Chapter 4

1639 Words
"AYANNA, hija." Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Mama sa pangalan ko. At doon ko lang napansin na tumigil pala siya sa paglalakad at lumingon siya sa akin. Saglit ko namang kinagat ang ibabanh labi ko. "Bakit po, 'Ma?" tanong ko naman ng magtama ang mga mata namin. Nagpakawala naman ng buntong-hininga si Mama. "Tingnan mo ang dinadaanan mo, Ayanna. Baka matapilok o makabangga ka," wika niya sa akin. I bit my lower lip once again. "Okay po," sagot ko naman sa mahinang boses. Nasa mamahaling restaurant kami ni Mama sa sandaling iyon. May family dinner kasi kami. Nauna na ang Papa ko sa restaurant dahil pagkatapos ng trabaho niya sa kompanya namin ay dumiretso na si Papa do'n. Sabay naman kami ni Mama na nagpunta sa restaurant. Sa totoo lang ay ayoko sanang sumama sa dinner. Gusto kong manatili na lang ako sa bahay pero pinilit ako ni Mama na sumama. Paano daw kasing matatawag na family dinner iyon kung hindi ako sasama. Kaya kahit na labag sa loob ko ay sumama na din ako. Wala na din naman akomg magagawa dahil alam ko na pipilitin niya ako. At hi di siya aalos hanggang sa hindi ako sasama sa kanya. Baka mapagalitan pa ako ni Papa kapag maghihintaya siya do'n ng matagal ng dahil sa akin. Pero hindi ako napilit ni Mama na magsuot ng dress na angkop sa pupuntahan namin. Mas komportable kasi akong magsuot ng pantalon. At sa halip na t-shirt ang isuot ko gaya ng madalas kong isuot kapag umaalis ako ng bahay ay naisip ko na lang na magsuot ng blouse para naman kahit papaano ay maging presentable akong tingnan sa pupuntahan namin. Sa totoo nga lang ay nagmukha akong alalay ni Mama. Ang ganda kasi ng suot niya ngayon. Saglit pa akong tinitigan ni Mama bago niya inalis ang tingin sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad. At gaya ng sinabi ko sa Mama ko ay tiningnan ko na ang dinadaanan ko. Tama kasi siya, baka kasi mabangga o makabanga pa ako do'n. Makagawa pa ako ng eksena, eh, ayaw ko naman ng atensiyon. Iniiwasan ko nga iyon. Pumasok naman na kami sa loob ng restaurant at agad kaming nilapitan ng isang staff sa nasabing restaurant. "Good evening, Ma'am," magalang na bati ng staff sa 'min ni Mama. "Do you have any reservation?" sunod na sinabi niya. Hinayaan ko lang naman si Mama na makipag-usap sa staff. Tahimik lang ako sa tabi niya. Sinabi naman ng Mama ko ang reservation namin. "Oh, this way, Ma'am," saad ng staff sabay muwestra sa dereksiyon kung saan ang reservation namin. Dahil alam ng mga magulang ko na hindi ako komportable sa maraming tao ay nagpa-reserved sila ng private room sa nasabing restaurant para sa akin. At kapag lumalabas kami para kumaim ay sa private room talaga kami. Nang mag-umpisang maglakad ang mama ko ay nagsimula na din akong maglakad. Pero mayamaya ay hindi ko napigilan ang manlaki ang mga mata nang makita ko ang lalaking lumabas sa isa ding private room sa restaurant. Pamilyar ang mukha ng lalaki sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilalang-kilala ko siya. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang estrangherong lalaki na nakilala ko noong exhibit isang linggo na ang nakakaraan. Introvert akong tao pero matandain ako sa mukha. Kahit na isang beses ko lang siyang basta nakausap ko ng medyo matagal ay hindi ko talaga malilimutan ang mukha niya. Gaya na lang ng lalaking tinitingnan ko sa sandaling iyon. At nang mapansin kong babaling siya sa dereksiyon ko ay mabilis akong yumuko para hindi niya ako makita. At kahit na hindi ako tumingin sa salamin ay alam ko na namumula na ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko naman alam kung bakit ganoon ang nagiging reaksiyon ko kapag malapit lang ang presensiya ng lalaki. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad. At habang naglalakad ako ay naramdaman ko na naman ang kakaibang t***k ng puso ko. Hindi ko naman maintindihan ang sarili kong puso kung bakit ganoon ang reaksiyon nito kapag malapit lang ang lalaki, eh, hindi ko nga siya kilala. Hindi ko nga din alam ang pangalan niya. Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sarili kong puso. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami sa tapat ng pinto ng private room kung saan naghihintay sa 'min si Papa. Binuksan na ng staff ang pinto ng nasabing kwarto. Nauna namang pumasok si Mama sa loob. At bago naman ako pumasok sa loob ay nilingon ko pa ang estrangherong lalaki kung saan ko siya nakita. At namilog ang aking mata nang makita kung sa dereksiyon ko siya nakatingin! At dahil nakasuot ako ng salamin sa mata ay naging malinaw ang paningin ko at napansin ko ang pagbakas ng rekognisyon sa mata niya habang nakatingin siya sa akin. Tulad ko ay nakilala din niya ako! Inalis lang naman ng estrangherong lalaki ang tingin sa akin ng tinapik siya sa balikat ng may edad na lalaki na lumabas din sa private room na nilabasan niya kanina. At bago ko din inalis ang tingin sa dalawa ay nahagip pa ng tingin ko ang may edad na lalaki na sumulyap sa dereksiyon ko. Tuluyan naman na akong pumasok sa loob ng private room. At nang nakapasok ako ay do'n lang ako nakahinga ng maluwag. Halos pigil ko pala ang aking hininga. I took a deep breath again. Ipinilig ko na lang din ang ulo ko para maalis sa isip ko ang lalaki. Sa totoo lang simula noong makita ko ang lalaki isang linggo na ang nakakaraan ay lagi na lang siyang pumapasok sa isip ko. Hindi ko naman maintindihan ang aking sarili, lalo na ang aking nararamdaman. Sa buong buhay ko kasi ay ngayon ko lang iyon naramdaman sa isang lalaki at sa estranghero pa. Itinuon ko na din ang atensiyon ko kay Papa na nakaupo na sa harap ng table. Lumapit naman ako para batiin siya. "Good evening po, Papa," bati ko ng tuluyan akong nakalapit. Pagkatapos niyon ay yumuko ako para halikan siya sa pisngi. "Good evening, Ayanna," bati din sa akin ni Papa. "Maupo na kayo," mayamaya ay wika ni Papa sa 'min ni Mama. Naupo naman na kami. Magkatabi kaming dalawa ni Mama sa upuan. Habang nasa harap namin si Papa. Mayamaya ay tinawag ni Papa ang staff na nakaantabay sa 'min. Agad namang siyang lumapit sa 'min para ibigay ang menu. Ngumuso ako habang pinapasadahan ko ang nakasulat sa menu pagkaabot niyon sa akin. Naghahanap kasi ako ng gusto kung kainin. Pero wala akong makita na gusto ko. Mas gusto ko pang kainin iyong luto ng cook namin sa bahay. "Ayanna, what do you want?" Inalis ko ang tingin ko sa menu at inilipat ko iyon kay Papa ng marinig ko ang boses niya. Kumibot-kibot naman ang labi ko bago ako nagsalita. "Ganoon na lang din po sa in-order ni Mama," saad ko. "Are you sure?" Tumango lang naman ako bilang sagot. "Okay," wika ni Papa at sinabi sa staff ang o-order-in namin. Pagkaalis ng staff ay nag-usap si Papa at Mama tungkol sa kompanya. Hindi naman ako maka-relate kasi wala akong ideya sa pinag-uusapan nila. Nag-excuse naman ako sa magulang ko ng maramdaman kong naiihi ako. Tumayo ako para lumabas sa kinaroroonan naming kwarto. Hinanap ko naman ang comfort room sa nasabing restaurant. Nang makita ko iyon ay naglakad ako palapit sa comfort room. Ginawa ko naman ang dapat kung gawin do'n. Nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay sa faucet at lumabas na. Napasulyap naman ako sa gawi ng Men's restroom ng mapansin kong may lumabas do'n. At bahagyang namilog ang aking mata nang makita ko kung sino ang lalaking lumabas sa men's restroom. He smiled at me. At naramdaman ko na naman ang paro-paro na naglalaro sa aking tiyan. "Fancy meeting you here...again," bati niya sa akin sa buong-buong boses. "H-hi," nauutal ko namang bati sa kanya. "S-sige," paalam ko na dahil hindi ko matagalan ang klase ng titig na pinagkakaloob niya sa akin. Ramdam ko nga din ang panlalambot ng mga tuhod ko sa sandaling iyon. Hindi ko naman na hinintay na magsalita ang lalaki. Nilagpasan ko na siya, halos nagmamadali din ako sa paglalakad palayo sa kanya. At habang naglalakad ako ay nakayuko lang ako. Dahil do'n ay hindi ko napansin ang isang staff na pasalubong sa akin na may dalang tray na naglalaman ng inumin. At naramdaman ko na lang na may malamig na likidong dumaloy sa katawan ko. Nabuhos pala sa katawan ko ang dala niyang inumin. Mula naman sa gilid ng mata ko ay napansin kong nakatingin sa gawi ko ang mga taong naroon sa restaurant. Mukhang naagaw ko ang antensiyon ng mga kumakain do'n dahil sa nangyari. Itinuon ko naman ang atensiyon ko sa staff na nabunggo ko nang marinig ko ang paghingi niya ng sorry sa akin. "Sorry po, Ma'am." Umiling-iling naman ako. "Hindi. Kasalanan ko," sambit ko naman sa kanya. Wala naman talaga siyang kasalanan, ako ang bumunggo sa kanya dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Kaya walang dahilan para humingi siya ng sorry sa akin. Mayamaya ay napatingin ako sa damit kong nabasa at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bumakat ang itim kong bra sa suot ko na blouse. At akmang ko sanang tatakpan iyon gamit ang aking kamay nang mapatigil ako nang maramdaman ko na may pumatong na itim na tuxedo sa katawan ko para takpan ang suot kong blouse. At nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang mukha ng estrangherong lalaki kanina. At do'n ko napansin na tinanggal pala niya ang suot niyang tuxedo para ipatong sa akin. And I can't help myself to stare at him. And I couldn't stop my heart from beating fast again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD