Two

1205 Words
Two "Anong nangyari sa Mama ko?" blanko ang expression na tanong ko kay Lady A. Hindi ko kailangan magpanggap ngayon. Hindi ko kailangan itago 'yong galit na akala ko ay naibaon ko na sa limot. Maayos naman dati ang pamilyang mayroon ako. Ngunit na baliw si Papa sa isang babae. Hindi kung sinong babae lang, dahil best friend ito ni Mama. Nag-cheat ang ama ko to the point na sinira nito 'yong masayang pamilyang kinamulatan ko. Mahal ako ni papa, pero hinayaan nitong lamunin ito nang tukso ng puday ni Ninang Haja. Akala ko iniwan ako ni Mama. Ang sabi ni Papa sumama sa ibang lalaki si Mama. Napuno nang galit ang puso ko lalo't masyadong traumatizing ang past ko. Habang nasasaktan ako sa pagkasira ng family ko, iniuwi ni Papa sa bahay si Ninang Haja at si Cindy. Naghari-harian ang mga ito sa mansion. Akala ko dahil Ninang ko s'ya ay magiging maayos ang trato nito sa akin. Pero hindi, pinabayaan ako nitong makuha ng sindikato noong 8 years old pa lang ako. Talamak ang kidnapping noon, nakita ko sa mukha nito ang ngiti habang pilit akong isinasakay sa itim na van. Iyak ako nang iyak noon pero nakangiti lang ito. Mukhang masaya na makita akong unti-unting inilalayo sa kanila. Akala ko pinabayaan ako nang mama ko na sapitin ang mga ganoong masamang karanasan. Pero habang tinititigan ko ito ngayon mula rito sa kabilang silid. Hindi ko mapigil ang sarili kong isisi sa aking ama ang lahat ng kamalasan sa buhay namin ni Mama. "Nabaliw ang Mama mo, Islah. Hindi kinaya ng isipan n'ya nang malamang niloko s'ya ng Papa at Ninang mo. Hindi rin s'ya naglayas. Ikinulong s'ya sa isang mental institution para hindi na makabalik sa 'yo." Humakbang ako palapit sa salaming tanging harang. Ngunit hindi ako nakikita ni Mama. Abala ito sa pakikipag-usap sa sarili nito. Yakap-yakap ang teddy bear ko. "Binaliw nila ang Mama mo, Islah. Papayag ka bang walang gawin habang happy family sila? Tignan mo ang iyong ina, gumawa na lang s'ya ng sarili n'yang mundo para takasan ang lahat ng sakit na dinulot ng mga tao sa paligid n'ya." "T-ama na!" mahinang ani ko rito. "Nakuha ko s'ya, 4 months ago. Sa pinakamiserableng kalagayan. Ikinulong s'ya sa isang mental institution na according sa head ang ama mo mismo ang nagdala." Kumuyom ang kamao ko."Sinigurong masisiraan talaga s'ya ng ulo. Lalo't sinabing patay ka na." "Mga hayop sila." "Higit pa sa hayop. Inilipat ko s'ya rito para makatiyak na magiging okay s'ya. Pero hindi kita papayagang makalapit sa kanya." "L-ady A?" nakikiusap na ani ko rito. "Wala kang karapatan na makita s'ya, lalo't wala ka pang napatunayan. 'Di ba nga, wala ka pang balak na gawin ang huling misyon mo. Habang ang ibang girls eager matapos ang misyon nila, ikaw ay nanatiling tikom ang bibig at mas piniling kalimutan ang lahat." "S-orry." Ani ko rito. "I don't f*cking need that. Ang kailangan ko ikaw, 'yong palabang Islah na binuo ko kasama ng ibang girls. Kung hihina-hina ka ay hindi mo deserve ang effort ng lahat na tulungan ka." Tumango-tango ako. "Ano ba ang plano mo? Handa akong gawin kahit ano." Sabi ko saka tinignan si Mama na ngayon ay tumatawang mag-isa. Nakita ko naman ang mga old pictures nito. Patunay na labis ang sinapit nito sa kamay ng old mental hospital na pinanggalingan nito. Mas maaliwalas na ang mukha nito ngayon. Nanaba na rin dahil halata namang alagang-alaga. "Let's go. Pag-usapan natin sa office ko." Sabi ni Lady A. Tama ito, wala pa akong napatunayan sa sarili ko na dapat kong ika-proud. Babalik ako rito na okay na ang lahat. Para makasama ko na rin ito. "Babalikan kita, Mama." Ani ko rito na hinaplos pa ang salaming harang. Pagkatapos ay sumunod na kay Lady A na buo ang loob at wala ng kahit na kaunting pag-aalinlangan pa. Bumalik kami sa HQ, sa office nito. "Ito ang taong babantayan mo. Gaya nang sabi ko magiging bodyguard ka n'ya. Pero as usual, hindi nito pwedeng malaman na prinoprotektahan mo s'ya. Keep your identity hidden from them. Kahit kay Magnus Isaac na s'yang kumuha nang serbisyo natin. Muli akong tumango-tango rito. Pinakaayaw ko talaga ang maging bodyguard. "Paano ako magiging bodyguard nito?" "Kailangan pasukin mo ang buhay ni Kristof, kailangan maagaw mo s'ya kay Cindy." Ani nito na ikinasinghap ko. "No way…" "Madali mo lang iyong magagawa. "P-aano?" "Ang relasyon ni Kristof kay Cindy ay pure business lang. Kailangan pakasalan ni Kristof ang anak ni Ullysis Smith para makuha ang share n'ya sa company ng kanyang ama." "Pwedeng gawin ni Kristof iyon dahil anak naman ni Papa si Cindy." "Nope, may naka attached d'yan na DNA result na nagpapatunay na hindi anak ng iyong ama si Cindy. Mawawalang saysay kahit pa makasal si Kristof kay Cindy. Hindi pa rin nito makukuha ang share na ninanais nito sa company ng kanyang ama. Hindi anak na legal si Cindy." Nagawang sirain ng aking ama ang pamilya namin para sa dalawang taong hindi naman n'ya kadugo. Kumuyom ang kamao ko. "Dahil hindi anak ni Papa si Cindy, mas madali lang pala ito. Mas madali kong mababawi ang posisyon ko sa ari-arian namin." "Exactly, you're going to claim that f*cking position, Islah." Ani nito na ikinatigil ko sa pagtingin sa mga info's nalaman ng folder. "M-e? How?" "Ang alam ng lahat ay patay ka na. Kaya si Cindy ang pinalabas nilang naka saad sa kasunduan. Pero according sa last will na mayroon ako, kailangan blood-related sa mga Smith ang pakakasalan n'ya. Unfortunately, hindi kadugo ng mga Smith si Cindy. The shocking news is, hindi alam ng iyong ama na hindi n'ya anak si Cindy." "Kung kausapin kaya natin si Kristof De Lucca?" tanong ko rito. "No, babaliktarin natin ang sitwasyon. Titiyakin nating si Kristof ang lalapit sa 'yo." Ani nito na ikinatango ko na lang. I'll go with the flow. Alam ko namang magiging smooth ang lahat. Basta't si Lady A ang nagplano. SIMPLE LANG ANG PLANO NI Lady A. Kailangan ko lang maging mas angat kay Cindy. Bukod sa angat naman talaga ako ng kagandahan sa babaeng iyon, sa kilos at pananalita raw dapat ay angat pa rin ako. "Stand straight!" mariing utos ng babaeng hinire ni Lady A para sa class kong ito. Mataas na heels habang may libro sa ulo ko na nakapatong. Mas sanay pa akong lumakad sa edge ng mga gusali kay sa lumakad na nakasuot ng heels. Pinapanood ako ni Tori and Tatti. Magkapatid ang dalawang ito, parang nanonood ng movie sa pagkakapwesto nila. Silang dalawa rin ang malakas na tumatawa kapag natatapilok ako. "Pahinga?" paawa effect ko ngunit sumenyas ang babae na magpatuloy kami sa training. Kung hawak ko lang ang barili ko, baka kanina pa ito nakabulagta. Paulit-ulit kami, nandidilim na ang paningin ko sa babaeng ito. Baka maituktok ko na 'tong dulo ng heels ko sa ulo n'ya, eh. "Nandyan si Lady A." Imporma ni Tatti na may hawak pang ice cream. Diet ako ngayon kaya ganito ang ginagawa ng isang ito. Iniingit n'ya ako. "Ate girl, anong inuupo-upo mo d'yan. Gusto ko pang mag-training. Tayo na d'yan." Ani ko na dahilan para mapatayo ang trainor na kauupo lang sa monoblock chair. Bawi-bawi lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD