Chapter Fourteen
"Isaiaaaaa!" naluluhang lumapit si Ninang Haja saka ako mahigpit na niyakap nito. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Kris."I'm so glad na nakabalik ka na. Sobra akong nangulila sa 'yo, hija." Ani nito na umiyak pa talaga. Fake!
"Ninang, I miss you too." Ani ko rito na tinap pa ang likod nito. Sa wakas nasa mansion na ako ng mga Smith, sa mansion na ako naman dapat ang reyna. Kung gugustuhin ko lang tiyak na sa mga oras na ito ay may tingga na sa ulo ang mga taong ito. Pero hindi, kailangan iparanas ko sa kanila ang impyerno. Impyerno katulad nang dinanas namin ni Mama.
"Bakit kasama mo ang secretary ng fiance ko?" takang ani ni Cindy saka bumaba pa ang tingin sa kamay namin ni Kris.
"Asawa ko si Magnus Isaac." Imporma ko sa mga ito.
"For real?" gulat na ani nila.
"Anak? Are you serious?" ani ni Papa.
"Kasal po kami ni Magnus, Pa."
"Pero, hijaaaa…"
"Dito na rin po kami titirang mag-asawa." Sabi ko na ikinasinghap ng mga ito.
"No way, a secretary? So cheap, sis. Alam kong gwapo si Magnus pero hindi ko akalain na cheap ka pala pagdating sa lalaki."
"Respect my husband. Pa, magpapahinga lang po kami ng asawa ko. Napagod po kami sa byahe." Ani ko na kumalas sa pagkakayakap sa ginang.
"Can I speak with you, Magnus?" salubong ang kilay ni Papa. Nang tignan ko si Magnus Isaac ay tumango-tango lang ito. Of course, kailangan n'yang gamitin ang pangalang iyon dahil hindi pa naman tapos ang plano nito sa shares na makukuha nito sa company ng ama nito. Mananatili pa ring si M ang Kristof De Lucca sa paningin ng lahat.
"Cindy, samahan mo si Isaia sa kanyang silid." Utos ni Papa. Tiyak na gigisahin nito ang asawa ko pero nangako naman si Kris na kayang-kaya nitong i-handle ang Papa ko.
Walang imik na sumunod ako kay Cindy.
Narating namin ang kwarto na wala itong kibo. Napatalsik na ito sa original na kwarto ko. Inilipat ang lahat ng gamit nito sa kabila, sa guest room dahil under renovation ang kwartong gagamitin nito. Pero ang dating silid ko ang s'yang gagamitin namin ni Kris habang narito kami.
"Honestly, gusto ko rin si Magnus." Natigilan ako sa pagpihit sa door knob. Saka nakaangat ang kilay na tinignan ito.
"What did you say?" takang ani ko rito.
"I want your husband."
"Oh, like mother like daughter, I guess?"
"Bakit ka pa bumalik? Para agawin ang lahat ng mayroon ako?" galit na tanong nito sa akin.
"Well, bumalik ako para bawiin lahat ng dapat ay sa akin. Miss me?" nakangising ani ko rito.
"Titiyakin kong hindi ka magtatagal sa pamamahay namin."
"Well, titiyakin ko namang magsasama tayo nang matagal para magawa ko ang plano ko." Relax na relax na ani ko rito.
"Plano?"
"Plano ko kasing gawing impyerno ang buhay ninyo. Kaya nga ako bumalik, 'di ba?" saka ko tuluyang binuksan ang pinto. Hindi na ako nagulat na ibang-iba na ang silid na ginagamit ko noong bata pa ako sa silid na nakikita ko ngayon sa harap ko.
"Malabong mangyari 'yang sinasabi mo, Isaia. Dahil titiyakin kong ikaw ang magkakaroon ng buhay na impyerno sa bahay na ito."
"Then try me, Cindy. I don't even give a f*ck. I'm so f*cking ready, bitch." Ani ko saka malakas na isinara ang pinto. Finally, nakapasok na ako sa impyerno. Tignan lang natin kung sino ang mauunang ma-evict sa bahay na ito.
"HINDI KO AKALAIN NA marumi ka rin pa lang maglaro. Anak ko pa talaga ang tinarget mo, Magnus Isaac?"
"Why not? Wala na rin naman kayong magagawa, she's my wife now." Kalmadong ani ko sa ama ng dalaga.
"No, hindi ako papayag. Si Isaia ang dapat asawa ni Kristof De Lucca. Hindi ka pwedeng makisingit sa larawan. May magandang buhay na maibibigay si Kristof De Lucca sa anak ko, hindi sa tulad mo na umaasa lang sa buto na itatapon ng amo." Ani nito. Nagkibitbalikat lang naman ako. Puring-puri ng mga ito ang nakilala nilang Kristof De Lucca habang ako na s'yang tunay na Kristof De Lucca ay isinusuka ng mga ito. Tsk. Tignan lang talaga natin kung paanong lalaruin ni Isaia ang hawak n'yang baraha.
"Hiwalayan mo ang anak ko."
"Sorry, Mr. Smith. I love your daughter. Kung paghihiwalayin n'yo kaming dalawa ay mas mabuti pang ilayo ko na lang s'ya sa inyo. Tutal iniisip n'yo lang naman ay para sa ikabubuti ng negosyo n'yo."
"You, bastard!" gigil na ani nito.
"Alam ni Boss na asawa ko na si Isaia. Sang-ayon s'ya roon. Wala rin naman kayong dapat ikatakot na baka masira ang plano n'yo dahil pakakasalan naman ni Cindy si Boss."
"Sa tingin mo hindi maaapektuhan ang kasunduan sa pagdating ng anak ko?" galit pa rin nitong tanong.
"Never maaapektuhan, tinitiyak ko 'yan sa inyo. Siguruhin n'yo lang na hindi mapapahamak sa kanyang pagbabalik ang asawa ko. Dahil oras na may gawing hindi maganda si Cindy at ang asawa mo ay ako mismo ang kakausap kay Boss na huwag nang ituloy ang kasunduan." Tinap ko ang balikat nito saka lumabas ng library/office nito sa mansion. Pupuntahan ko muna si Isaia sa silid nito.
Papanhik pa lang ako sa hagdan ay nasalubong ko na si Cindy.
"Seriously? Hindi mo tinanggap 'yong offer ko na magkaroon tayo ng relasyon pero pinakasalan mo ang cheap na babaeng 'yon." Himutok nito. She wants me to warm her bed. A best example of a cheap girl in a fancy clothes.
"You're with my boss, Miss Cindy. Hindi ko talaga matatanggap ang offer mo na 'yan. Excuse me, naghihintay sa taas ang asawa ko." Ani ko rito saka iniwan na ito na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tiyak na hindi lang si Isaia ang mag-e-enjoy sa palabas n'yang ito. Ako rin.