Chapter Fifteen
"You want?" tanong ko kay Cindy nang madaan ito sa harap ko. Kumakain ako ng mani ng nagmamagandang dumaan ito.
"I don't like peanuts. Nangangati ako sa mani." Maarteng ani nito.
"Ay, sa mani ka nangangati? Ako pimples lang naman. Grabe naman pala 'yong sa 'yo." Nakabungisngis na ani ko rito. Nasa work si Kris, maaga itong umalis. Gusto pa nga sana akong isama pero sinabi ko ritong kailangan ko ring gawin ang dapat kong gawin dito.
"Tsk, laking America ka ba talaga? Hindi kasi halata."
"Ikaw nga laking mayaman ka pero hindi halata, eh. Parang ganoon din ako."
"Nandito ka ba para bwisitin ako. Pero sa harap ng mga magulang natin kung makaakto ka akala mo naman ang bait-bait mo." Nanlilisik ang mata nito kaya naman ibinaba ko ang mangkok na hawak at tumayo.
Mas maganda talaga ako rito kahit saang angulo pa tignan.
"Hindi lang kita bwibwisitin. Kukunin ko pa ang lahat sa 'yo." Ngumisi naman ito.
"Girl, dream on! After all, hawak ko ang alas ko sa bahay na ito.
"Alas? Si Kristof De Lucca ba?" bahagya kong natakpang ang bibig ko upang pigilin ang matawa.
"What's funny?"
"Tiyakin mo lang na magaling kang bumukaka, baka pagdating ng araw magsawa rin s'ya sa kaya mong i-offer. By the way, I just want to remind you, walang taong nag-e-stay nang matagal sa taong kaya lang i-offer ay puday. Mananawa s'ya, girl. Ako na ang nagsasabi sa 'yo n'yan." Tinapik-tapik ko pa ang pisngi nito. Saka tinalikuran ito. Pumasok ako ng kusina at inabutan si Ninang Haja na abala sa pagmamando ng kasambahay.
"Hija, sana'y maganda ang gising mo." Ngiting-ngiti na ani nito. Kanina pa ako gising, nakapag-exercise na nga ako. Nakapasok na rin ako sa kwarto ni Cindy ng walang nakakaalam. Good naman din talaga ang gising ko.
Magaling kasing kumain ang asawa ko. Mahilig din pala si Kris sa puday na hindi pa nahugasan. Malamang, kasarapan nang tulog ko ay naramdaman ko na lang na may gumagalugad sa p********e ko.
"Maganda naman. Maaga pong umalis si Papa?" tanong ko rito.
"Yes, busy s'ya sa office. Ito naman kasing si Cindy next year pa raw papalit sa pwesto ng ama n'yo." Iiling-iling pa ito.
"Oh, don't worry po. Dahil narito na ako, ako na ang bahala sa negosyo ng Papa ko. After all anak naman po n'ya ako." Mahinhing ani ko rito.
"A-nong sabi mo?" lumarawan sa mukha nito ang pagkabahala.
"Ano sa tingin mo, Ninang, ang ginagawa ko rito? I'm here to claim my rights. I'm here to get everything back in place."
Ngumisi ang ginang na tumingin sa akin.
"Hija, it's so impossible na magawa mo 'yon. I'm your father's wife, Cindy is my daughter and your father's daughter too."
"How sure na legal ang kasal ninyo ng ama ko?" nakangising ani ko rito. Nawala ang kulay ng mukha nito sa sinabi ko. Literal na namutla ito na napatitig sa akin.
"Hindi magiging legal ang isang kasal na tulad ng sa inyo ni Papa dahil kasal pa s'ya kay Mama."
"Hija, hindi mo pa rin ba matanggap na wala na ang Mama mo?"
"Sinong may sabi? Baka magulat ka na lang kapag bigla s'yang bumalik at bawiin ang asawa n'ya. After all, wala ka namang binatbat sa Mama ko."
"Stop, binabastos mo na ako. Titiyakin kong makakarating sa ama mo 'yang mga sinasabi mo. Ganyan ka pala, kapag nakaharap ang ama mo ay akala mo kung sino kang mabait. Tapos kapag wala s'ya inilalabas mo ang sungay mo." Galit na ani nito.
"Ganyan ka rin naman, 'di ba? I still remember noong alagang-alaga mo ako sa harap ng Papa ko, pero noong nakatalikod na s'ya ay pinabayaan mo akong kunin ng mga kidnappers." Nabitawan nito ang basong hawak, dahilan para mabasag iyon.
"Liar! Gumagawa ka lang ng kwento para sirain kami ng asawa ko." Dinampot nito ang kapirasong parte ng baso at mabilis na lumapit sa akin at tinutukan ako ng matalim na bagay na iyon sa aking leeg.
"Hindi mo kami mapaglalaruan sa mga palad mo, Isaia. Wala kang binatbat sa amin." Wala man lang akong naramdaman kahit na anong takot. Idinikit ko pa nga nang bahagya ang leeg ko sa patalim. Dahilan para masugatan iyon at bahagyang magdugo.
Gulat na mabilis lumayo ang ginang at nabitawan ang bote.
"Sinong may sabing takot ako sa tulad ninyo? After all, alam ko ang baho ninyong dalawa ni Cindy. Kahit pa ipambaligo n'yo ang pinakamahal na pabango sa buong mundo, naaamoy ko pa rin kayo." Lumapit ako rito saka nakangising sinampal ito.
"How dare you?" hiyaw nito na napasapo sa pisngi nito.
"Oppssss, sorry. Pinatay ko lang 'yong lamok. Ayaw ko namang ma-dengue ka, Ninang." Ani ko na nakangising tumalikod dito.
Pumanhik ako sa silid at nagpasyang magpalit ng damit. Pupuntahan ko na lang si Kris. After all, trabaho ko rin ang isang iyon. Kailangan kong bantayan upang tiyaking ayos lang ito.
Si M muna ang tinawagan ko upang alamin kung nasaan si Kris.
"Nasa meeting n'ya po. Pero malapit na ho kaming matapos dito, pabalik na rin kami sa office after this."
"Okay, pupunta ako Ng office n'ya." Sabi ko saka ibinaba na ang phone. Simpleng bestida lang ang suot ko. Hinayaan kong nakalugay lang ang buhok ko at simpleng make up.
Bitbit ang pouch na may lamang wallet at phone ay nagpasya akong bumaba na. Nadaanan ko pang nag-uusap si Cindy at Ninang Haja na agad tumalim ang tingin sa akin nang makita ako.
"Usap lang kayo d'yan, don't mind me here. Aalis din naman ako. Mamaya na lang tayo mag-away." Nakangising ani ko sa mga ito saka humakbang na palabas ng mansion.
Ganitong umaga sana palagi. Para masaya, masaya ako sa impyerno.