Chapter Four
"Hindi namin alam na may ampon pala si Brendon." Nag-angat ako nang tingin dito.
"Well, for my protection tinago na lang ni Dad dahil noong in-adopt n'ya ako ay medyo hindi safe ang kalagayan ko. Hindi naman ako takot na malaman ng lahat ang tungkol sa pagkatao ko. I'm so grateful na sila ang nagligtas sa akin."
"Nagligtas sa 'yo?" interesadong tanong nito.
"Yes." Ani ko na nginitian ito.
"Nailigtas nila ako sa isang syndicate noong bata ako. Naranasan kong mamalimos, magnakaw…" tumawa pa ako na waring move on na sa nakaraan ko. Waring mas nakuha ko ang atensyon ng lalaking ito.
"Seryoso?"
"Yes, ayos naman na ako. Mabuting family ang Daddy and Mommy ko."
"Go on, makipag-usap ka lang sa kanya." Ani ni Tori.
"Nice to hear that."
PINAGMAMASDAN KO ANG MUKHA NG babae. Napakaamo ng mukha nito, mahinhin ang kilos na waring normal na normal dito ang ganoong kilos nito.
A very elegant woman.
Nang mag-ring ang phone ko ay mabilis kong dinampot iyon. Takang napatitig muna ako sa pangalan ng caller. Pero nagpasya na rin akong sagutin ang tawag.
"Masyado ka namang mabilis kumilos." Tinig ng babae sa kabilang linya.
"Ha?" takang ani ko rito. Naguluhan sa sinabi nito.
"Ang anak ni Ullysis Smith ang kaharap mo."
Damn. Napatitig ako kay Isaia na abala sa pagkain nito.
"I told you, oras na makasal si Kristof De Lucca sa anak ni Ullysis na si Cindy ay mawawalan ng saysay rin ang effort ng boss mo. Lalo't ang tunay na Maria Isaia Smith ay ang ampon ni Brendon Miller." Humugot ako nang malalim na buntonghininga.
"Ang hirap paniwalaan." Ani ko rito. Mukhang wala namang idea ang babae sa harap ko na ito ang pinag-uusapan namin ni Lady A. Hindi ko na rin alam kung paanong nagkaroon ako nang ugnayan sa taong iyon. Kilala si Lady A sa mga ambag n'ya sa business world pero mahusay nitong naitago ang tunay nitong pagkatapos.
"If you want to make sure, pwede kang makakuha ng DNA samples ni Isaia Miller."
"Bakit hindi s'ya bumalik sa kanila?" tanong ko rito. Nililimitahan ang salitang maaaring marinig ng babae.
"Nawala ang alaala n'ya. Tanging Maria Isaia lang ang alam n'yang pangalan n'ya. Saka s'ya idinala ni Brendon Miller sa america at doon ay pinag-aral s'ya."
"Okay, kukuha ako." Ani ko na ang tinutukoy ay ang DNA sample nan tinutukoy ni Lady A.
May order din naman akong food. Kaya naman pagkatapos makipag-usap kay Lady A ay kumain na rin ako. Nakikiramdam sa kilos ng babae na waring ayos lang talaga rito ang presensya ko.
"Excuse me, sa rest room lang." Ani ni Isaia na dali-daling tumayo pagkatapos naming kumain. Hindi na nga ako nakapagsalita. Kaya naman dumampot ako nang tissue. Hindi ko alam kung pwede ba ang ginawa ko pero opportunity na ito. Saka ko chineck ang bag nito.
Ang suklay na naroon ay agad kong kinuha. Chineck kung may hibla bang naiwan. Luckily, mayroon akong nakuha roon. Madali lang din akong nakabalik sa pwesto ko.
Inilagay ko sa tissue ang ilang hibla na nakuha ko. Saka naupo. Kung hindi man pumasa ang samples na iyon, susubok na lang ako ulit.
Nang bumalik ito ay ngiting-ngiti ito. Labas pa ang dimples nito na mas lalong nagpagaan ng aura nito.
"May iba ka pa bang lakad? Pwede kitang ihatid." Ani nito.
"Ayos lang ba sa 'yo? Hindi ka ba hahanapin ng Boss mo?" tanong nito sa akin. Mabilis naman akong umiling.
"Tapos na ang trabaho ko."
"Sure, Magnus." Ani nito na dinampot na ang pouch nito.
"Nabayaran ko na." Ani ko rito.
"Really? Oh, thank you." Ani nito. She's beautiful, my type. This kind of girl na magandang baguhin pagdating sa kama.
Damn! Ngayon lang ako nagkainteres ng ganito. Hindi nga ako nakatiis na lapitan ito kahit hindi naman kailangan, eh.
Narating namin ang parking lot.
"Your car?" takang tanong nito nang makita ang latest sports car na naghihintay sa parking lot.
"Nope, kay Boss Kris." Tipid na tugon ko. Saka pinagbuksan ito ng pinto.
Sa isang sikat na subdivision nakatira ang mga Miller. Kung hindi pa nga nakitang kasama ko si Isaia ay hindi pa ako papapasukin. Nang marating namin ang mansion ng mga Miller. Dali-dali ko rin itong pinagbuksan ng pinto.
"Thank you sa paghatid. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" tanong ni Isaia ngunit mabilis akong umiling. Baka ma-misinterpret pa ng ina nito kung bakit ko inihatid ang dalaga nito.
"Hindi na, aalis na rin ako."
"O--kay, pasok na ako sa loob." Ani nito. Mabilis naman akong tumango rito. Hinintay kong makapasok ito sa gate bago ako dali-daling umalis ng sasakyan.
Nagawi pa sa passenger seat ang tingin ko. Nang ilapit ko ang tingin ko sa sandalan ay may buhok na naiwan doon. Tiyak kong kay Islah iyon. Kaya naman mabilis akong naghanap ng pwedeng mapaglagyan para gamiting sample.
NAKANGISING SUMALAMPAK AKO SA baitang ng hagdan at dali-daling inalis ang heels na suot ko.
"Good job, Islah." Ani ni Tori sa kabilang linya.
"Ang yummy n'ya, sis." Ani ko na may malawak na ngisi sa labi.
"Tsk, 'wag mong kalimutan na trabaho ang reason kung bakit ka lumalapit sa lalaking iyon. Malaki ang impluwensya ni Magnus Isaac sa boss n'ya. Oras na makumbinsi itong ikaw ang dapat pakasalan ni Kristof De Lucca ay mas magiging madali para sa 'yo na pasukin ang mundo ng family mo."
"Not family, but my enemy. Papasukin ko talaga 'yon para magdusa silang lahat. By the way, thank you nga pala sa pag-send ng video ng mother ko. Mas lalong tumatatag ang dibdib ko na ipagpatuloy ito para sa aking ina."
"Yeah, huwag kang mag-alala. Isa ako sa aasikaso para mai-transfer s'ya sa ibang bansa at maipagamot doon. Pero narinig ko si Lady A na plano n'yang makapag-usap muna kayo ng nanay mo para magkaroon din ng reason ang iyong ina na mapagaling."
"Thank you." Napabuntonghininga ako. Handa na ba akong harapin ang nanay ko? Parang hindi ko pa kasi kaya. After all, wala pa akong nagagawa para rito.