Five

1053 Words
Chapter Five "Pinalitan ko ang mga samples para tiyak na walang maging problem sa result." Sinulyapan ko si Lady A na abala sa wine nito."Tiyak na magkukumahog si Magnus Isaac na kausapin si Kristof De Lucca oras na makita n'ya ang result ng DNA." "Thanks…" tipid na ani ko habang tutok ang tingin sa profile ni Magnus Isaac. Hindi s'ya ang dapat pinag-aaralan ko, dapat si Kristof De Lucca. Pero heto ako, titig na titig sa mukha ng lalaki. "Paano ka na-contact ng taong ito?" tanong ko kay Lady A. "Hindi iyon ang mahalaga. Gawin mo ang trabaho ng walang sabit. Naisip kong bigyan ka ng chance para makausap mo ang nanay mo." Tinapik nito ang balikat ko. "Ngayon?" sunod-sunod ang kabog ng dibdib ko. Tumango ito kaya naman dali-daling ibinalik ko sa bag ko ang binabasa kong information ni Magnus Isaac. Chance ito. Hindi pwedeng maging duwag ako sa pagharap ko sa aking ina. Bumyahe kami patungo sa facility kung nasaan si Mama. Humugot pa ako nang malalim na hininga para lang kalmahin ang aking sarili. Kailangan kong ipakitang matatag ako para rito. Kailangan kasi ako ng Mama ko. "Mariaaaaa, Mariaaaaa!" pagpasok pa lang dinig ko na ang hiyaw ni mama. Agad nangilid ang luha ko, hindi ako ang tinatawag nito. Kung 'di ang doll na hawak nito na pinulot nito sa sahig dahil nahulog. "Ayos ka lang ba, baby ko? Ayos ka lang ba? Worried si Mama." Hinaplos-haplos pa nito iyon na waring alalang-alala sa pagkakahulog nito. "Ma…" tawag ko rito. Ngunit hindi man lang nag-angat nang tingin."Ma…" muli kong tawag saka marahang humakbang palapit dito. "Maria? Are you okay, baby? I'm sorry, I'm sorry." Hinalik-halikan pa nito iyon na waring tunay na tao ang karga nito. "Mama, ako po si Maria…" humakbang ako palapit, ngunit tumalikod ito. Kaya naman binack hug ko na lang ito. Hindi naman ito pumalag ngunit patuloy pa rin sa malambing na pikikipag-usap sa doll nito. "Ma, please, magpagaling ka po. Gusto ko kapag natapos ako sa misyon ko ay makasama na kita. Malayo sa mga taong nanakit sa ating dalawa." Humahagulgol nang iyak na ani ko rito. "Mariaaaaa, I love you." Ani ni Mama. "Mahal din kita, Mama ko." Mas humigpit pa ang yakap ko rito. Ngunit deadma lang talaga ang ginang sa presensya ko kahit pa mahigpit ang yakap ko rito. Ilang minuto ako sa ganoong pwesto. Hindi na yata nito nagustuhan dahil pilit na itong humiwalay at sumiksik sa gilid ng kama. "Mariaaaa, Mariaaaaa, bad ang papa mo. Bad s'ya…" nagulat ako sa bigla na lang. nitong paghiyaw."Bad sila ng best friend ko. Bad silaaaaa, ang sakit ng heart ko, Maria." Ani nito. Masaganang luha ang umalpas sa mga mata nito habang kinakausap ang doll. Humakbang ako saka paluhod na naupo sa harap nito. "Ma? Ako ito, si Maria Isaia. Ma, ako ang anak ninyo." Ginagap ko ang isang kamay nitong nakalapat sa dibdib nito. Nang tumingin ito sa akin ay waring napaisip ito. "Hindi, si Maria ko ay maganda." Tinabig nito ang kamay ko. Bahagya akong natawa. "Maganda kaya ako. Maganda si Maria mo. Miss na miss ka na rin n'ya." "Miss n'ya ako? Lagi ko naman s'ya kasama, bakit n'ya ako miss?" tanong ni Mama. Muli na naman akong napahikbi. "Miss ka na n'ya, 'yong mama n'yang matapang at palaban. Ma, magpagaling ka, ha. Kailangan ko kasi ng mama na palaban. 'Yong kayang bumalik sa dating s'ya para sa akin habang ako ay lumalaban sa mga nang-api sa atin. Ma, magpagaling ka po. Mahal na mahal po kita." Akmang yayakap ako rito nang itulak ako nito. Napaupo ako sa sahig dahil sa ginawa nito. "Noooo, si Maria gusto kong makita si Maria ko." Umiyak ito na naglupasay na at isinipa-sipa ang paa. Yakap-yakap ang doll na tandang-tanda kong paborito ko noong bata pa ako. "A-ko si Maria, Mama." "Hindiiiiii, ito! Ito si Maria ko." Itinuro nito ang doll. "Kailangan na rin nating umalis, Islah. May trabaho pa tayo." Ani ni Lady A kaya naman mabilis kong pinahid ang luha ko. "Magpagaling ka, Ma. Susunod agad ako sa Amerika. Mahal po kita." Hinalikan ko ang noo nito saka pinahid ang luha at nagpasyang tumayo. Para pa ngang nanghina ang tuhod kaya napakapit ako sa kama. Kailangan ng mas matapang na version ni Maria Isaia. Titiyakin kong magdurusa 'yong mga taong dahilan nang paghihirap ko at ng mama ko. Akma na akong palabas nang marinig ko si Mama. "Balik ka, balik ka sa bisig ni Mama." Muli akong napahikbi. Iyon kasi ang madalas sabihin ni Mama tuwing papasok ako noon sa school. Hindi ito nakatingin sa akin pero binalot ng init ang puso ko dahil sa narinig. "Babalikan kita, Mama. Pangako ko 'yan sa 'yo." Humugot ako nang malalim na buntonghininga saka tuluyang sumunod kay Lady A. "HUWAG NA NATING ITULOY ANG PLANO." Nag-angat nang tingin si Kristof sa sinabi ko. Abala ito sa pag-check ng mga papel habang ako ay nakaupo sa gilid ng mesa. "What?" takang ani nito sa akin. "Mawawalan din ng saysay kung itutuloy mo ang kasal kay Cindy." "What do you mean? Ikaw ang kumumbinsi sa akin na pakasalan ko si Cindy. What happened? Change of heart?" takang ani nito. Ang kilay ay salubong na salubong. "Hindi tunay na anak si Cindy." Sabi ko rito. "I don't care, kung s'ya lang ang makatutulong sa plano natin, ituloy natin ito." Umiling ako rito at bumuntonghininga. "This is the result of DNA of Maria Isaia Miller…" "What?" "I told you, hindi anak si Cindy. Makakahanap ng butas ang mga kalaban natin oras na itinuloy natin ang plano. Mawawalang saysay ang lahat ng hirap nating dalawa. Makukuha pa rin nila ang shares kahit matuloy ang planong kasal. Hindi alam ng ama ni Cindy na hindi s'ya anak nito. Pero itong si Maria Isaia, s'ya ang tunay na anak ni Ullysis Smith." "Anong gusto mo? Ipahukay natin ang bangkay ni Maria Isaia?" "She's not dead, dude." Humugot ako nang malalim na buntonghininga. "Ang ampon ni Brendon Miller ay ang babaeng dapat pakasalan para makuha ang shares." "W-hat?" nagkibitbalikat ako saka tumayo nang maayos. "Kailangan makumbinsi natin si Maria Isaia na tulungan tayo sa plano natin." Ani ko saka iniwan na ito sa opisina. Hindi pwedeng masayang ang lahat nang pinaghirapan---ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD