Chapter Six
"Kailangan naming makumbinsi si Isaia na pakasalan si Kristof De Lucca." Nais kong makausap si Lady A. Umaasa akong haharapin ako nito ngunit walang Lady A na dumating. Isang waiter lang ang lumapit at ibinigay ang cellphone sa akin.
Bahagyang tumawa ang babae.
"Anong gusto mong mangyari? Kumbinsihin ko si Maria Isaia Miller na pakasalan ang amo mo?"
"Yes!" deretsang ani ko rito. Ngunit tumawa ito nang nakakaloko.
"Ano namang mapapala ko kapag sumang-ayon ako sa gusto mo?" tanong nito. Natigilan ako at waring napaisip. Bakit nga ba nakalimutan kong tuso ito, kailangan may kapalit ang bawat tulong nito.
"Name your price." Mayabang na ani ko na malakas nitong ikinatawa.
"My price? How about your life?" napipilan ako sa sinabi nito."Hindi ako nakikipaglaro lang, Kristof De Lucca…"
"It's me, Magnus Isaac!" mariing ani ko rito ngunit tumawa lang si Lady A.
"Hanggang ngayon ba iniisip mong maiisahan mo ako? Kung plano n'yo talagang hingin ang tulong ko, kailangan ko lang ng loyalty, honestly and your life. Simple lang, 'di ba?" hindi ko napigil ang mapasinghap.
"Oras na sabihin ko kay Isaia na lumayo, magtago at iwasan kayo, madali ko lang iyong magagawa. Kumbinsihin mo ako, ano ang kaya mong i-offer para tulungan ko kayo?"
"Fine," sumusukong ani ko rito. Matagal ko nang itinatago ang katauhan ko sa tulong ng secretary ko. Mga bata pa lang kami ay may ganitong laro na kami. Bukod sa perang mayroon ang pamilya ko, nais din ng mga kalaban na makuha ang lahat ng mayroon kami. Iyon nga ang dahilan kung bakit nawala ang Mama ko sa amin.
"Hindi mo naman kailangan sabihin sa lahat ang tunay mong pagkatao. Kukumbinsihin ko si Isaia sa plano n'yo. Pero tiyakin n'yo lang na ligtas at protektado n'yo ang taong 'yon."
"Nasaan na ang hinihingi kong bodyguard para kay Kristof?"
"Naipadala ko na. Hindi n'yo man nakikita pero tinitiyak ko sa 'yo na ligtas si Kristof---ikaw nga pala 'yon." Nakakatawang tumawa ang ginang na waring aliw na aliw.
Natigilan ako nang pumasok ang magandang dalaga sa loob ng restaurant na kinaroroonan ko. Mukhang hindi ako napapansin nito dahil abala ito sa cellphone nito.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon.
"PUMASOK KA NA KUNWARI'Y hindi mo s'ya napansin." Utos ni Tori sa akin. Ginawa ko naman ang sinabi nito.
"Kapag nagkaroon ako nang chance titikman ko itong gagong ito." Matamis ang ngiti ko na kunwari'y kausap talaga sa mismong phone si Tori. Natawa naman si Teri na tiyak na nakikinig sa usapan namin ni Tori.
"I don't care kung balak mong tikman, mukha namang masarap." Ani ni Teri na ikinabungisngis ko. Pero in a very mahinhin way. Ibinaba ko na rin ang phone ko saka luminga-linga. Napansin ko naman ang lalaki na nag-angat ng kamay at waring kinukuha ang atensyon ko.
"Magnus?" gulat na ani ko saka mahinhin ang kilos na humakbang palapit dito."Hi!"
"May kikitain ka ba rito?" tanong ng lalaki.
"Wala naman. Gusto ko lang ditong mag-lunch."
"Samahan mo na ako rito." Mabilis itong tumayo at ipinaghila ako nang upuan. Matamis ang naging ngiti ko rito.
"Thank you, you're so sweet."
Nagkibitbalikat lang ito saka ngumiti. Kaya siguro mas nakuha ng lalaking ito ang atensyon ko, nabangit ni Lady A na ito talaga si Kristof De Lucca. Ang lalaking kumuha sa serbisyo ng organization, ang dapat kong bantayan at kailangan kunin ang tiwala. Iisang lalaki lang kaya hindi mahirap gawin.
Kanina lang may itinumba akong lalaking akmang babaril rito. Mabuti na lang laging handa ang mga gamit ko.
Mukhang may gustong sabihin ang lalaki ngunit hindi masimulan. Tungkol ba ito sa kasal?
"May sasabihin ka ba?" tanong ko rito. Saktong may lumapit sa waiter. Sinabi ko kaagad ang order ko. Nami-miss ko na 'yong unli rice pero sabi ni Lady A umayos daw ako.
Hindi raw kapani-paniwala kung parang kargador ako kung kumain.
"Hanggang ngayon ba wala kang naaalala sa past mo?" tanong ng lalaki.
"May sinabi ba ako sa 'yo na nagka-amnesia ako?" takang tanong ko rito. Waring natigilan naman ito na napaisip. Gustong-gusto ko ang nakikitang reaction ng mukha nito.
"Y-es."
"Mayroon na akong naaalala. Pero wala namang rason para bumalik pa ako sa nakaraan kong iyon."
"Paano kung may opportunity na bumalik ka? Igra-grab mo ba?"
"Of course, after all, dapat ko naman talagang balikan iyon dahil sa mga taong nagkaroon ng kasalanan sa akin." Nag-iwas ako nang tingin. Gusto kong pumasok sa isip nito na kailangan kong mag-revenge. Tiyak na igra-grab nito iyon at mas magiging madali para sa akin na kumilos kapag gano'n.
"Marry me." Natigilan ako saka dahan-dahang napatingin dito. Saka marahan akong tumawa.
"Ano 'to, joke?"
"I'm dead serious, marry me. Tiyak na matutulungan kita kapag sumang-ayon ka."
"Weird, bakit bigla mo na lang akong yayayain ng kasal. Hindi sa pangmamaliit, pero secretary ka lang." Ani ko na. Gusto kong aminin din nito sa akin kung sino ba talaga ito. Oras na gawin nito iyon, mas madaling laruin ang barahang ito ang naglalatag.
"I'm Kristof De Lucca." Bahagya akong tumawa.
"'Yong Kristof na kilala ko na ipinakilala ni Daddy, hindi gaanong kagwapuhan. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang mukha n'ya."
Waring nag-iisip pa ito saka kumilos at naglabas ng wallet. Saka nito kinuha ang isang ID nito.
"I'm serious, I'm Kristof De Lucca. Hindi lang ako ang may advantage oras na pakasalan mo ako. Ikaw rin, after all, lahat ng ari-arian na dapat sa 'yo ay mababawi mo oras na pumayag ka sa offer kong kasal."
"Are you freaking serious?" kunwari'y gulat na ani ko rito."Napaniwala n'yo ang mga tao na ikaw si Magnus Isaac, kahit si Daddy."
"I need to protect myself. Maraming gustong mapahamak ako. Oras na maging asawa kita, mas magkakaroon ako ng power para mas umangat."
"Money, power… connection. Tsk, hindi dapat ako nakipag-usap sa 'yo. Sabi ni Daddy umiwas daw ako sa mga tusong lalaki na katulad mo."
"I'm serious, importante sa akin ang shares na makukuha ko sa company ni Daddy kapag naikasal ako sa isang Smith. Mababaliwala ang lahat nang pinaghirapan namin ng secretary ko oras na si Cindy lang ang mapangasawa ko at malaman ng mga uncle ko."
Mukha itong desperado dahil sa pera. Ngumisi ako ng bahagya rito.
"Pag-iisipan ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Excuse me."