HINDI ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko ng pagbukas ko ng cabinet ko ay agad kung nakita ang coat at panyo ni King Ezekiel na maayos na nakatupi na naroon mismo sa loob ng cabinet. Kung noon ay coat lang ni King Ezekiel ang nasa akin, ngayon naman ay nadagdagan iyon ng panyo. Nakalimutan ko na naman kasi na ibigay iyon sa kanya. Saglit akong napatitig do'n hanggang sa inilagay ko ang mga damit kung itinupi ko. Isinara ko naman na ang cabinet pagkalagay ko sa mga damit ko do'n. At akmang papasok ako sa studio room ko nang mapatigil ako ng marinig ko ang pagtunog ng ringtone ng cellphone ko. Kaya sa halip na pumasok ako sa studio room ko ay humakbang ako palapit sa bedside table para kunin ang cellphone kung nakapatong do'n. And when I checked my phone I saw my Mom’s name call