Seven

1029 Words
Chapter Seven "Sinabi mo sa kanya ang totoo?" gulat na ani ng secretary ko. Bumuntonghininga ako saka tumango. "Hindi pwedeng masayang ang pinaghirapan natin. Kailangan kong makuha iyon dahil para sa akin ang share ni Dad na planong kunin ng mga relatives ko." "Hindi ko alam kung ano ang plano mo. Hindi ko rin alam kung bakit hindi mo na lang kasi sila harapin at palihim kang kumikilos para pabagsakin sila." "Hanggang iniisip nilang ikaw talaga si Kristof De Lucca walang magiging problema. Kailangan ko lang makumbinsi si Isaia na pumayag at pakasalan ako." "Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko. Ako ang nag-push na magpalit tayo after the car accident." "Malaki na ang naitulong mo. Kailangan pa kita, nangako ka na tutulungan akong mabawi ang lahat ng properties ng Mommy ko sa mga relatives ni Dad." "Hindi ko naman nakakalimutan ang pangako kong iyon. Tutulungan din kitang kumbinsihin si Isaia." "No need, si Cindy na lang ang atupagin mo." Tukoy ko sa babaeng dapat ay pakakasalan ko. Mabuti na lang talaga nalaman kong hindi ito tunay na anak ni Ullysis Smith. Dahil malaking problema kung makasal kami ni Cindy. "May tumatawag." Itinuro nito ang cellphone ko kaya naman mabilis ko 'yong sinagot. Hindi naka save ang number, baka si Lady A. "Hello?" ani ko nang masagot ang tawag. "It's me," bakas sa tinig ng dalaga sa kabilang linya ang pagkapaos. Tanda na umiyak ito. "Are you okay?" mabilis na tanong ko rito. Sumenyas si M na lalabas. Kapag kaming dalawa lang ay iyon ang tawag ko sa kanya. Si Isaia ang tumawag. Hindi ko alam kung kanina nito nakuha ang number ko pero hindi na iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ay nakipag-communicate na ito. "Pwede mo ba akong puntahan? Hindi ko kasi alam kung saan ako dapat pumunta ngayon. Nag-away kami ni Daddy. Nasiraan din ako ng car dito sa south." Humihikbi pang ani nito. Napasipat ako sa orasan. Saka mabilis na tumayo at dali-daling lumabas ng office. Nagulat pa si M nang mabungo ko ito. "'Wag mong ibababa, pupuntahan kita." Ani ko rito. Mabilis akong lumulan sa sasakyan at tinahak ang daan patungo sa address na kinaroroonan nito. "UMAYOS KA NG DRAMA MO. Sinong maniniwala na sad girl ka kung aabutan ka n'yang nangungulangot." Natawa ako sa sinabi ni Tori saka pinitik ang daliri habang nakasandal sa sasakyan. Ibinaba ko na ang tawag kahit pa sinabi ni Magnus---Kristof na 'wag puputulin ang tawag. Madilim sa area na ito. Iilan na lang ang sasakyan na dumaraan. Mugtong-mugto ang mata ko, nanood kasi ako kanina ng drama para maiyak naman ako. Tapos naka t-shirt and shorts lang. "K-ristof!" nanginginig pa ang boses na sinalubong ko saka sinungaban ng yakap. Sad girl nga eh. Lapat na lapat ang dibdib ko sa katawan n'ya. Sh*t, wala rin pala akong bra. "Are you okay?" bobo ang puta, umiiyak nga tapos tatanungin pang 'are you okay?' bobo lang. "I'm not okay." Ani ko na muling humagulgol nang iyak."Wala akong ibang kilala at malapitan dahil kauuwi ko lang, I'm really sorry na inistorbo kita." Madramang ani ko rito. "Mabuti nga at ako ang tinawagan mo. Ipapahila ko na lang ang sasakyan mo. Sumama ka sa akin." Iginiya ako nito patungo sa sasakyan nito. "Ikaw ng bahala. Ayaw ko munang makinig sa mga drama mo, Islah." Pinutol na agad ni Tori ang line. Sayang pang-best actress pa naman ang linyahan ko. Pinagbuksan ako nito ng pinto ng passenger seat. Mabilis naman akong sumakay roon. Ito pa ang nagsuot ng seatbelt ko. May mga tauhan na ring nagtungo sa sasakyan. Tandang-tanda ko ang sinabi ni Lady A. Kailangan kong makuha ang lalaking ito. Kung kailangan paibigin ay gagawin ko. Ito ang pinakamahalagang instrumento sa plano namin ni Lady A. "P-wede mo ba akong ilayo muna? I'm so sad, hindi ko matanggap ang plan ni Daddy na bumalik ulit ako sa America. Ayaw ko na roon." Humihikbing ani ko rito. "Fine, kung 'yon ang gusto mo. May rest house ako na pwede nating puntahan. Don't cry na." Malambing ang tinig na ani ng lalaki. Luhaang tumango ako rito. Bumyahe kami ng mahigit isang oras para lang marating ang rest house nito sa San Diego. Mayaman nga ang lalaki. Dahil pagdating namin sa lugar, tumambad agad sa akin ang rest house na modernong-moderno. Inalalayan pa akong makababa ng sasakyan at sabay na pumasok sa rest house. Paiibigin ko pwede ko na ring tikman, after all, katikim-tikim naman ito eh. Sa isang silid ako dinala nito. "Kukuha lang ako ng pwede mong pamalit. Tapos maghahanda na rin ako ng dinner." Ani ni Kris, Kris na lang ang itatawag ko rito. Ayaw kong maguluhan kung Magnus or Kristof ba ang dapat na itawag dito. Nang maiwan akong mag-isa, nagtungo ako sa balcony. Tumambad sa akin ang karagatan na naliliwanagan ng buwan at ng mga ilaw mula sa area na ito. Napakaganda ng lugar, pero mas tiyak akong mas maganda kapag umaga ang place na ito. Napabuntonghininga ako. Pwede ko namang itumba si Cindy at ang Ninang ko sa paborito kong paraan. Pero hindi satisfying kung mamamatay lang sila. Pagkatapos ng mga itong pahirapan ang Mama ko. Si Papa? Hindi ko rin tiyak kung ano ang dapat kong gawin sa kanya. Tatay ko pa rin s'ya. May possiblity na anak pa rin naman ang turing nito sa akin. Hindi naman ako nito pinagbuhatan ng kamay, sadyang nalulong lang sa puday ng ninang ko. Pero kung ano man ang maging hatol ko sa kanya. Sana lang sa huli ay hindi ko pagsisihan. Humugot ako nang malalim na paghinga. Naramdaman ko ang presensya ni Kris. Kahit pa noong papasok pa lang ito ay naramdaman ko na. Ganoon hinasa ni Lady A ang mga senses namin. Kaya ko nga ring pabagsakin ang kalaban kahit nakapikit lang ako. Kaya ko ring kumitil ng buhay kahit hindi kumukurap. Walang nararamdaman pagsisisi, lalo't alam kong demonyo ang mga ito. "Magbihis ka muna. Pupunta lang ako sa kitchen para maghanda ng dinner." Ani ni Kris. Tumango naman ako rito at nagpasalamat. Parang napapasong binitiwan nito ang damit na inaabot ng bahagyang magdikit ang balat namin. Tang*na, naaapektuhan ang gago. Gano'n kabilis. Maalindog talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD