MACY COLLIEN POV
"Macy, nakikinig ka ba sa akin?" Tanong sa akin ni inay.
"May sinasabi po ba kayo, inay?" Tanong ko rin sa kanya.
"May problema ka ba? Kanina ka pa tulala diyan. Masama ba ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Okay lang po ako, inay. Sige po papasok na ako sa trabaho.” paalam ko sa kanya.
"Sige, anak. Ingat ka," sabi niya sa akin.
Masama ang pakiramdam ko dahil na rin sa buntis ako. Nagresearch ako kanina ng mga dapat kung malaman. Lalo na ngayon na buntis ako ay kailangan na may mga knowledge rin ako. Buong gabi akong hindi makatulog. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Kahit na masama ang pakiramdam ko ay kailangan kong magtrabaho. Hindi naman puwede na tumunganga na lang ako. Mas matindi na ang pangangailangan ko ngayon.
"Sir, puwede po ba akong mag-overtime?" tanong ko sa boss ko.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.
"Okay na po ako," sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka ba? Bakit namumutla ka?"
"Napadami po ang lagay ko sa face powder." Sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? About sa overtime mo ay ikaw ang bahala." Sagot niya sa akin.
"Thank you, Sir."
Hindi na niya ako pinansin at bumalik na siya sa table niya. Ako naman ay tahimik na rin na nagtatrabaho. Pilit kong nilalabanan ang sarili kong antok.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na kalabog. Oh my gosh nakatulog ako sa trabaho. Nakakahiya dahil humiling ako ng overtime pero ito ako ngayon. Natutulog sa oras ng trabaho.
"Sir, sorry po." Nahihiya na sabi ko sa kanya.
"It's okay." Balewala na sagot niya sa akin.
Kaagad kong tiningnan ang oras at nanlaki talaga ang mga mata ko dahil alas singko na pala ng hapon. Ibig sabihin ay maghapon akong tulog.
"Sir, sorry po talaga. Pero bakit hindi niyo ako ginising." Diba parang sinisi ko pa siya.
"Trabaho ko ba na gisingin ka? Nakakahiya naman na gisingin ang babaeng tulo laway kapag tulog." Sagot niya sa akin.
Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Huli na para marealize ko na naisatinig ko na naman pala ang nasa isipan ko kanina. Gusto ko na lang na lamunin ako ng semento sa mga oras na ito. Lalo na tama ang boss ko. Hindi niya trabaho ang gisingin ako. Kaagad ko namang kinapa ang gilid ng labi ko. Baka kasi tulo laway talaga ako.
"Hahaha, I'm just kidding."
Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa aming dalawa. Ang sarap kasi pakinggan ng tawa niya. At lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. Umabot yata ng one thousand times ang pagiging gwapo niya ngayon.
"Ouch!" Napahawak ako sa noo ko dahil bigla na lang niya akong pinitik.
"Natulala kana diyan. Umuwi na tayo at bukas ka na lang mag-overtime." Saad niya sa akin.
Magprotesta pa sana ako kaya lang mabilis na niya akong hinila palabas sa office niya.
"Sir, magcommute na lang po ako." Sabi ko sa kanya.
"No," mariin na sagot niya at kinaladkad ako papunta sa parking lot.
Napatingin na lang ako sa kamay namin. Ang laki ng palad niya, tapos ang liit naman nung sa 'kin. Kaya siguro malaki rin 'yung….
"Macy, anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.
"Po?"
"Bakit mo pinipisil ang kamay ko?"
Mabilis ko namang binitiwan ang kamay niya. Hiyang-hiya ako sa mga pinaggagawa ko.
"Sorry, na carried away lang. Ang lambot po kasi ng kamay niyo."
Lupa lamunin mo na ako ng buo. Ngayon din! Saad ko sa isipan ko.
"You're so cute," saad niya at kinurot niya ang pisngi ko.
Ako naman itong naestatwa sa kinatatayuan ko. Saka lang ako nahimasmasan sa malakas niyang busena.
Sumakay na ako sa kotse niya. Tahimik na lang ako na nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse niya. Ayoko ng ipahiya ang sarili ko. Kotang-kota na ako ngayong araw. Masyado na akong nahihiya. Iniisip ko kasi na baka mamaya ay mapikon sa akin at tanggalin ako bigla sa trabaho.
Maging kawawa pa ang anak namin kapag nagkataon. Saka na niya ako tanggalin kapag may ipon na ako.
"Napapansin ko, parang wala ka sa sarili mo lately."
"Ako po ba ang kinakausap niyo?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"May iba pa ba tayong kasama dito? Kita mo wala kana naman sa sarili mo. May tawag sila d'yan e." Aniya habang nag-iisip.
"Lutang," biglang sambit niya.
"Okay naman ako, Sir. Huwag niyo na lang po akong pansinin." Sabi ko sa kanya.
"Okay, pero kung kailangan mo ng break ay puwede ka naman magleave. Ayoko magkaroon ng lutang na secretary." Sabi niya sa akin.
"Ito na ang last na magiging lutang ako. I need money, Sir kaya hindi ako puwedeng magleave."
"How much?" Tanong niya sa akin.
"How much do you need?" Tanong niya ulit dahil nakatingin lang ako sa kanya.
"Lifetime support po…. Chariz…" dinaan ko na lang sa joke ang lahat.
Tumawa pa ako pero naputol dahil napansin ko na lumagpas na kami sa may kanto.
"Sir, para po este sa tabi lang po." Sabi ko sa kanya.
"Why?"
"Doon po kasi ako baba." Sagot ko sa kanya sabay turo doon sa nalagpasan naming kanto.
"Let's have dinner first. Gutom na ako," sabi niya sa akin.
"Sa bahay na lang po ako kakain."
"Five thousand, samahan mo lang akong kumain." Biglang nag-offer.
"Hahaha, katunayan po ay gutom na ako." Natatawa na sabi ko sa kanya.
Medyo mukhang pera ako ngayon pero. Sayang rin 'yun. Dagdag na rin sa ipon ko. Narinig ko naman siyang tumawa. Medyo nahihiya akong pumasok dahil sa ganda ng restaurant. Alam ko kasi na pang sosyal lang dito. At baka mamaya hingan ako ng pambayad ay wala akong maibigay. Baka maghugas ako ng mga plato.
Hinila na naman niya ako papasok sa loob ng restaurant.
May lumapit sa amin na waiter. Nang tanungin niya ako ay hindi ko alam ang oorderin ko. Kaya hinayaan ko na lang si Sir na mag-order para sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Lahat yata ay inorder niya. Kami lang ba dalawa ang kakain ng mga ito? Tanong ko sa sarili ko.
"Sir, bakit ang dami po nito? May iba pa po ba tayong kasama?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, just the two of us." Sagot niya sa akin.
"Kaya ba natin itong ubusin?"
"Oo naman, malakas akong kumain." Sagot niya sa akin.
"Kumain kana," utos niya sa akin.
Inamoy ko muna ang pagkain na gusto kong tikman. Nitong mga nakaraan kasi ay maselan ang pang-amoy ko. Kaysa masayang ay aamoyin ko na lang muna. Natuwa naman ako dahil masarap ang mga pagkain. At hindi ko binigyan ng pansin ang tingin ng boss ko. Gutom kami ng anak niya. Pero ewan ko ba bigla na lang akong nawalan ng gana.
"Hi, Michael." Malandi na bati ng isang babae na hindi ko naman kilala.
"Hi, Lea." Bati naman nitong boss ko.
"I'm free tonight. We can go to my place if you want?" Walang emeng tanong niya sa boss ko.
Napairap naman ako bigla. "Woah! Hindi ako makapaniwala may ganito pala talagang babae. Sila pa ang nagyaya sa lalaki." Saad ko sa sarili ko.
"Sure," mabilis naman na sagot nitong lalaking 'to habang nakatingin sa akin. Gusto ko siyang tarayan pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Baby, alam mo may idea na si mommy. Seduce ko na lang kaya ang tatay mo? Hindi puwede na ako lang ang maghihirap. Habang siya masaya sa buhay niya." Kausap ko sa anak ko sa isipan ko.
"Lagot ka sa akin. Aakitin na lang kita para panagutan mo ako." Saad ko sa sarili ko.
"Bakit ganyan ka makatingin? Parang may galit ka talaga sa akin?" Biglang tanong niya sa akin.
"Ang gwapo niyo po kasi. I can't take my eyes off you." Natatawa na sagot ko sa kanya na ikinatulala niya.
"Lagot ka sa akin. Operation Seduce Mr. Ampalaya." Natatawa na saad ko sa isipan ko.