Chapter Sixteen
"Islah?" direct na komokonekta ang tawag ni Tori sa device na nasa tenga namin. Isang tap lang para masagot marinig din nito ang sagot namin.
"Yes?" ani ko na nagmamaneho na patungo sa office ni Kris.
"May dala ka bang gamit?" natigilan ako sa tanong nito. It means something is wrong. Trabaho rin ang ibig sabihin no'n.
"Yes, always naman." Tugon ko rito.
"May sumusunod na sa 'yo. Sumakay ka roon dala ang mga gamit mo. Nakapwesto na rin ang ibang girls in case na kailanganin mo ng back up." Mabilis kong iginilid ang sasakyan saka iniangat ang upuan sa backseat. Nang mailabas ko iyon ay mabilis din akong naupo sa backseat at nagpalit ng extrang damit. T-shirt and pants na madalas kong suot. Saka facemask and wig. Kailangan ko lang ding mag-ingat sa identity ko upang walang maging problema.
May huminto nang motor. Bumaba roon si Tatti and Teri."
"Ako na ang bahala sa sasakyan mo. It's your mission, back up lang kami." Ani nito.
"Ako na lang ang magmamaneho." Ani ko naman kay Tatti. Nagkibitbalikat lang ito saka sumakay sa kotse ko. Ingatan lang sana ng mga ito ang sasakyan. Para lang walang maging tanong kapag nakita ng lalaki.
Sinabi na ni Tori sa akin ang location kaya naman mabilis kong pinatakbo ang motor. Kasunod sina Tatti at Teri.
"MAY SUMUSUNOD SA ATIN!" ani ni M. Mabilis na ang takbo ng sasakyan namin pero hindi pa rin namin naililigaw ang mga nakasunod. Kalmado lang ako, I trust Lady A nang sabihin nitong may nagbabantay na sa akin. Tiyak na hindi kami mapapahamak ng secretary ko.
Pero mas mabuti na ring tiyakin para wala kaming pagsisihan.
"Dead end!" ani ni M dahilan para mabilis akong nagpreno. Huli na para bumalik pa dahil narinig na namin ang ugong ng mga sasakyan na kasunod. Akmang bababa na ako ng may pumigil sa pinto. Nang tignan ko ay isang babaeng may blonde na buhok ang pumipigil na bumukas iyon.
Naka helmet ito kaya hindi ko makita ang mukha.
Nang tumunog ang cellphone ko ay mabilis kong sinagot ang tawag. Tiyak at kumbinsido ako na si Lady A iyon kaya naman sinagot ko.
"'Wag kayong lalabas. Hayaan n'yo ang mga tauhan ko ang trumabaho sa kanila." Ani ni Lady.
"Okay." Saka lang kumilos ang babae. Umalis na ito sa tapat ng pintuan ng driver seat. Nagsilabasan ang mga sakay ng mga van na humahabol sa amin. Agad itinutok ang kanilang mga baril sa babaeng ngayon ay nakasandal sa likuran nang sasakyan kinalululanan namin ni M.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Dead end. Wala rin kaming possible na madaanan. Bakit ba rito ko pa iniliko? Tsk!
Inilabas ko na ang baril na nasa tagiliran ko. Ganoon din si M, pero nanatili kaming nasa loob ng sasakyan. Hindi pwedeng basta na lang kaming bumaba dahil baka makagulo pa kami.
"MISS, UMALIS KA NA D'YAN para hindi ka na madamay." Ani ng lalaki. Nakatutok ang kanyang baril sa akin. Tiyak namang hindi makikilala ng mga tao sa loob ng sasakyan ang boses ko. Sa suot ko kasing helmet ay may device na si Tori mismo ang may idea upang mabago ang boses ng may suot.
"Tiyakin mo lang na ligtas sila, kami na ang bahala sa mga target." Dinig kong ani ni Tori."Nakapwesto na sila Quinn, at ibang girls."
"Mga Kuya, kung ako sa inyo ibababa ko na lang ang mga baril ninyo." Ani ko. Ibang-iba ang boses sa normal na tinig ko. Ngunit hindi naman natinig ang mga ito. Kung wala lang akong binabantayan ay baka nasugot ko na ang mga ito. Isa rin talaga sa sakit ng ulo ng mga kasama ko ang bida-bida kong desisyon. Pero dahil naka-monitor din si Lady A, kailangan kong magpakabait.
"Miss, si Kristof De Lucca lang ang target namin. Umalis ka na d'yan para hindi ka na masaktan." Ani ng isa pa.
"Hindi ako takot masaktan. It's fine naman, gusto n'yo bang subukan natin?" sumenyas ako sa mga ito na saglit lang.
Kumatok ako sa bintana ng sasakyan ni Kris. Sarap i-kiss ng lalaki, ang gwapo pa rin kasi kahit nasa ganoong sitwasyon na. So hot siguro kung buhat-buhat ako nito habang nakabaon ang kahabaan nito sa akin, habang binabaril ako nito nang malaking alaga nito tapos ako naman binabaril ko ang mga kalaban.
"You're spacing out, focus!" ani ni Tori. Napabungisngis tuloy ako.
"Pumikit kayo, bigyan n'yo lang ako ng 10 minutes." Mabilis namang sumunod ang mga ito sa sinabi ko. Saka isinara ang bintana ng sasakyan.
"Ready?" dinig kong ani ni Quinn. Hindi pa batid ng mga kalaban na bawat ulo nila ay may pulang dot na.
"Sure na ba 'yan?" tanong ko sa mga lalaki."Bibilang ako ng tatlo, kapag tatlo na at hindi kayo dumapa tapos ang buhay n'yo ha." Nakangising ani ko. Inilabas ko ang baril na nasa likuran ko at ikinasal iyon.
"Isa…" ani ko na nilaro muna ang baril. Lahat ng mga ito ay mas nag-focus pa sa pagtutok ng baril sa akin. Napabungisngis naman ako."Dalawaaaa…"
Sunod-sunod na bumagsak ang mga lalaking wala nang buhay sa kalsada.
"Punyeta, hindi ba kayo tinuruang magbilang." Inis na ani ko sa mga girls na tiyak na naririnig naman ako."Sabi ko tatlo, eh! Sayang naman 'yong line ko. Hindi n'yo man lang pinaabot ng 20 sentences." Napabungisngis ang ilan habang si Tori ay binabaan na ako ng line.
"Umalis ka na d'yan, papasok naman na ang maglilinis ng kalat." Tinig naman ngayon ni Lady A ang narinig ko. Mga KJ talaga itong mga kasamahan ko. Tsk! Bumalik ako sa harap ng sasakyan.
"Manatili kayong nakapikit. Sampung minuto pa." Bilin ko saka kinatok ulit iyon para isara na nito. Masunurin naman ang mga ito kaya nakaalis ako na walang problema at nakapaglinis ang mga tauhan sa kalat nang mabilis. Walang bakas ng kahit ano dahil sanay na sanay nang maglinis ng kalat ang mga kasamahan ko. Pupunta na ako sa office ni Kris. Para naman may abutan itong maganda sa boring nitong opisina.