KAKATAPOS lang ni Ayanna na maligo. At ngayon ay pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang blower. Nang matuyo na ay kinuha ko ang ponytail ko at ipinusod ko ang buhok ko in messybun style. May ilang hibla ng buhok ang nalaglag mula sa pagkakatali ko pero hinayaan ko lang iyon.
Tinanggal ko na din ang pagkakasaksak ko sa blower at saka ako naglakad patungo sa naka-konektang pinto patungo sa studio room ko.
Nasa mood kasi akong magpinta ng araw na iyon. At kapag nasa mood ako ay talagang nakakatapos ako ng isang canvas. Kaya habang nasa mood pa ako ay gusto kung magpinta para madagdagan ang collection ko.
Pagpasok ko sa loob ng studio ay agad kung inayos ang mga kailangan ko sa pagpipinta. Hindi ko naman napigilan ang mapanguso nang maalala kung hindi pa pala ako nakakabili ng paint brush. Noong naglinis kasi ako sa studio ko ay itinapon ko na ang mga luma kong paintbrush at papalitan ko na iyon ng mga bago. At nakalimutan kong bumili ng bago.
Napakamot na lang ako sa ulo. Mukhang kinakailangan kung lumabas para bumili ng mga gamit ko. Hindi kasi ako nag-uutos sa kasambahay namin para magpabili ng mga gamit ko sa pagpipinta. Ako kasi ang personal na bumibili ng mga gamit ko.
Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay lumabas na ako sa studio room ko at pumasok ako sa kwarto. Lumapit naman ako sa cabinet ko para magpalit ako ng damit panglakad. Nakapambahay lang kasi ako. Pagbukas ko sa cabinet ko ay napatuon ang tingin ko sa itim na tuxedo na maayos na nakatupi sa loob ng cabinet.
Hindi ko mapigilan ang mapakagat ng ibabang labi nang maalala ko kung sino ang may-ari niyon. Ang lalaking estrangero na ilang beses ko nang nakita. At kahit na ilang beses ko na siyang nakita ay hindi ko pa alam ang pangalan niya.
Tinanong mo sana, Ayanna, anang pilyang isipin. Iiling na lang ako na napapangiti sa naiisip ko.
Inalis ko na lang ang tingin ko sa tuxedo at naghanap na lang ako ng damit na panglakad. As usual, puting t-shirt at kulay blue na skinny jeans ang napili kong isuot. Nang makapagbihis ako ay kinuha ko lang ang sling bag ko, nilagay ko lang doon ang wallet at cellphone ko. Dinampot ko na din ang remote control key ng cellphone ko na nakalapag sa ibabaw ng bedside table at lumabas na ako sa kwarto ko.
"Manang, lalabas po ako, ha," paalam ko kay Manang Ligaya ng makasalubong ko siya. Wala din sina Mama at Papa sa bahay dahil nasa opisina sila.
"Sige. Ingat ka," wika naman sa akin ni Manang.
Isang ngiti lang naman ang isinagot ko kay Mamang Ligaya. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng bahay. Nang malapit na ako sa kotse ko ay pinindot ko na ang unlock button ng hawak kung remote control key. Tumunog iyon tanda ng pagbukas. Binuksan ko naman na ang pinto sa driver seat at pumasok na ako sa loob. Pinatong ko naman ang sling bag ko sa passenger seat at binuhay ko na ang makina ng kotse at lumabas na ako sa malaking gate ng bahay namin. Naging smooth naman ang pagpapatakbo ko ng kotse ko patungo sa kilalang Mall para bumili ng materyales na gagamitin ko sa painting.
Nasa gitna ako ng kalsada ng biglang nag-iba ang tunog ng makina ng kotse ko. Narinig ko ang pagpugak-pugak ng kotse. At alam ko na ang tunog na iyon kaya bago pa tumirik ang kotse ko sa gitna ng kalsada ay mabilis ko nang kinabig pakaliwa ang makina ng kotse ko para hindi ako mag-cause ng traffic kung tumirik iyon sa gitna bg kalsada. Saktong naigilid ko ang kotse ng mamatay ang makina niyon.
I took a deep breath. Tinanggal ko din ang suot kong seatbelt para lumabas ng kotse para tingnan kung ano ang problema ng kotse ko. Hindi ko naman alam na may problema iyon, kung may ideya lang sana ako, eh, hindi sana ay iyong isang kotse na lang ang ginamit ko.
Mayamaya ay namaywang ako nang maalalang wala din pala akong alam tungkol sa makina ng kotse. Bakit naisipan ko pa i-check ang problema? Napailing na lang ako.
Humakbang ulit ako patungo sa driver seat ng kotse ko. At akma kung bubuksan ang pinto niyon nang mapahinto ako ng may tumigil na isang itim na sasakyan sa likod ng kotse ko. Hindi ko makita kung sino ang driver ng kotse dahil tinted ang mga bintana niyon. Mayamaya ay nakita ko na bumukas ang pinto sa gawi ng driver seat at lumabas ang sakay no'n.
At hindi ko napigilan ang pag-awang ng labi ko nang makita at makilala ko kung sino ang lumabas sa kotse.
Walang iba kundi ang estrangherong lalaki na ilang beses ko nang nakita! The man looks hot right at the moment as he walk towards me. Nakasuot siya ng puting long sleeve na nakalihis hanggang sa siko niya. May naaninag din akong maliit na tattoo sa braso niya. Nakasuot din siya ng itim na shades. At habang naglalakad siya palapit sa akin ay naramdaman ko na naman ang kakaibang bilis ng t***k ng puso ko.
I can't understand why my heart beats like that every time he's close to me. It was foreign feelings to me.
Tumaas naman ang isa kung kamay para ayusin ang suot ko na eyeglass nang tuluyan siyang huminto sa harap ko. Pakiramdam ko din ay para akong nasu-suffocate sa presensiya niya. Naduduling din ako dahil kinakailangan ko pang tumingala para magpantay ang mukha namin. Matangkad kasi ang lalaki, hindi nga ako umabot sa leeg niya.
Tinanggal naman nito ang suot nitong shades. At napatitig ako sa itim na mga mata niya na ngayon ay nakatunghay sa akin. Para na naman akong nahihipnotismo.
"What's the problem?" he asked me in a baritone voice. Bakit hindi lang sa mukha niya ang gwapo? Bakit pati ang boses niya ay tunog gwapo din?
Tumikhim mo na ako bago ko siya sinagot sa tanong niya. "H-hindi ko alam," sagot ko sa kanya. "B-bigla na lang tumirik ang kotse ko," dagdag ko pa.
Tumango-tango naman siya. "May I take a look?"
"Ha?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko ang pag-angat niya ng dulo ng labi niya.
"I'll check your car para tingnan kung ano ang problema," wika niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang pamulahan ng mukha sa hiyang nararamdaman. Baka isipin niya ay lutang ako.
Umiling naman ako. "H-hindi na. Nakakahiya naman," sabi ko. Nahihiya ako sa kanya, baka mamaya ay marumihan pa ang suot niya. Mukhang may lakad pa siya dahil formal ang suot niya.
"It's okay," sagot naman niya. Wala na akong nagawa noong humakbang siya patungo sa harap ng kotse ko. Sinundan ko naman siya. Nakita kong binuksan niya ang hood ng kotse ko. At napakagat ako ng ibabang labi nang makitang umuusok ang makina niyon. Umatras siya para siguro ay hindi siya mausukan at dahil nasa likod niya ako ay nabunggo niya ako. Muntik na akong nawalan ng balanse kung hindi ko lang agad na-i-balanse ang katawan ko. Mabilis naman siyang lumingon sa akin. Kitang-kita ko ang apologetic na mukha niya ng magtama ang mata namin. "I'm sorry," he apologized to me.
Itinaas ko naman ang isa kong kamay at iwinagayway ko iyon sa harap niya. "O-okay lang," sagot ko sa kanya.
Hindi naman ito sumagot. Sa halip ay tumitig lang siya sa mukha ko. Pasimple ko namang iniwas ang tingin sa kanya dahil hindi ko na matagalan ang klase ng titig na pinagkakaloob niya. Pakiramdam ko ay nanginginig ang mga tuhod ko. Mahirap na baka matumba pa ako sa harap niya kung ipipilit ko na makipagtitigan ako sa kanya. Mula naman sa gilid ng mata ko ay nakita ko na ibinalik na niya ang tingin sa kotse ko. Tiningnan ko naman ang ginagawa niya. Mukhang may alam siya tungkol sa pag-aayos ng kotse dahil habang tinitingnan ko siya ay para siyang expert. Mayamaya ay napansin ko ang pag-iling niya nang humarap siya sa akin.
"Kailangan ng expert sa kotse mo," wika niya sa akin. "I'm sorry, hindi ko siya maaayos," apologetic niyang wika.
"Okay lang," wika ko naman. "Tatawag na lang ako ng towing services," pagpapatuloy ko pa. Mayamaya ay bumaba ang tingin ko sa kamay niya nang makita ko ang dumi do'n dahil sa pagkalikot niya sa makina ng kotse ko. Kinuha ko naman ang panyo ko sa bulsa ng suot kung pantalon at inabot iyon sa lalaki.
"Here," sabi ko sa kanya.
Pero sa halip na kunin niya iyon ay tiningnan lang niya ang panyong nasa kamay ko. "Para saan iyan?" tanong niya sa akin.
Nginuso ko naman ang kamay niya. "May dumi iyang kamay ko," sabi ko sa kanya.
"Okay lang--
Hindi na niya natapos ang iba pa niyang sasabihin ng hawakan ko ang kamay niya. And the moment I held his hand I felt something different. I felt the familliar electricity that flow throughout my body. Para akong nakuryente pero hindi naman ako nasaktan.
Nag-angat ako ng tingin patungo sa kanya at hindi ko napigilan ang mapasinghap nang makita ko na nakayuko siya at titig na titig siya sa akin. At sa klase ng titig niya ay parang naramdaman din niya ang naramdaman ko.
Nang mahismasan ako ay mabilis kong binitawan ang kamay niya at bahagya din akong lumayo sa kanya. Natatakot ako baka marinig niya ang lakas ng dagundong ng puso ko. Napalunok ako ng makailang ulit.
"Ako na ang tatawag sa towing services," presenta niya sa akin. Akmang bubuka ang bibig ko para sana magsalita ng itinikom ko na lang nang makita ko na kinuha na niya ang cellphone niya at may tinawagan.
At dahil hindi siya nakatingin sa akin habang nakikipag-usap siya sa cellphone ay nagkaroon ako ng pagkakataon para matitigan siya. He is really handsome. Hinayaan ko naman ang sarili ko na titigan siya. Pero hindi ko inaasahan na babaling siya sa akin at huling-huli niya ako na tinititigan ko siya!
At kahit na hindi ako tumingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin ay alam kong nagmistulang kamatis ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman lalo na noong taasan niya ako ng isang kilay. Pasimple ko namang inalis ang tingin sa kanya. Ahh, nakakahiya.
"Miss?"
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya ng tawagin niya ako. Pero halos hindi ako makatingin ng deretso sa mata niya."Hmm?"
"Pupunta na sila dito," wika niya sa akin.
Tumango lang naman ako bilang sagot. "Anyway, where are you going?" tanong niya.
"Sa Mall," simpleng sagot ko naman.
"Hatid na kita," presenta naman niya.
Umiling-iling naman ako. "Hindi na. Magta-taxi na lang ako."
"Mahirap sumakay dito. Baka abutin ka ng isang oras bago ka makasakay, Miss," sabi naman niya sa akin.
"Totoo?" tanong ko naman, hindi pa ako naniniwala sa sinabi niya.
The man nodded. "Kaya ihatid na kita sa pupuntahan mo."
Hindi naman ako nagbigay komento sa sinabi niya. Hindi kasi ako makapag-desisyon kung papayag ba akong ihatid niya. Hindi ko kasi siya masyadong kilala. Ayaw kong mag-isip ng masama para sa kanya pero paano kung masama siyang tao? Paano kung kidnapin o hindi kaya ay r**e-in niya ako? Napataas ang balahibo ko sa sandaling iyon.
Mayamaya ay may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang pantalon. Nakita kong kinuha niya ang wallet niya at may inilabas siya do'n.
"Here," wika niya sa akin.
Nagtatakang kinuha ko naman ang inaabot niya. At do'n ko na-realize na isang ID pala ang inaabot niya. Driver licence niya. Tumutok naman ang tingin ko do'n. At mabilis kong binasa ang details niya na nakasulat sa Driver licence niya.
King Ezekiel Salvador.
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mabasa ko pangalan niya. King Ezekiel pala ang pangalan niya. Tunog gwapo ang pangalan niya, gaya din niya. Inalis ko naman ang tingin sa ID niya at inilipat ko iyon sa kanya. "B-bakit ito?"
"You can took a photo from my driver licence and send to your friends or family. Kapag hindi ka nakauwi sa bahay niyo ay sabihin mo na ako ang hanapin," wika niya sa akin. Mukhang nabasa niya kung ano ang iniisip ko kanina.
Bigla naman akong nahiya. Baka isipin niya ay pinag-iisapan ko siya ng masama. "I'm sorry," hingi ko ng paunmanhin sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin. "It's okay. I'll understand," sagot naman niya. "Hindi naman kita masisisi kung nagdadalawang isip kang sumakay sa kotse ko. Of course, safety first."
"I'm really sorry," sambit ko ulit sa kanya.
"Apology accepted," wika niya. "So, okay na ihatid kita sa pupuntahan mo?"
I took a deep breath again and nodded. "Okay."
King Ezekiel smiled at me. "That's good," wika niya. "Kunin mo na ang importanteng gamit mo sa loob ng kotse mo. And make sure na naka-lock ang pinto."
Tumango naman ako bilang sagot. Kinuha ko naman ang sling bag ko na nasa loob ng kotse at saka pinindot ang locked button ng remote control key ng kotse. "O-okay na," sabi ko naman kay King.
"Tara," yakag na niya sa akin. Nang maglakad siya palapit sa kotse niya ay sumunod din ako sa kanya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa gawi ng passenger seat. "Hop in."
"S-salamat," wika ko naman. Hinawakan naman niya ang bubong kotse niya ng pumasok ako sa loob. Gentleman din pala si King.
Nang masiguro niyang nakasakay na ako ng maayos ay umibis na siya patungo sa driver seat at sumakay na din siya do'n. Isinuot ko naman na ang seatbelt sa katawan ko. Pagkasakay ay agad niyang pinaandar ang kotse niya paalis sa lugar iyon.
Tahimik lang naman ako habang nasa daan kami. Halos nasa labas ng bintana ang tingin ko. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya. "So, Miss?" basag niya sa katahimikan namayani sa aming dalawa.
Sumulyap naman ako sa kanya. "B-bakit?"
Saglit naman niya akong tinapunan ng tingin bago niya binalik ang tingin sa daan. "What is your name?"
"Oh," sambit ko naman.
"Well, ilang beses na tayong nagkita pero hindi ko pa din alam ang pangalan mo," sabi niya sa akin.
"Ayanna," banggit ko sa pangalan ko.
Sumulyap na naman siya sa akin."What?"
"Ayanna ang pangalan ko," ulit ko.
"Ayanna," banggit din niya sa pangalan ko. Hindi ko naman maintindihan pero may kakaiba akong naramdaman ng banggitin niya ang pangalan mo. Parang may humaplos sa puso ko. "Nice name. It suits you."
"S-salamat."
Namayani na naman ang katahimikan sa aming dalawa sa sandaling iyon. Makalipas naman ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Mall na pupuntahan ko. Nang ihinto niya ang kotse ay tinanggal ko na ang suot kung seatbelt.
Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse nang may maalala ako. "K-king?" tawag ko sa pangalan niya. Napansin ko naman na saglit siyang natigilan.
"Yes?"
Bumuntong-hininga ako. "P-pwede ko bang kunin ang address ng bahay mo?" wika ko sa kanya. Napansin ko naman ang pagtaas niya ng isang kilay. Nag-explain naman ako agad sa kanya. Baka kasi may isipin siyang iba sa pagtatanong ko sa address niya. "A-ano kasi, nasa akin pa iyong coat mo. Ibabalik ko na sana. I-ipapadala ko na lang sa bahay mo," explain ko.
"Oh," sambit naman niya sa akin matapos akong magpaliwanag. "Kunin ko na lang ang number mo at iti-text ko na lang sa 'yo ang address ko."
"O-okay," sambit ko naman. Kinuha naman niya ang cellphone niya. Agad ko namang dinictate ang numero ko sa kanya. At mayamaya ay narinig ko ang pagtunog ng ringtone ng cellphone ko. At nang tingnan ko iyon ay nakita kung unknown number ang tumatawag sa akin. Sasagutin ko sana iyon nang tumigil na sa pagtunog ang cellphone ko.
"It's my number. Just save it," mayamaya ay wika ni King sa akin. Siya pala ang nag-missed call.
Isang tango lang naman ang isinagot ko. "Hmm...sige pala. S-salamat sa paghatid sa akin," paalam ko na. Hindi ko naman na siya hinintay na magsalita. Binuksan ko na ang pinto ng paasenger seat at bumaba na ako do'n.
Pagbaba ko naman ng kotse ay awtomatikong tumaas ang isang kamay ko patungo sa kaliwang dibdib ko nang maramdaman ko na hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sa normal ang t***k ng puso ko.