Chapter 3

1631 Words
NAPATINGIN si Ayanna sa cellphone na nakalapag sa dashboard ng kotse ko ng tumunog ang ringtone niyon. Dinampot ko naman ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin at nabasa ko sa screen ng cellphone ang pangalan ng manager ko na si Nicole. I took a deep breath before I answered her call. "Hello?" wika ko mula sa kabilang linya. "Ayanna," banggit niya sa pangalan ko pagkatapos kung mag-hello. "Punta ka na dito sa exhibit. Wala nang tao," imporma niya sa akin. Ngumuso ako. "Totoo?" pagko-confirm ko naman kay Nicole. Gusto ko talagang makasiguro na wala nang ibang tao sa exhibit bago ako pumunta doon. Ayaw na ayaw ko kasi na may makakakita sa akin sa exhibit dahil ayaw kung makilala nang iba na ako si Mysterious Painter. Gaya ng ibinansag sa akin ay gusto kung manatiling misteryoso. "Hay naku, Ayanna," narinig ko naman na sambit niya mula sa kabilang linya. At kung nasa harap ko lang si Nicole ay alam ko na umikot ang mga mata niya. "Kailan naman ako hindi nagsabi ng totoo sa 'yo?" pagpapatuloy na wika niya. I bit my lower lip. "I'm sorry," I said to her. Mukhang na-offend ko siya sa sinabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "Apology accepted," wika niya sa akin. "Punta ka na dito. I'll wait for you." "Okay," sagot ko naman. "See you." "Yeah. See you." Nang mawala si Nicole sa kabilang linya ay ipinatong ko na ulit ang cellphone sa dashboard ng kotse ko. Pagkatapos ay binuhay ko na ang makina ng kotse at umalis na ako sa kinaroroonan ko. Noong umalis ako kaninang umaga sa exhibit ay bumalik ako sa bahay. Naroon lang ako sa kwarto buong maghapon. At nang mag-alas sinco ng hapon ay umalis ulit ako sa bahay namin. Pero sa halip na dumiretso ako sa exhibit ay nagpunta ako sa isang park. Malapit lang din iyon sa exhibit. Nanatili ako do'n habang hinihintay ko ang tawag sa akin ni Nicole. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din ako sa exhibit. Nang ma-i-park ko ang kotse sa parking lot ay pinatay ko na ang makina niyon. At bago ako bumaba ay kinuha ko mo na ang cellphone ko na nasa dashboard. Pinindot ko ang locked button ng remote control key ng kotse ko bago ako naglakad papasok sa loob ng exhibit. Pagpasok ko ay agad kung namataan ang manager ko na nakatalikod sa akin. "Nicole," tawag ko sa atensiyon niya. Lumingon naman siya sa akin at nang makita niya ako ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi niya. Inayos ko naman ang eye glass na suot ko at naglakad ako palapit kay Nicole. Naglakad naman siya para salubungin din niya ako. "Hi," she greeted me. I smiled at her. "Kamusta naman dito?" tanong ko naman sa kanya. "What do we expect? Of course, successful ang event. Magaling kaya ang painter," wika niya sa akin na nakangiti. Hindi ko din naman napigilan ang mapangiti sa sinabi niya. "Binobola mo naman ako," sabi ko kay Nicole. Pinamaywangan naman niya ako. "Hindi ako marunong mag-basketball kaya hindi kita binobola." Lalo lang lumawak ang ngiti sa labi ko."Oo na," sabi ko na lang sa kanya. "But seriously, Ayanna. Your exhibit is succesful," wika ni Nicole sa akin. "Kung nandito ka lang sana kanina, eh, hindi sana nasaksihan mo kung gaano ka-succesful ang exhibit mo," pagpapatuloy pa niyang saad sa akin. Nginitian ko naman siya ng tipid. "Okay lang. Kahit na hindi ko nakita ang nangyari kanina. Ang importante sa akin ay succesful ang exhibit," wika ko naman sa kanya. Iyon naman ang importante sa akin, makita ko iyong pinaghirapan ko na maging matagumpay. Accomplishment ko na iyon sa buhay. At akmang bubuka sana ang bibig ni Nicole para sana magsalita nang mapahinto siya nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya."Excuse, Ayanna. I'll just take this call," wika niya sa akin. I just nod at her. Naglakad naman si Nicole palayo para sagutin kung sino ang tumatawag sa kanya. Inalis ko naman ang tingin sa kanya at iginala ko ang tingin sa painting ko na naka-display do'n. Nakaka-proud talaga na makita ang pinaghirapan ko na naka-display do'n. Fulfilling sa pakiramdam. Mayamaya ay napatingin ako sa gawi ng pinto ng maramdaman ko na parang may pumasok do'n. At hindi ko napigilan na manlaki ang mga mata nang makita kung may isang lalaki na pumasok sa loob ng exhibit. Pero ang talagang nagpalaki sa mata ko ay noong makilala ko sino ang lalaki. Ang lalaking pumasok kasi sa loob ng exhibit ay walang iba kundi ang lalaking naroon din kaninang umaga. Ang gwapong lalaking dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Tumuon naman ang tingin niya sa akin. At hindi ko na naman maintindihan ang puso ko kung bakit nag-iba na naman ang t***k niyon. Naramdaman ko kasing bumilis ang t***k ng puso ko na para bang hinabol ako ng aso. "T-the exhibit is closed," wika ko sa lalaking pumasok, hindi ko din mapigilan ang pagpiyok ng sarili kung boses. Ganito talaga ako kapag kinakabahan o hindi kaya ay kapag may kausap akong hindi ko kilala. Nauutal ako. Napansin ko naman ang pagtaas niya ng isang kilay nang marinig niya ang sinabi ko. "The exhibit is closed?" balik tanong niya sa akin. Buong-buo ang boses niya ng magsalita siya.At para siyang isang DJ sa isang radyo. "If it is closed, why are you still here?" Napakurap-kurap ako ng mga mata habang nakatitig ako sa kanya. Bumuka-sara ang bibig ko, gusto ko sanang magsalita pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. May punto din naman siya sa sinabi niya sa akin. Kung sarado talaga ang exhibit, bakit ako naroon? Hindi ko namang pwedeng sabihin sa kanya na ako si Mysterious painter. At hindi ko din pwede sabihin sa kanya na okay lang na naroon ako kahit na sarado na ang exhibit. Napansin ko naman ang pag-angat ng dulo ng labi niya nang hindi ako nagsalita. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko habang nakatitig sa kanya. I can't take my eyes of him again. My god, what's happening to me? Naglakad naman ang lalaki palapit sa akin. At habang palapit na palapit siya ay palakas na palakas naman ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko nga din ay may paro-paro na naglalaro sa aking tiyan sa sandaling iyon. Huminto naman siya ng nasa harap ko na siya. Amoy na amoy ko nga ulit ang mabangong amoy niya na nanunuot sa ilong ko. And I really like his smell. Favorite ko na yata ang pabango na gamit niya. Naglakad pa ang lalaki ng isang hakbang. Napaatras naman ako dahil natatakot ako na baka marinig niya ang lalas ng t***k ng puso ko. At dahil medyo nanginginig ang mga tuhod ko nang umatras ako ay hindi ko inaasahan na ma-a-out of balance ako. Nanlaki ang mga mata ko dahil matatapilok ako. Pero naging mabilis ang pagkilos ng lalaking nasa harap ko dahil agad niyang nahawakan ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa katawan niya para hindi ako tuluyang matumba. Mabilis ko namang naitukod ang isa kong kamay sa matitipunong dibdib niya. God? 'Bat ang tigas? "You okay, Miss?" tanong niya sa akin ng yukuin niya ako. "Hey," untag pa niya nang hindi ako nagsasalita. Sa pagkakataong iyon ay do'n lang ako nahismasmasan. Agad ko siyang itinulak palayo sa akin. Inayos ko naman ang suot kung eye glass dahil nawala iyon sa posisyon mula sa pagkakasuot ko. "S-salamat," hingi ko ng pasasalamat sa kanya dahil sa pagtulong niya sa akin. "Okay lang ako," dagdag ko pa. I heard him sighed. "That's good," wika naman niya habang titig na titig sa akin. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya dahil hindi ko matagalan ang klase ng titig na pinagkakaloob niya. Pakiramdam ko kasi ay tumatagos sa kaibuturan ko ang mainit na titig niya. "S-sige," paalam ko na. Hindi ko naman na hinintay na magsalita siya, naglakad na ako para lagpasan siya. Pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang nang mapatigil ako nang hawakan niya ang braso ko. "Wait, Miss," narinig kong sabi niya. Napatingin naman ako sa braso ko na hawak niya. Naramdaman ko ulit ang naramdaman ko kaninang umaga nang magdikit ang mga balat namin. Naramdaman ko ulit iyong parang boltahe ng kuryente sa katawan ko. At nang mapansin nang estrangherong lalaki na nakatingin ako sa braso ko na hawak niya ay mabilis niyang inalis iyon. At nang mag-angat ako ng tingin patungo sa mukha niya ay napansin ko ang apologetic niyang mukha. Tumikhim ako. "Bakit?" tanong ko. Sa halip naman na sagutin niya ako ay nakita ko na may dinukot siya sa bulsa ng suot niyang pantalon. At bahagyang naningkit ang mga mata ko nang makita ko ang kulay pink na panyo na kinuha niya sa bulsa niya. Pamilyar sa akin ang panyong iyon. "Here," wika niya sabay abot sa akin ng panyo. "It's yours. Nahulog mo kaninang umaga dito. I was about to give back this to you pero mukhang nagmamadali ka. Hindi na kita naabutan." "Oh," sambit ko naman nang marinig ko ang paliwanag niya. Kaya siguro tinatawag niya ako kanina para ibigay niya iyon sa akin. Kinuha ko naman ang panyo na inaabot niya sa akin. "S-salamat." The man smiled at me and my heart beat eratically inside my chest...again. I really don't know what happening to my heart? "You're welcome, Miss." Isang tango lang naman ang isinagot ko sa lalaki. Nagpaalam na ulit ako sa kanya at saka ako naglakad paalis. Tatawagan ko na lang si Nicole mamaya para sabihin dito ang nangyari kung bakit ako biglang nawala. At habang naglalakad naman ako ay hindi ko napigilan ang pagtaas ng isa kong kamay patungo sa kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso ko nang maramdaman ko ang malakas na t***k ng puso ko. What's wrong heart?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD