SAKTONG pagkalabas ko ng banyo na nasa loob ng kwarto ko ay nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto na nanggagaling sa labas ng kwarto. Humakbang naman ako patungo sa pinto para pagbuksan kung sino ang kumakatok. At pagkabukas ko ay tumambad sa aking mata ang mukha ni Mama na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Nginitian ko naman si Mama nang magtama ang mga mata naming dalawa. "Oh, Mama. Bakit po?" tanong ko naman sa kanya sa masuyong boses. Gumanti naman ng ngiti si Mama sa akin. "Isasama ka namin ng Papa mo sa opisina ngayon, Ayanna," sagot sa akin ni Mama. Napakurap-kurap naman ako ng mga mata sa sinabi ni Mama sa akin. "B-bakit niyo po ako isasama?" tanong ko naman. Wala kasi akong ideya kung bakit gusto akong isama nina Mama sa opisina. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si