"WE'RE here." Bumaling ako kay King Ezekiel nang magsalita siya. Makalipas ang ilang oras na biyahe namin ay nakarating na din kami sa pupuntahan namin na dalawa. Noong sinabi ko sa kanya na ayoko pa umuwi nang tanungin niya ako noong umalis kami sa Exhibit ay dinala niya ako sa isang private beach resort sa may Batanggas. At bago kami umalis ay tinanong niya ako kung okay lang na malayo ang pupuntahan namin na dalawa at sinabi ko na okay lang. Wala naman kasi akong ibang gagawin. At mag-o-overtime sina Papa at Mama sa office dahil may tinatapos daw silang importante. At gusto ko namang mag-unwind sandali kaya pumayag na lang din ako. May tiwala naman kasi ako sa kanya at alam ko na hindi niya ako gagawan ng masama. Napansin ko na inalis ni King Ezekiel ang suot niyang seatbelt at sak