Chapter 6

1384 Words
IDINILAT na lang ni Ayanna ang mga mata ng hindi ako dalawin ng antok. Saglit mo na akong tumitig sa puting kisame hanggang sa napagpasyahan ko na lang na bumangon mula sa pagkakahiga ko. Hindi kasi ako dalawin ng antok na kahit na anong pilit kong matulog ay hindi ko pa din magawa. Siguro may nag-iisip sa akin? Sabi kasi nila, kapag hindi daw makatulog ang isang tao ay may nag-iisip dito. Pero sino naman ang mag-iisip sa akin? Baka si King Ezekiel? wika naman ng bahagi ng aking isipin. Ipinilig ko naman ang ulo ko nang maisip ko si King Ezekiel na posibleng nag-iisip sa akin. Kinastigo ko din ang sarili ko kung bakit siya agad ang naisip ko? Wala naman kasing dahilan para isipin niya ako. Sino ba naman ako para isipin niya? Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay bumangon na din ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi naman din ako makatulog kaya naisipan ko na lang na gugulin ang oras ko sa pagpipinta. Kaya isinuot ko na ang balahibong tsinelas ko. Dinampot ko naman ang ponytail ko na nakalapag sa bedside table. At habang naglalakad ako patungo sa studio room ko ay ipinusod ko ang mahabang buhok ko pataas. Binuksan ko ang ilaw sa loob at agad na nagliwanag ang paligid. Tuluyan naman na akong pumasok sa loob para ihanda ang kailangan ko sa pagpipinta. Umupo na ako sa silya paharap sa aking canvass at nag-isip ako ng gusto kong iguhit. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang bigla na namang pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ni King Ezekiel. At hindi ko namalayan na siya na pala ang iginuguhit ko sa blankong canvass ko. I remembered all of his features kaya madali na para sa akin na iguhit siya. At sa sumunod na sandali ay naging abala na ako sa ginagawa ko hanggang sa natapos ako sa pagguhit sa mukha niya. Hindi ko naman maiwasan ang mapatitig sa iginuhit ko nang matapos ako. Kuhang-kuha ko ang mukha ni King Ezekiel sa canvass ko. Para ngang kaharap ko siya sa sandaling iyon. Buhay na buhay kasi siya sa painting ko. At habang nakatitig ako do'n ay hindi ko na naman maiwasan ang makaramdam ng kakaiba sa puso ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang puso ko kung bakit ganoon lagi ang nararamdaman. Kung bakit laging tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag naiisip ko siya. Mukhang kailangan ko nang magpatingin sa espesyalista sa puso. I just took a deep breath and I stood up on my chair. Lumabas na ako sa studio room ko para bumalik sa kwarto. At nang mapatingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto ay do'n ko napansin na alas dos na pala ng madaling araw. Bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama. Ipinikit ko na din ang aking mata at ilang minuto lang ay nakatulog na din ako. Nagising naman ako kinaumagahan na may ngiti sa labi. Bakit? Laman kasi ng panaginip ko si King Ezekiel. Sa panaginip ko ay muli na naman kaming nagkita na dalawa. At sa pagkakataong iyon ay medyo nagtagal pa ang pagsasama namin. I shook my head para maalis siya sa isip ko. And I silently pray to the lord for new beggining and for new hope that he given to me. Pagkatapos ay bumangon na ako sa kama. Iniligpit ko naman ang higaan ko at saka ako lumabas ng kwarto. Dumiretso naman ako sa kusina at pagdating ko do'n ay nadatnan ko na ang parents ko na nasa harap ng mesa. Kahit na puyat ako ay gumigising pa din ako nang maaga para makasabay sina Mama na kumain sa hapag. Gusto kasi ni Papa na magkakasama kami kapag kakain. Busy na kasi ang parents ko buong araw at iyon lang ang sandaling magkakakasama kami. Babalik din naman ako sa pagtulog kapag nakaalis na sila. "Good morning, Mama, Papa," bati ko naman mg tuluyan akong nakapasok sa loob ng dining table namin. Nag-angat naman sila ng tingin para balingan ako. "Maupo ka na, Ayanna," wika naman ni Mama sa akin. I smiled at her. Naglakad naman na ako para umupo sa harap ng mesa. Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumingin ako kay Papa nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ayanna." "Bakit po, Papa?" tanong ko naman ng magtama ang mata namin. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. "Anong oras ka na natulog kagabi?" tanong niya sa akin. Napakakagat naman ako ng ibabang labi ko. At nang hindi pa ako nagsasalita ay muling nagsalita si Papa. "Tingnan mo ang ibabang mata mo. May dark circle," komento ni Papa. Tumaas naman ang kamay ko para haplusin ang ibabang bahagi ng mata ko. "Mukhang magdamag ka na namang nanatili sa studio room mo," dagdag pa na wika ni Papa. Umiling naman ako bilang sagot. "Hindi po, Papa. Hindi lang po ako dalawin ng antok kagabi," wika ko naman, hindi ko na sinabing nagpinta na naman ako baka kaai sermon-an ako ni Papa. Hindi naman na nagbigay komento si Papa. "Kain na tayo," mayamaya ay wika naman ni Mama. Siya na din ang nag-lead ng prayer para magpasalamat para sa pagkain na nakahain sa mesa. Naging tahimik naman ang pagkain namin pero nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng muli na naman akong tawagin ni Papa. "Ayanna." Nag-angat ako ng tingin para sulyapan si Papa. "Po?" "Kailan mo gustong i-train ka sa kompanya?" wika sa kanya ni Papa. Tumingin naman ako kay Mama para humingi ng saklolo dito. Baka sa pagkakataong iyon ay tulungan ako ni Mama. Ayaw ko talagang i-train ako ni Papa dahil ayokong i-manage ang kompanya namin. At wala akong alam sa kompanya, baka kasi sa halip na mapalago ko ang kompanya namin ay ako pa ang dahilan ng pagbagsak niyon. Pero noong pagtingin ko kay Mama ay hindi siya nakatingin sa 'kin. Pero alam kung nakikinig siya sa pinag-uusapan namin ni Papa. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Kagat ko ang ibabang labi ko ng ibalik ko ang tingin ko kay Papa na naghihintay ng kasagutan ko sa tanong niya. "'Pa, ayoko po talaga na i-manage ang kompanya natin. Kayo na lang po," tanggi ko sa kagustuhan ni Papa. "Ayanna, hindi pwede ang gusto mong mangyari," wika ni Papa sa seryosong boses. "Nag-iisang anak ka namin. At ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Del Valle Chain and Hotels." "Pero-- Hindi ko na ulit natapos ang iba ko pang sasabihin ng muling nagsalita si Papa. "Ayanna, alam kong mahirap ang hinihiling ko sa 'yo. Lalo na sa kondisyon mo. Pero kailangan mo pa ding labanan iyang takot na nararamdaman mo. At sa umpisa lang mahirap, pero kapag gamay mo na ang lahat ay magiging madali na para sa 'yo. At huwag kang mag-aalala. Tutulungan ka namin ng Mama mo, wala kami sa likod mo pero nasa tabi mo kami hanggang sa matuto ka," pagpapalakas ng loob ni Papa sa akin. "At kung iniisip mo din ang tungkol sa pagpipinta mo? Huwag kang mag-alala, Ayanna. Hindi ka namin pipigilan na itigil mo ang pagpipinta mo. You can paint all you want but at the same time, we want you to learn how to manage our company. Gusto naming malaman mo ang pasikot-sikot sa kompanya para kahit na mawala na kami ay hindi ka na mahirapan." "'Pa, sinabi ko na sa inyong huwag niyong sasabihin iyan. Matagal na matagal ko pa kayong makakasama ni Mama," sabi ko kay Papa. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Papa. "I'm just stating the possibility of what will happen, Ayanna. Life is to short. At malapit na kami sa boarder line ng Mama mo." Hindi na lang ako nagbigay komento sa sinabi ni Papa dahil ayokong naririnig ang sinasabi niya. Nakakaramdam kasi ang puso ko ng bahagyang kirot. I don't want to lose my parents dahil sila lang ang mayroon ako. I sighed in defeat. Mukha talagang desidido sina Papa sa kagustuhan ng mga ito na tumulong ako sa pagpapatakbo ng kompanya namin. Mukhang sa pagkakataon na iyon ay wala na akong magagawa. "S-sige po," mahinang sagot ko pero sa loob-loob ko ay ayoko talaga sa gusto nila. Napipilitan lang ko. Napansin ko naman ang pagliwanag ng mukha ni Papa nang marinig niya ang naging sagot ko. Mukhang nagustuhan niya ang naging desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD