Zero
"Pumila na!" malakas na hiyaw ng boss ng sindikato na kinabibilangan ko. Mabilis na nagpulasan ang mga batang takot na takot na masaktan ng taong ito at ng mga tauhan. Iniwan na nila ang kinahihigaang karton sa takot na maging mabagal sa pagpila.
Kailangan na naming mag-intrega nang kinita namin ngayong araw rito. Ito ang madalas na eksena kalahating oras pagkatapos naming magpahinga sa nakakapagod na araw nang pamamalimos.
Kahit nakapagpahinga kami ng kalahating oras ay hindi pa rin sapat iyon para makapagpahinga. Kailangan naming kumita sa pamamalimos upang makakain kami at makapag-intrega sa boss namin.
Masakit ang katawan ko kahapon pa, Iniinda ko ang malakas na hampas sa tagiliran ko kahapon dahil kaunti lang ang kinita at naibigay ko sa mga ito. Pare-pareho akong itsura namin. Pagod na pagod at nanghihina. Umagahan at hapunan lang ang kain. Walang laman ang sikmura tuwing tanghalian. Nang makapila kami nagsimula na ang pangongolekta ng boss namin.
Ang isang batang kadarating lang noong isang lingo ay nakatanggap nang malakas na sampal kay "Boss''. Wala kasi itong naibigay. Malakas na napalahaw nang iyak ang bata ngunit sinundan nang malakas pang sipa ang sikmura nito kaya ito nawalan ng malay. Ganito ang buhay namin. Mapupuri ka lang kapag marami kang naibigay.
"Mahusay!" puring-puri ako ni Boss. Malaki kasi ang kita ko ngayong araw na ito.
"Nakita nyo ba ito? Ganito kagaling ang bata ko!" ani nito na ginulo pa ang buhok ko. Kailangan kong kayanin ang buhay sa sindikatong ito. Hindi ako pwedeng maging mahina. Sa edad kong ito at sa tagal ko rito nasanay na rin ako sa kalakaran.
Inis na tinabig ko iyon. Ito lang ang masaya. Habang ako ay inis na inis. Para lang hindi masaktan, bukod sa pamamalimos ay nagagawa ko na ring mandukot. Hindi na kasi talaga kaya ng katawan ko ang bugbog na aabutin sa tuwing walang naibibigay sa kanila. Tumawa lang ang lalaki na binilang ang perang ibinigay ko. Sanay na rin ito sa asta ko dahil sa tagal ko na rito.
Pagkatapos bilangin ang pera ay itinuro na nito ang kusina kung saan ako kukuha ng pagkain. Magtatatlong taon na ako rito. Sanay na sa kilos dito man sa loob o sa kalsada.
May mga sistemang sinusunod, kung mas demonyo ko sa lugar na ito ay mas magiging ligtas ka sa malupit nilang kamay.
Kahit pa matagal na ako rito ay hindi ko inilalapit ang sarili ko sa mga kasama ko. Ayaw kong ma-attach sa mga ito. Ayaw kong maturing magpahalagan sa mga tao sa paligid ko.
Dahil parte ang mga ito nang mapait na kasalukuyan ko. Titiyakin kong sa hinaharap ay kalilimutan ko na sila.
Saka plano ko ring tumakas sa lugar na ito. Plano kong iligtas ang sarili ko. Wala akong pakialam sa mga batang kasama ko rito. Selfish? Wala akong pakialam.
Nagtungo ako sa kusina, mas lalong lumakas ang iyakan sa silid na nilabasan ko. May tinamaan na naman dahil walang kinita.
Pagdating ko sa kusina ay para akong patay gutom na halos ingudngud ang sarili ko sa plato na may kanin at sabaw ng ulam. Oo, sabaw lang. Dahil tiyak kong ang laman ng ulam ay para sa mga tauhan at boss namin.
Mabilis din akong natapos at bahagyang dumighay. Gutom pa dahil hindi naman sapat iyon para mabusog. Pero iinom na lang ako nang maraming tubig para punan ang kulang pa.
Saka ako bumalik sa silid na tinutulugan namin. Kailangan kong matulog saglit para sa gagawin kong plano.
ALAS DOSE NG GABI, tahimik na ang lahat. Tulog na tulog na ang mga bata dahil sa maghapong pamamalimos. Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagpasok ng isa sa mga boss namin. Mukhang may binabalak na namang kademonyohan.
Ako pala ang puntirya nito. Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko ng palad nito, saka ako binuhat nito. Nagpanggap akong tulog, mukhang ilalabas ako nito ng gusali. Tama nga ako ng hinala.
Dahil nang ilapag ako nito ay naramdaman ko ang damuhan.
Alam ko ang binabalik nito. Inihanda ko ang sarili ko sa masamang plano nito. Dali-daling nagtanggal ng belt ang lalaki na waring gutom na gutom sa laman sa labis na excitement. Bahagyang nakadilat ng kaunti ang aking mata. Nakikita ko ang reaction nito.
Ito na rin ang nakikita kong chance para magawa ang plano ko. Kailangan ko lang lakasan ang aking loob. Tiyak na wala ng bantay sa parte ng kagubatan na malapit sa kinaroroonan namin.
Alam kong matagal na itong kumukuha ng timing para gawan ako nang masama. Matagal na nitong binabalak iyon pero gwardyado kami, ngayon lang nagkaroon ng chance ang lalaking ito.
Nang akmang huhubarin nito ang short ko, mabilis kong iniangat ang paa ko. Saka inipit ang leeg nito saka pinilipit. Labis itong nabigla kaya naman hindi agad naka react. Hindi man lang ako nag-alangang pihitin iyon. Bagsak sa katawan ko ang wala ng buhay na lalaki. Nahirapan pa akong iangat ito at tanggalin ang katawan nito na bumagsak sa akin.
Ang tanging nasa isip ko ay tumakas. Kaya naman tumakbo ako ng walang tigil. Sa kagubatan ang tungo ko. Hindi ko ininda ang sakit ng paa na walang sapin. Natutusok at nasusugat na ako. Pero tuloy pa rin.
Masakit din ang pagsabit sa mga siit-siit na dahilan para magkasugat ako. Basta ang nasa isip ko ay makatakas at 'di na lingunin pa ang gusali na tatlong taong naging impyerno ko.
---
"Kung plano mong tumunganga at hindi magsanay nasa sa 'yo iyon!" cold na sabi ni Barbara. Napulot lang nila ako sa kalsada. Walang malay, inakala pa nga ng mga ito na patay na ako sa dami ng sugat ko sa katawan.
"Sobrang sakit na kasi ng kamay ko!". umiiyak na ani ko rito.
"Nakikita mo ba sila? Kahit sobrang sakit na, hindi sila huminto dahil may gusto silang patunayan sa buhay----hindi masamang umiyak! Pero ang masama ay 'yong susuko ka!" ani nito saka inilapag sa tabi ko ang isang baril. Paborito ni Barbarang gamitin iyon.
"'Pag ako ang unang nakadampot d'yan , sa noo mo unang babaon ang unang lalabas na bala d'yan!" binalot ng takot ang puso ko sa banta nito. Never pang nag-joke si Barbara. Masyadong seryoso ang taong ito. Nakakatakot.
Wala pa mang isa ang bilang nito ay hawak ko na agad ang baril at kumaripas ng takbo sa shooting range. Takot ako kay Barbara, palagi kasi nitong pinupuna ang pag-iyak ko, istrikto masyado. Pero never ako nitong iniwan. Lagi itong umaagapay sa akin. Sa training man o personal.
Naibahagi na rin nito sa akin ang rason kung bakit narito ito sa lugar na ito. Napag-alaman kong mayaman ito. Pero ayon dito, wala na itong babalikan.
Pero ako--- hindi ko pa nasabi kung sino ba talaga ako. Dahil 'yong pamilyang dapat kong balikan ay ang mismong kalaban ko.