Chapter 8

1452 Words
MACY COLLIEN POV Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa trabaho ko. Katunayan ay kanina pa ako nakaupo dito sa may fire exit. Kinakabahan at nahihiya kasi ako sa boss ko. “Balak mo bang tumambay na lang diyan buong araw?” “Ayy, ampalaya!” nagulat na bulalas ko. “Kung ayaw mong magtrabaho ay magresign ka na lang.” masungit na sabi niya. “Sir, hindi po ako magreresign. Nagpapahangin lang ako, nagmumuni-muni lang po ako dito.” pabiro na sabi ko sa kanya. “Tsk! Babawasan ko ang sahod mo,” sabi niya sa akin at bumalik na siya sa loob ng office niya. “Sir, wait!” sigaw ko sa kanya at tumakbo ako papasok sa office niya. “What?!” “You want coffee?” nakangiti na tanong ko sa kanya pero masamang tingin lang ang ibinigay niya sa akin. “Sabi ko nga ipagtitimpla na kita,” nakangiti na sabi ko sa kanya. Mabilis akong pumunta sa pantry para ipagtimpla siya ng mapait na kami na kasing pait ng lovelife niya. Nakangiti akong bumalik sa office niya pero itong boss ko na para bang pinaglihi sa ampalaya ay hindi man lang ngumingiti. Ang mahal talaga ng ngiti niya. “Here’s your coffee, Sir.” “Stop it!!” “Po?” nagtataka ako sa pa-stop it niya. “Nilalambing mo ba ako? Kung ginagawa mo lang ito para hindi ko kaltasan ang sahod mo ay huli ka na.” hindi ako makapaniwala sa kanya. Iniisip niya na nilalambing ko siya? “Wala pong problema, Sir. Sorry po sa nangyari kagabi. Nag-alala lang po ang nanay ko. Ikaltas niyo po kahit na kalahati po sa sahod ko. Sorry po kung iba ang dating sa inyo ng ginawa ko.” nakayuko na sabi ko sa kanya. Inilapag ko na ang kape at pumunta ako sa table ko para gawin na ang trabaho ko. Naging tahimik kami pareho. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin sa aming dalawa. Kakaiba kasi ang tingin niya. Lumabas siya bigla at hindi man lang niya ininom ang kape na tinimpla ko. Pero nagulat ako dahil bumalik siya at inisang lagok ang kape. Napatingin ako sa kanya. Hindi ba siya napaso? Mainit pa naman ‘yung kape. “Hindi na ako babalik dito. Umuwi ka ng maaga at huwag ka ng mag-overtime.” Sabi niya sa akin at tuluyang lumabas. Hindi ako puwedeng umuwi ng maaga. Nagpaalam na ako kay inay kaya alam nila na mag-overtime ako ngayon. Marami rin naman ang kailangan kong gawin kaya tatapusin ko na mamaya. Hindi na ako bumaba sa cafeteria dahil wala naman akong gana kumain. Uminom na lang ako ng gatas ng pambuntis. Magbaon ako at dito ko na tinimpla. Siguro ay aabsent na lang ako sa lunes para makapunta ako sa OB. Kailangan ko rin kasi talagang magpacheck-up para malaman ko ang mga dapat kung gawin. Maghapon akong nagtatrabaho. Balak ko na alas otso ako uuwi. At pagsapit ng dilim ay nag-aayos na ako ngayon ng gamit ko nang bigla na lang namatay ang mga ilaw. Bigla naman akong kinabahan. Paano ba ako baba? Nasa pinakamataas pa naman akong palapag. Jusko po baka manakit ang tuhod ko sa kaka-baba sa hagdanan. Kaya wala akong choice kundi tawagan si Sir para itanong kung ano ang nangyari. Ewan ko ba pero feeling ko kailangan ko siyang sabihan para alam niya “Hello,” sagot niya sa tawag ko pero ang ingay ng background niya. “Hello, Sir. Hindi ka po ba nagbayad ng kuryente?” tanong ko sa kanya. “What are you talking about?” “Kasi Sir, nawalan po ng kuryente dito sa buong buil—” “What the h*ll?! Are you still there? Ang sabi ko sa ‘yo umuwi ka ng maaga diba?” Sigaw niya sa akin kaya inilayo ko ng bahagya ang phone ko dahil para akong nabibingi sa lakas ng boses niya. Kaysa makinig sa sermon niya ay lumabas na ako sa opisina niya at pinatay ko ang tawag niya. “Kaya mo ito, Macy. Dahan-dahan lang at kapag napagod ka ay magpahinga ka.” kausap ko sa sarili ko. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko. Nilagay ko rin sa airplane mode para hindi na makatawag ang boss ko. Sigurado ako na papagalitan lang niya ako. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan. Wala naman sigurong multo dito. “Kung may multo man dito ay ‘wag niyo akong takutin. Buntis po ako at maawa po kayo sa akin.” parang siraulo na sigaw ko. Wala lang gusto ko lang sila kausapin para aware na agad sila na buntis ako. At kung may balak sila na gulatin o takutin ako ay alam na nila. Naka-dalawang floor pa lang ako at nakaramdam na ako ng pagod. Umupo muna ako saglit para magpahinga. “Yes!” sigaw ko dahil nagka-ilaw na. Nag-abang na ako ng elevator dahil puwede na itong gamitin. Pero nang bumukas ito ay halos atakihin ako sa puso dahil nasa harapan ko na si Sir Michael. Pawis na pawis siya at magulo ang buhok niya. Mabilis siyang lumapit sa akin. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin na ikinatulala ko. “O–Okay lang po ako,” wala sa sarili na sagot ko sa kanya. “Puwede ba na ‘wag ng matigas ang ulo mo. Tapos pinatay mo pa ang phone mo. Paano kung may nangyari sa ‘yo?” stress na stress ang gwapo niyang mukha. “Okay lang naman po ako. Sa susunod po ay magbayad na kayo ng kuryente para hindi mawalan ng kuryente dito sa building.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng elevator. "Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ko sa kanya dahil nakatayo lang siya at nakatingin sa akin. Mabilis naman siyang pumasok sa elevator. Kinuha ko ang panyo ko sa bag. At pinunasan ko ang pawis niya sa buong mukha. Yumuko naman siya ng bahagya para magpantay kami. Hindi ko binigyang pansin ang tingin niya sa akin. Natigil ako sa pagpunas sa kanya dahil hinawakan niya ang kamay ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Sobrang lapit na ng mukha namin. Naamoy ko ang pinaghalong alak at pabango niya. “S–Sir,” kinakabahan na sambit ko sa pangalan niya. Masyado siyang seryoso at hindi man lang kumukurap. Napalunok ako dahil bigla akong kinabahan at parang nauuhaw ako. Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan. Nang tumunog na ang elevator ay mabilis akong lumabas. Halos tumakbo ako dahil sa sobrang bilis ng t*bok ng puso ko ngayon. Hindi na ako lumingon pa sa kanya. Dahil nahihiya ako. Nag-abang ako ng jeep at mabilis na umuwi sa bahay. Mabuti na lang at alam na nila na nag-overtime ako sa trabaho. Gusto ko ng kalimutan ang nangyari kanina pero ampalaya ang niluto ni inay kaya naalala ko na naman si Sir Ampalaya. Mabuti na lang talaga napigilan ko ang sarili ko na hilain siya kanina. Para kasing inaakit ako ng labi niya. Parang gusto ko siyang halikan kanina. Ano ba itong mga iniisip ko? Nasisiraan na yata ako ng bait. “Baby, natatakot ako. Paano kung ang daddy mo ang pinaglilihian ko?” kausap ko sa anak ko na nasa tiyan ko. Kinabukasan ay nagulat ako dahil naabutan ko si Sir na nasusuka sa may banyo. Kaya mabilis ko siyang dinaluhan. “Sir, okay lang po ba kayo?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. “No, I’m not. Bigla na lang akong nangasim.” sagot niya sa akin. “Pumunta po tayo sa hospital. Baka mamaya may sakit po kayo.” nag-aalala na sabi ko sa kanya. “Don’t mind me. Ipagtimpla mo na lang ako ng kape.” utos niya sa akin. “Okay po,” sagot ko sa kanya at mabilis akong pumunta sa pantry. Pagbalik ko ay nakaupo na siya swivel chair niya at may salamin na siya sa mata na talagang bumagay sa kanya. Napangiti ako habang nakatingin ako sa kanya. Lumapit ako para ibigay sa kanya ang kape. “Sir,” tawag ko sa kanya. “Yes?” sagot niya na hindi tumitingin sa akin. “Sir,” tawag ko ulit sa kanya. “May kailang–” Hindi ko na siya pina-tapos sa sasabihin niya dahil hinalikan ko siya sa pisngi. Alam ko na nagulat siya pero ‘di ko na mapigilan ang sarili ko. Para kasing inuutusan ako ni baby na halikan ko ang daddy niya. Akmang aalis na ako nang bigla na lang niya akong hilain at mabilis na hinalikan ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD