang klase ng titig niya. I felt some butterflies playing in my stomach right at the moment as he looked at me. "Hi," he greet me a baritone voice. Ngumiti lang naman ako bahagya sa kanya bilang pagbati din. Pagkatapos niyon ay itinaas ko ang kamay ko na may hawak na paperbag. Bumaba naman ang tingin niya do'n. "I-ito na pala iyong coat mo," wika ko sa kanya. Saglit mo na niyang tinitigan iyon bago tumaas ang kamay niya para kunin ang paperbagna hawak ko. At gaya na lang kapag nagdidikit ang mga balat namin ay naramdaman ko ulit ang parang koryente na dumaloy sa katawan ko. At alam ko na naramdaman din niya iyon dahil naramdaman ko na natigilan siya. "Thank you pala sa coat mo," sabi ko sa kanya nang mag-angat ako ng tingin patungo sa kanya. King Ezekiel smiled at me. "You're welcome," sabi niya sa akin. "Hmm...pasok mo na tayo sa loob. Coffee mo na tayo," mayamaya ay yaya niya sa akin. I bit my lower lips. And then I remove my gaze at him. Hindi ko kasi matagalan ang titig niya sa akin, pakiramdam ko ay matutumba ako dahil nanginginig ang mga tuhod ko. "Ayaw mo?" Napatingin ulit ako sa kanya ng magsalita siya. "H-hindi naman sa ayaw ko," sabi ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa loob ng coffee shop. "Hindi lang kasi ako sanay sa maraming tao," paliwanag ko sa kanya. Pakiramdam ko na entitled akong mag-explain sa kanya nang makita mo na parang na-offend siya sa hindi ko pagsagot sa paanyaya niya. Kahit naman na nangangatog ang mga tuhod ko sa paninitig niya sa akin ay tiniis ko iyon. "Wait me here," mayamaya ay sabi niya sa akin. Akmang bubuka ang bibig ko para magsalita nang mapahinto ako ng tumalikod siya sa akin at bumalik siya sa loob ng coffee shop. At gaya naman ng sinabi niya ay hinintay ko siya do'n. Hindi naman nagtagal ay nakita ko siyang lumabas sa nasabing shop at nakita ko din na may bitbit na siya maliban sa hawak niyang paperbags. Mukhang um-order siya noong bumalik siya sa loob. "Tara?" mayamaya ay wika ni King Ezekiel sa akin nang tuluyan siyang makalapit. Napakurap-kurap naman ako ng mga mata. "Ha?" "You say, you are uncomfortable with a lot of people? May malapit na park dito, let's go there," wika niya sa akin. Hindi naman na niya ako hinintay na magsalita. Tumalikod na siya at naglakad na pero nakakatatlong hakbang pa lang siya ng napahinto siya nang mapansing niyang hindi pa ako kumikilos sa kinatatayuan ko. "Why?" tanong niya ng lingunin niya ako. Bumuka-sara naman ang bibig ko hanggang sa itinikom ko iyon. "You still don't trust me, Ayanna?" tanong niya, may nabakasan akong lungkot sa boses niya. Mabilis naman akong umiling. "H-hindi," sagot ko. "I...trust you," dagdag ko pa. Kahit na kakakilala lang namin na dalawa ay nagtitiwala na ako sa kanya. Napansin ko naman ang pag-ngiti niya sa akin. And I felt my heart race again. "So, let's go?" Tumango naman ako. Nang magpatuloy na siyang maglakad ay agad ko naman siyang sinundan. Bahala na nga, I said to myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD