MACY COLLIEN POV
Bumili ako ng pregnancy test para alamin kung buntis ba ako o hindi. Tatlo pa talaga ang binili ko para lang malaman ko kung may nabuo ba sa loob ko. Nakigamit muna ako ng banyo ni Sir Michael na hindi sweet. Kabado ako sobra habang hinihintay ko ang resulta ng test. Tumalikod pa ako para lang hindi ko makita kaagad.
“Macy, kumalma ka. Isang beses lang ‘yun nangyari at sigurado ako na wala. Pero sana wala… Hindi pa ako ready maging mommy. Hindi pa ako nagkaka-sahod. Wala pa akong pera na pambili ng diaper at gatas niya. Porita lang ako kaya ‘wag muna sa ngayon.” kausap ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim bago tingnan ang PT. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng makita ko ang dalawang pulang guhit na nasa pregnancy test na hawak ko.
"Lord, paano ko bubuhayin ang batang ito? Paano ko sasabihin sa pamilya ko na buntis ako? Help me, ano ang dapat kong gawin?" Umiiyak ako dahil natatakot ako.
Natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin. Natulala ako ng ilang minuto sa loob ng banyo. Lumabas lang ako dahil sa katok ng boss ko. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha.
“Grabe rin talaga ang sp*rm mo. May bata agad na nabuo,” hindi ko lang kayang isatinig sa kanya. Kung puwede lang ay baka bigla ko na lang siyang bungangaan at isampal sa kanya itong PT ay ginawa ko na. Pero ayoko naman mawalan ng trabaho. At sigurado ako na hindi naman niya ako natatandaan o pananagutan.
“Natulog ka ba sa banyo? Bakit ang tagal mo?” Tanong niya sa akin.
“Masakit po kasi ang tiyan ko. Sorry po kung nakigamit pa ako ng banyo.” walang emosyon na sabi ko sa kanya.
Gusto ko kasing maging seryoso lalo na sad ako ngayon. Sad ako na may kaunting saya. Masaya naman ako na magkakaanak na ako pero ang problema kasi how can I raise this baby. Kita mo napapa-english na ako sa problema ko.
“Umuwi kana kung masakit pa rin ang tiyan mo.” sabi niya sa akin habang nakatingin sa kamay ko.
Mabilis ko namang tinago sa likod ko ang kamay ko na may hawak na PT. Mahirap na baka makita pa niya at magtaka pa siya.
“Sir, mag-undertime na lang ako ngayon.” saad ko sa kanya.
“Okay, sige. Uuwi na rin ako, isasabay na kita.” Sabi niya sa akin.
“Seryoso po ba kayo?” Tanong ko sa kanya.
“Mukha ba akong joke?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Clown ka ba?” nanlaki ang mga mata ko dahil kung ano na lang talaga ang lumabas sa bibig ko.
“Tsk!” asik niya sa akin at nauna na siyang lumabas sa office.
Mabilis ko namang kinuha ang bag ko. Inilagay ko rin ang PT ko para hindi niya makita. Sumunod ako sa kanya. Lihim naman akong napangiti dahil parang may kakaiba sa araw na ito. Bigla na lang niya akong niyaya na sumabay sa kanya.
Dapat pala palagi kong sabihin na masakit ang tiyan ko para maging sweet siya. Tsk! Assumera ka lang talaga palaka ka. Kontra ko sa sarili ko.
“Are you okay?”
“Ampalaya kang bitter!” biglang bulalas ko.
“What?!”
“Sorry po, nagulat lang po.” mahina na sagot ko sa kanya.
Sumakay kami sa kotse niya. Medyo nahihiya ako dahil ang linis at ang bango. Pasimple ko tuloy inamoy ang sarili ko baka kasi amoy pawis ako. Mabuti na lang dahil amoy baby cologne pa rin ako. Tinanong niya ako kung saan ako nakatira kaya sinabi ko naman sa kanya. Pero saglit kaming tumigil sa may botika.
“Stay here,” sabi niya sa akin at mabilis siyang lumabas.
Nakatanaw naman ako sa kanya mula dito sa loob ng kotse niya. Medyo natagalan siya. Pero paglabas niya ay may dala siyang paper bag. Pagpasok niya at bigla na lang niyang inabot sa akin ang dala niya.
“Ano po ito?” Tanong ko sa kanya.
“Gamot,” tipid na sagot niya sa akin.
“Bakit niyo po ako binibigyan?” parang timang na tanong ko sa kanya.
“Para gumaling na ang tiyan mo. ‘Wag mong bigyan ng ibang kahulugan. Ginagawa ko lang ito para hindi ka absent sa trabaho mo.” Sabi niya sa akin at mabilis na pinasibad ang kotse niya.
“Thank you po,” pialambing ko pa ang boses ko para alam niya na na-appreciate ko siya.
“Are you seducing me?” kunot noo na tanong niya sa akin.
“Hindi po a! Ganito lang po ako dahil ang bait niyo sa akin ngayon. Hindi po kita type, Sir.” sagot ko sa kanya.
“Pangit ba ako?” Biglang tanong niya sa akin.
“Gwapo po.” mabilis na sagot ko.
Pero kaagad ko ring tinampal ang bibig ko. Dahil masyado akong honest at papuri na ‘yun sa kanya. Kasi dapat hindi ko siya pinupuri. I heard him clucked na para bang tuwang-tuwa siya sa naging sagot ko. Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Hanggang sa pakiramdam ko ay bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Sinasampal ko pa nga ang pisngi ko para lang pigilan ang sarili ko na hindi ako makatulog. Nakakahiya kung sakaling tulugan ko siya.
“Macy, wake up.” naririnig ko ang boses ng boss ko kaya mabilis kong iminulat ang mga mata ko.
“Sorry po, nakatulog ako.” nahihiya na sabi ko sa kanya.
“It’s okay, by the way where here na.” saad niya sa akin.
“Salamat po sa paghatid at sa mga gamot, Sir.” sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot pero alam ko na narinig niya ako. Kinalas ko ang seatbelt ko at mabilis na lumabas sa sasakyan siya. Pagkalabas ko pa lang ay para na akong hihimatayin sa tingin ni inay na nakatayo sa may pintuan namin.
“Mano po, inay.” sabi ko sa kanya.
“Sino ‘yun? Mukhang mayaman?” Tanong kaagad niya sa akin.
“Boss ko po, isinabay na niya ako.” Sagot ko sa tanong niya.
“At bakit ka niya isinabay?” Nakataas ang isang kilay ni inay habang nagtatanong sa akin.
“Kasi po, masakit ang tiyan ko. Kaya maaga akong umuwi, may pupuntahan rin po siya sa malapit dito.” paliwanag ko sa kanya.
“Pupuntahan? Bakit ang tagal mong lumabas?”
“Kasi po nakatulog pala ako. Naiinis na nga po sa akin dahil matagal niya daw akong ginising. ‘Wag po kayong mag-overthink dahil hindi po niya ako type. Saka rich kid ‘yun hindi ‘yun papatol sa kagaya ko na squammy.” Mahabang paliwanag ko kay inay.
“Sus, baka mamaya malaman-laman ko jowa muna. Nasa tamang edad kana. Ang akin lang doon ka sa hindi ka masasaktan, anak. Mas mabuti na iwasan mo na lang ang boss mo. Natatakot ako dahil diyan nagsisimula ang lahat sa mga pahatid-hatid na ‘yan.” Saad pa ni inay sa akin.
“Inay, sa mga nababasa at napapanood niyo lang po ‘yan. Iba po sa totoong buhay, sige po pasok na ako sa silid ko.” sabi ko sa kanya at mabilis na pumasok sa maliit kong silid.
Napaupo ako sa papag ko. Sumasakit ang ulo ko kung paano ko ba solusyunan ang problema ko. Pero ano nga ba ang dapat kong gawin? Natatakot ako at baka palayasin ako ni inay dito. Pero hindi ko rin kaya na ipal*lag ang baby na ito. Dahil wala siyang kasalanan. Bahala na, gagawin ko na lang muna ang trabaho ko. Hangga’t kaya kong itago ay itatago ko sa kanila.
“Anak, behave ka lang. Need pa natin magtrabaho para may pera tayo. Mag-iipon muna si mama ng pambili ng diaper.” kausap ko sa tiyan ko.
Buo na ang desisyon ko. Palalakihin ko ang anak ko at mamahalin ko siya. Kahit ano pa ang mangyari.