One

1018 Words
Chapter One "Pinapatawag ka ni Lady A sa office n'ya." Natigilan ako sa paglilinis ng sniper rifle ko nang lumapit si Teri at kinalabit ako. "Bakit daw?" takang tanong ko rito na bahagyang napangiwi. Kasalukuyan kaming nandito sa Headquarters. Tiyak na karamihan sa girls ay tulog pa. "Ang aga naman akong ipatawag. May nagawa ba akong kasalanan?" "Malay ko sa 'yo. Pero feeling ko 'yon lang naman ang reason ni Lady A para ipatawag ka." Nakangising ani nito. "Kailangan kong ihanda ang sarili ko. Bigla akong kinabahan." "I doubt, Islah. Parang wala ka ngang kakaba-kaba sa katawan. Sige na, saglit lang si Lady A rito. Puntahan mo na." Ipinasa ko ang rifle kay Teri saka humakbang na patungo sa elevator. Nakasalubong ko pa si Tori na kalalabas ng elevator. Inangatan ako ng kilay nito. "Pinapatawag ako sa office." Ani ko rito. "Tiyak na tatalakan ka no'n." Ani nito na ngumisi pa. Walang pagka-support din itong isang ito. "Tsk, hindi n'yo ako sasamahan?" tanong ko. Ngunit umiling lang naman ito. Bagsak ang balikat na tumango ako. Huminga pa nga nang malalim para kumalma. Sa lahat ng tao rito, kay Lady A ako takot. Para ko kasi itong nanay na ayaw na ayaw kong nadi-disappoint. Sa laki ng tulong nito sa akin ayaw kong maging pasaway. Ayaw ko lang naman, pero nasa dugo ko na rin talaga. Kung may pinakamaraming violation pagdating sa protocol sa organization na ito. Nangunguna ang pangalan ko sa listahan. Hindi lang sa kagandahan ako nauuna, sa pagiging pasaway rin. Pagpasok ko pa lang ay salubong na kilay na ni Lady A ang bumungad sa akin. Sa gandang babae nito ay parang mas lalo pang gumaganda kapag mainit ang ulo nito. "Itigil mo ang ginagawa mong paghahanap kay Barbara. Kung nasaan man s'ya ngayon ay tinitiyak ko sa 'yo na maayos ang lagay n'ya." Ani ni Lady A pagkapasok ko ng kanyang office. Bihira lang itong magpunta rito sa office n'ya. Bihira lang ding magpatawag. It's either may misyon or matatalakan ka. Sa tingin ko talak ang ibibigay ni Lady A dahil sa pagpapatawag nito sa akin, eh. Kita n'yo naman bungad pa lang talak na agad. "Worried kasi ako sa kanya. Tapos hindi man lang ako kino-contact." Nanulis ang ngusong ani ko sa babae. Kahit sina Tori at Teri ay hiningian ko na ng tulong. Pero wala ring pinatunguhan kapag talagang si Lady A ang humarang. "Natural, Islah. Nakalimutan mo yata ang rule sa grupo natin. Oras na matapos ang huling minsyon ninyo ay titiwalag kayo sa grupo ko." Oo nga pala, iyon naman talaga ang rule. Simula pa lang sinabi na ni Lady A sa amin iyon. Oras na matapos kami sa mga misyon namin ay kailangan naming tumiwalag na. Kailangan putulin na ang ugnayan sa organization. "Pero hindi naman ibig sabihin no'n na putulin na rin ang pakikipagkaibigan." Hirit ko rito. "Tsk, kailangan n'ya ng oras para sa sarili n'ya. Kaya nga s'ya umalis ng bansa." "Pero miss ko na s'ya." Huminga nang malalim si Lady A. Saka sinamaan ako nang tingin. "Joke lang, ang init agad ng ulo mo, eh." Biro ko rito na sinabayan pa nang bungisngis. Pero sa totoo lang natakot ako sa tingin nito. Iba kasi talaga ang dating authority ni Lady A. Saludo ako rito. "Tsk." "Ipinatawag mo ba ako rito para talakan? Kahit naman anong hanap ang gawin ko ay malabo kong makita si Barbara, eh." "Hindi, ipinatawag kita para sa misyon mo." "Mayroon? Legit?" malawak ang ngising ani ko rito. "Your last mission." Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ko saka marahang nag-angat nang tingin kay Lady A. "N-o." Tangi ko rito. Ngunit hindi naman nakinig ang babae na dinampot ang folder at ibinigay sa akin. "Maria Isaia Smith, daughter of Cleo Smith and Ullysis Smith. That's you, right?" napipilan ako sa sinabi nito. Gulat sa pangalang binangit nito. "A-lam mo?" manghang ani ko rito. Islah, Islah lang ang alam ng lahat na pangalan ko. Nakilala ako sa pangalang iyon. Pero hindi ko inasahan na alam ni Lady A. "I know everything, Maria Isaia Smith." Humugot ako nang hininga. "Bakit mo alam?" pero natawa ako sa sarili kong tanong. Saka komportable nang tumingin dito."Oo nga pala, the best ka eh." Ani ko rito. Papuri iyon pero sumimangot ito. "Wala kang planong gawin ang huling misyon mo? Sa reaction mo kasing 'yan parang nakalimutan mo na." "Hindi ko alam, wala na rin namang rason." "Open it," turo nito sa kulay itim na folder."Nasa loob n'yan ang magbibigay sa 'yo ng rason para ituloy at gawin ang huling misyon mo." Ani nito. Saka ko binuklat iyon. Tumambad agad sa akin ang isang larawan, larawan ng isang babae na nakasiksik sa corner ng silid. Malayo ang tingin. Napasinghap ako at dahan-dahang tumingin dito. "L-ady A?" "Ang taong 'yan ang gawin mong rason para tapusin ang misyon mo. Bukod sa huling misyon mo sa akin, ipasasabay ko na rin ang isang ito." Iniabot nito ang panibagong folder. "Gwardyahan mo si Kristof De Lucca." "Guard? No!" "Lumapit si Magnus Isaac sa akin. Gusto n'yang humingi ng tao na magbabantay sa boss n'ya." "Alam mong sa lahat ng ayaw ko ang magbantay. Bumuntot-buntot sa mga ganitong uri ng lalaki." Ani ko rito. "It's like, hitting two birds with one stone, Islah. Sabay mong tratrabahuin 'yan." "L-ady A! Ibang misyon na lang, guarding is not my thing." "But you need to do that, Kristof De Lucca, fiance of Cindy Andrade." Kumuyom ang kamao ko nang bangitin nito ang pangalang hinding-hindi ko makakalimutan. Cindy Andrade? That b***h! May ugnayan ang mga ito. Totoo nga naman, I'm just hitting two birds with one stone. "Tapusin mo nang mabilis ang trabaho mo at ipadadala kita kay Barbara pagkatapos." Ani nito. Napatingin ako rito na waring inaarok sa isipan ang sinabi nito. "Deal!" ani ko na mabilis naglahad ng kamay rito. Napangisi pa ang babae na waring nagustuhan ang naging sagot ko. Siguro nga tama lang din na gawin ko ang misyon kong ito. Tama lang din na simulan ko na ito. Simulan ko na ring bawiin ang lahat ng bagay na dapat naman talaga ay akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD