NAKAHINGA ako ng maluwag nang pagdating namin na dalawa ni King Ezekiel sa lugar kung saan matatagpuan ang exhibit ay nakita ko na wala nang tao na naroon sa loob. Last hour na din kasi ang pagpunta namin na dalawa do'n. "Let's go, Ayanna," yaya na niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Mayamaya ay napatingin ako sa braso ko nang maramdaman ko ang paghawak niya para alalayan ako na maglakad. Saglit akong napatitig sa kamay niya hanggang sa nag-umpisa na kaming maglakad na dalawa papasok sa loob nang exhibit. "Good afternoon, Ma'am and Sir," bati ng guard sa amin nang makita niya kami. Ngumiti lang naman ako bilang sagot sa kanya. Napansin ko naman na tinanguham ni King Ezekiel ang guard bilang pagbati din niya. Pagkatapos ay pumasok na kaming dalawa sa loob ng nasabing estab