Three
"Again!" hindi ko na alam kung nakailang again iyong bruhang ito. Pero mahusay kasi itong mentor naming ito. Si Mentor Lyn lang din ang naging mentor ni Barbara noong gusto n'yang maging mahusay na pokpok sa misyon n'ya noon. Mas nag-e-enjoy rin ang mga gagang daig pa ang nanonood ng sine habang naka upo sa couch.
"Again!" automatic akong napasalampak sa sahig sa labis na inis ng muling marinig 'yon.
"Stand up, Islah!" mariing ani ni Lady A. Mabilis naman akong tumayo at inayos ang libro sa ulo ko. Kailangan kong galingan, tapos tambangan ko na lang mamaya itong bruhang ito.
"Kailangan mong itanim sa isip mo ang goal mo, stand straight!" sumeryoso ang expression ng mukha ko."Nasa ama mo na rin nakapangalan ang lahat ng ari-arian ng Mama mo. Dahil pinalabas noong patay na ito. Kapag nagkandaletse-letse, lahat ng iyon ay mapupunta kay Cindy." Huminga ako nang malalim at sinimulang maglakad. Itinanim sa isipan na kailangan kong ibigay ang best ko sa misyong ito.
"Perfect!" dinig kong ani ni Lady A. Pati na ang mga kaibigan kong kanina ay tawa nang tawa, natahimik at proud na pinanonood ako.
Nanlulumong sumalampak ako sa upuan nang sabihin nitong magpahinga ako saglit.
"Umayos ka nang upo. Para kong unggoy sa upo mo." Pasaring ni Mentor Lyn na ikinatawa ng mga kasama ko. Shuta sila. Pangit ka-bonding. Sa totoo lang masakit na ang paa ko. Pero kakayanin pa rin. Tatambangan ko na lang mamaya ang babaeng ito. Lintik lang walang ganti.
MAHINHIN ANG KILOS NA INILAPAG ko ang bag ko sa table. Saka maingat na kumilos para umupo. Nandito ako sa isang restaurant at…wala lang, nagmamaganda lang. Nandito kasi ang target ko. Si Kristof De Lucca. Kasama ang secretary nito na si Magnus Isaac. Kakatagpuin ng mga ito ang isang businessman. Iyon ang taong palalabasin ni Lady A na umampon sa akin. Ibang klase talaga ang connection ni Lady A pagdating sa business world. Hindi ko alam kung paano n'ya 'yon nagagawa. Kunwari'y abala sa cellphone pero sa totoo lang na sight ko na ang ulalahhhh, gwapo ang lalaki. Kahit nga 'yong Magnus Isaac gwapo rin, mas gwapo pa nga eh. Kung hindi ko matikman 'yong target, doon na lang sa client. Napakagatlabi ako sa kalokohan naisip. Ito ang problema ng mga kasama ko sa akin. Maligalig ang utak ko.
"Focus, Islah!" mariing ani ni Tori na s'yang bantay ko ngayon."Please, stop searching porn videos!" singhal pa nito. Dahil wala sa focus hindi ko namalayan na roon pala napadpad ang daliri ko sa pagtipa.
Napangiwing ini-off ko ang phone ko. Bakit naman kasi bad girl. Nang mag-angat ako nang tingin, kay Magnus tumama ang tingin ko. Nakatitig pala ito sa akin. Saka kumindat. Napasimangot naman ako at kunwari'y abala na ulit sa phone. Pero sa totoo lang wala naman akong gagawin doon.
"Umayos ka nang upo." Mahinhing kumilos saka iniangat ang kamay upang tawagin ang waiter. Pinapakita ko talaga ang kilikili ko. Puti eh.
Kunwari'y magugulat si Brendon Miller, my fake adopted father, kapag nakita ako. Saka ako tatawagin at ipakikilala sa mga ka-meeting nito. Simple lang ang plan, pero tiyak kong mae-execute ko nang maayos. I'm so awesome kaya kampante ako na madali kong magagawa ito.
"Isaia!" gulat na tawag sa akin ni Brendon. Kunwari'y natigilan ako sa matandang tumawag sa akin.
"Dad, what are you doing here?" mahinhing tanong ko sa aking ama. Saka tumayo at mabagal ang kilos na lumapit at humalik sa pisngi nito.
"Nakalimutan mo bang sinabi ko sa 'yo na may meeting ako, where is your bodyguard?"
"Nasa parking lot po, may pinakuha lang po ako." Gusto kong palakpakan ang sarili ko pero pinigil ko dahil baka pagkamalan pa akong baliw ng mga ito.
"Mr. Miller?" pukaw ni Magnus Isaac sa atensyon ni Brendon.
"Hija, s'ya si Magnus Isaac at s'ya naman si Kristof De Lucca. Sila ang ka-meeting ko ngayon."
"Nice meeting you po, I'm Maria Isaia Miller." Mahinhing ani ko sa mga ito.
"Hindi ko alam na may anak ka pala." Ani ni Kristof sa fake dad ko. Medyo rude 'yong paraan nang pagsasalita nito pero kalmado akong sumagot.
"Adopted child ako."
"You don't need to say that, anak kita." Ani ni Brendon. Pero ngumiti lang ako rito.
"It's fine, Dad. I'm still proud na kayo ang parents ko. Hindi naman po mahalaga sa akin kung blood related or not."
"Whatever it is, anak kita!" ani nito.
"Baka po nakakaabala na ako sa inyo. Balik na po ako sa table. Saka ayon na po ang bodyguard ko." Sabay turo sa lalaking papasok na may bitbit na cellphone at pouch. Sa akin 'yong pouch.
"Okay, tatapusin ko lang ang meeting ko at sabay na tayong umuwi."
"Okay, Daddy. Excuse me po." Ani ko sa mga ito. Narinig ko pa si Tori na nag-good job sa kabilang linya. May device na nakakabit sa tenga ko. Hindi iyon halata lalo't nakalugay ang tuwid kong buhok.
Pagbalik ko sa table. Narinig kong nagsalita si Tori.
"Sine-search ka na ni Magnus Isaac." Ani nito. Of course, ganyan kahusay si Tori. Hindi ko alam kung paano nitong namo-monitor ang device ni Magnus Isaac pero saludo talaga ako kay Tori.
"Anong sine-search n'ya?" curious na tanong ko rito.
"Your vital statistics." Tipid na sagot ni Tori na mahinang ikinamura ko. Gagong assistant ito, ah.
Pero ayos na lang din. After all, confident naman akong perfect ang katawan ko at never makikita ng gagong 'yon ang hinahanap nito. Mga fabricated articles, pictures and achievements ang tanging naroon.
Nang dumating ang order namin ay mukhang tapos na rin agad sa pakikipag-usap si Brendon sa mga ito. Kay Kristof De Lucca unang na focus ang tingin ko, saka gumawi kay Magnus Isaac.
Sa akin na naman ito nakatitig.
Lumapit si 'Dad' sa akin.
"Gusto mo pa bang sumabay sa akin?"
"Kakain pa lang po kami, Daddy. Sayang naman ang food." Ani ko rito.
"Okay, mauuna na lang pala ako. May biglaang meeting din ako."
"Isama mo na po kaya si Tonton? Pagkatapos ko naman po rito ay uuwi na rin ako. Mas matutulungan ka po ni Tonton."
Iyon naman ang usapan. Kung kakagatin ni Magnus or Kristof ang ginagawa kong eksena, eh 'di maganda.
Pumayag naman agad si 'Dad' saka ito lumapit sa mga ka-meeting nito kanina. Naiwan akong mag-isa sa table. Abala sa pagkain ang tingin. Si Tori ang nagsasabi sa nagaganap.
"Hi!" marahan akong nag-angat nang tingin at napatitig sa lalaki na kung tutuusin ay parang mas malakas ang dating kay sa kay Kristof De Lucca.
"I'm Magnus."
"I know…" bored na tugon.
"Umayos ka nang sagot, Islah." Mariing ani ni Tori. Saka ko lang naalala na nasa trabaho nga pala ako.
"Gusto mo bang maupo?" mahinhin pero pinasigla ang tinig na tanong ko rito.
"Ayos lang?" tanong nito sa akin. Tumango-tango naman ako.
"Oo naman." Sinulyapan ko ang dati nilang pwesto. Wala na roon si Kristof.
"Umalis na s'ya. May meeting pa s'ya na dapat puntahan." Ani nito.
"Ah, okay." Ani ko na muling napatitig sa gwapong mukha ng lalaki. Bakit mas gwapo pa ito kay sa roon sa lalaking tratrabahuin ko? Why naman unfair?