Chapter 7

1305 Words
MACY COLLIEN POV “Sir, mauna na po ako sa inyo.” paalam ko sa kanya dahil halatang hinihintay na siya nang babae. Hindi na kasi umaalis sa kabilang table. “Ihahatid muna kita,” saad pa niya sa akin. “H’wag na po. Kaya ko na pong mag-isa,” saad ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at tinawag na niya ang waiter para ipabalot ang ibang mga pagkain. Hinintay muna namin ito at nang mabalot na lahat ay hinila na niya ako palabas sa restaurant. “Alam niyo, Sir. Kanina niyo pa ako hinihila,” reklamo ko. Kanina ko pa kasi napapansin na palagi niya akong hinihila. “Tsk!” asik niya sa akin kaya nagtaka naman ako. “Sir, bakit mo iniwan ‘yung babae mo?” “She’s not my type.” mabilis na sagot niya sa akin. “Hindi niyo type pero pinaasa niyo. Alam niyo ang sama niyo rin. Palay na lumalapit sa ‘yo pero inayawan mo pa.” sabi ko sa kanya. “Magagalit sa akin ang misis ko.” “Misis? May misis na po kayo?” hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. “Meron na,” natatawa na sagot niya sa akin. At talaga marunong ng tumawa ang Mr. Ampalaya na ito. Nalungkot ako bigla sabay hawak sa tiyan ko. Wala na yata kaming pag-asa ni baby. Lalo na ngayon na may asawa na ang daddy niya. Paano na kaya ito? Paano na ang plano ko? Tanong ko sa sarili ko. “Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi,” tanong niya sa akin. “Huwag niyo na akong isama sa mga dinner mo. Baka mamaya bigla na lang akong sabunutan at mapagkamalan na kabit mo.” Sabi ko sa kanya dahil naiinis ako. “Hahahaha,” bigla na lang siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. “May nakakatawa po ba?” Seryoso na tanong ko sa kanya. “Ikaw kasi eh, masyado kang naniniwala sa akin. Wala pa akong balak na mag-asawa. Hindi ko nga alam kung mag-aasawa pa ako,” sagot niya sa akin. Bigla akong nabuhayan sa sagot niya sa akin. Parang pumalakpak ang mga tainga ko sa narinig ko. Mapapa-God is good talaga ako. “Akala ko kasi may asawa kana.” kunwari pa na saad ko. “Bakit type mo ba ako?” biglang tanong niya sa akin. “Hindi po! Mas gusto ko kasi ‘yong sweet na tao. Sweet na lalaki–Ayy! ” Nagulat ako dahil bigla na lang bumilis ang takbo ng sasakyan niya. Nang tumingin ako sa kanya ay madilim ang mukha niya at para bang galit na naman. Kaya minsan gusto ko na lang na manahimik kasi halata pa naman siyang pikon. Nawala na naman kasi sa isipan ko na boss ko pala kausap ko. Sabi ko naman sa ‘yo behave ka lang e. Paano kung itapon niya tayo palabas sa kotse niya? Kaloka hindi ko na maiwasan na hindi mag-overthink. Bakit bigla na lang akong natakot? Nakahinga lang ako ng maluwag dahil nakarating na kami ulit sa may kanto. Hindi ko nga namalayan dahil parang naging eroplano yata ang kotse niya. “Sir, salamat po sa paghatid.” sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at mabilis na pinasibad ang kotse niya. Ayy iba rin, pikunin talaga. Kaloka! Pumasok na ako sa loob ng bahay. At nakita ko na nakaupo lang silang lahat na para bang may hinihintay. Kaya bigla akong kinabahan. Lalo na seryoso ang mga mukha nila. “Mabuti naman at umuwi kana.” seryoso na sabi ni inay. Bigla naman akong kinabahan. Kaagad na pumasok sa isipan ko na baka nakita nila ang PT ko. Ano na ang gagawin ko? Hindi pa ako handa na sabihin sa kanila ang totoo. “Magpaliwanag ka,” seryoso na sabi sa akin ni tatay. “T–Tungkol saan po?” nauutal na tanong ko sa kanya. Hindi sila nagsasalita kaya mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong ipaliwanag sa kanila. “Bakit ngayon ka lang umuwi? Kanina pa kami tumatawag sa ‘yo. Hindi mo man lang ba naisip na i-check ang selpon mo.” Sermon sa akin ni nanay. “Sorry po, kasama ko kasi ang boss ko.” mahina na sagot ko pero alam ko na narinig nila ako. “Kasama? Bakit? May relasyon ba kayo? Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa ‘yo na layuan mo siya.” galit na sabi sa akin ni inay. “Hindi ko naman po puwedeng gawin ‘yan. Boss ko po siya, nay.” “Ang akin lang kapag tapos na ang trabaho mo ay—” “Sorry po kung isinama ko siya after work. May importante lang po kasi akong meeting at isinama ko siya. Huwag po kayong mag-alala dahil bayad po ang overtime niya.” nagulat kaming lahat dahil bigla na lang nagsalita ang boss ko. Nakatayo siya ngayon sa may pintuan. Kaya pala parang nakakita ng multo ang mga kasama ko dito sa bahay dahil dumating pala ang boss kong gwapo. Tumigil ka nga Macy galit na ang nanay mo at ang boss mo naman mukhang tinatago lang ang galit niya kaya tigilan mo muna ang pagpuri sa kanya. “Pasensya na po kayo, Sir. Nag-alala lang ako sa anak ko.” kalmado na sabi ni inay. “Ako po ang dapat na humingi ng pasensya. Sorry po kung ganito ang nangyari. Si Macy po mismo ang humiling sa akin na gusto niyang mag-overtime kaya pinagbigyan ko po. Sige po mauuna na ako. Dinaan ko lang po ang mga pagkain na take out namin kanina. Nakalimutan niya po kasi. Pasensya na po ulit at magandang gabi po.” Magalang na sabi niya at mabilis na lumabas sa may pintuan namin. Mabilis naman akong lumabas para sana humingi ng paumanhin dahil alam ko na narinig niya ang sinabi kanina ni inay. Bigla akong nahiya lalo na nag-effort pa siyang bumalik para lang ihatid ang mga pagkain kanina. Bagsak ang balikat ko na pumasok ulit sa loob ng bahay dahil nakaalis na siya. Parang gusto kong umiyak pero pinigilan ko lang. Paano na ako papasok bukas sa trabaho ko? Baka alisin niya ako sa trabaho. Nagkakagulo na ang mga kapatid ko sa pagkain na inabot ni Sir. “Magpapahinga na po ako,” paalam ko sa kanila at mabilis na pumasok sa loob ng silid ko. “Anak,” narinig ko na tawag sa akin ni inay. “Bakit po?” tanong ko kay inay. “Sorry, anak. Nakakahiya ang ginawa ko. Pasensya na talaga, nag-alala lang ako sa ‘yo.” saad sa akin ni inay. “Okay lang po, kahit ganun po si Sir ay alam ko na naiintindihan niya kayo. Seryoso lang po ‘yun pero mabait naman po siya. Kakausapin ko na lang po siya bukas. Kaya ‘wag na po kayong mag-alala. Kumain na po kayo doon. Masarap po ang mga pagkain na binigay niya.” Sabi ko kay inay. Alam ko na nag-aalala siya pero kaya ko na ito. Mas lalo tuloy ako natatakot ngayon kung paano ko ba ipagtatapat sa kanila ang nangyari sa amin. Kung paano ko ba sasabihin na buntis ako at si Mr. Ampalaya ang ama ng dinadala ko. Alam ko na magagalit talaga si inay sa akin kapag nalaman niya ang totoo. Naiintindihan ko ang ibig iparating sa akin ni inay. Ang estado ng buhay namin at ang estado ng buhay ni Sir Michael. Pero mali ba na ibigay ko sa anak ko ang karapatan niya bilang isang Hoffman? Hoffman siya at iyon ang totoo. “Sorry po inay. Pero buo na ang desisyon ko. Gagawin ko ang lahat para tanggapin ni Sir Michael ang anak ko.” saad ko sa sarili ko habang nakatingin ako kay inay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD