Chapter 4

1654 Words
MACY COLLIEN POV Simula nang lumabas si Michael na hindi sweet ay hindi pa rin ito bumabalik hanggang ngayon. Kaya nakatunganga rin ako dito sa labas ng opisina niya. Paano ba naman kasi alam naman niya na first day ko pa lang kay hindi ko pa alam ang mga dapat kung gawin. Tapos umalis na siya. Mukhang palpak ako sa unang araw ko sa trabaho. Hindi naman sa kawalan ko ng ginagawa ang inaalala ko. Mas inaalala ko ang kumakalam ko na sikmura dahil lunch break na pero nandito pa rin ako naghihintay sa boss ko na hindi sweet. “Bwisit talaga! Bakit ba niya kailangan pang sabihin sa akin na hindi siya sweet? Ayan tuloy si Michael ba hindi na siya sweet.” Para na akong baliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Naghintay pa ako sa kanya ng kaunti. Pero hindi na talaga siya bumalik kaya no choice ako. Bumaba ako papunta sa cafeteria. Libre naman daw ang pagkain kaya kinain ko ang mga gusto ko. Nang matapos na ako ay bumalik na ako sa trabaho ko pero nagulat ako dahil wala na ang mesa ko. Kinabahan ako. Nasaan naman kaya napunta ang mesa ko? Mabilis akong pumasok sa office ng CEO at nanlaki ang mga mata ko dahil nandito na sa loob ang mesa ko. At nandito na rin ang boss ko na hindi sweet. “S–Sir, bakit po nandito na ang mesa ko?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. “Dahil simula ngayon dito kana. Para hindi na ako mahirapan na tawagin ka. And where have you been?” Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. “Kumain po, ang tagal niyo po kasing bumalik. Nagugutom na po kasi ako kaya—.” Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko napigilan ang sarili ko. “Are you blaming me?” seryoso na tanong niya sa akin. Napalunok naman ako dahil nakakatakot siya. Parang ang sarap niyang lambingin para hindi na kumunot ang noo niya. Kaagad ko rin sinampal ang sarili ko dahil kung anu-ano na itong iniisip ko. “Sorry po, Mr. Hoffman.” Yumuko ako at humingi ng pasensya sa kanya. “Tsk!” asik niya sa akin. Natatakot ako sa kanya. Baka bigla na lang niya akong alisin sa trabaho dahil sa mga lumalabas sa bibig ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako nagsalita pa. “What are you waiting for? Back to work!” bulyaw niya sa akin na ikinaintad ko. Mabilis akong bumalik sa mesa ko. Pero hindi ko magawang umupo dahil wala naman akong gagawin. Kaya naglakad na naman ako papunta sa kanya. “Sir, ano po ang gagawin ko?” Tanong ko sa kanya. “Ano ba ang trabaho mo dito?” Tanong niya sa akin habang nakatuon pa rin sa mga papeles ang mga mata niya. “Secretary niyo po,” mahinang sagot ko. “So, ano ba dapat ang gagawin mo?” “Sorry po,” parang naiiyak na sabi ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Tinawag niya ako na lumapit sa kanya. Kaya mabilis naman akong lumapit sa kanya. Naiinis pa ako dahil sobrang lakas ng t*bok ng puso ko ngayon. May sinasabi siya pero para akong walang maintindihan. Sino ba naman kasi ang hindi nakakaramdam ng kaba kung ganito kagwapo ang katabi mo. Ang bango pa niya parang ang sarap niyang yakapin. “Are you listening, Miss Macapagal?” tanong niya sa akin. “Yes po, Sir.” Sinaway ko ang sarili ko at nakikinig ako sa kanya. Gusto kong gawin ang trabaho ko ng maayos. Nakatutok ang mga mata ko sa mga papeles na pinapagawa niya sa akin. Katunayan ay nanakit na ang mga paa ko dahil wala wala siyang balak na paupuin ako. “Doon mo na lang gawin sa mesa mo.” utos niya sa akin. “Okay po,” sagot ko sa kanya at yumuko pa ako para makuha ko ang lahat ng mga papers na aayusin ko. Nang makuha ko na ay lumipat na ako sa puwesto ko. At sinimulan ko na ang trabaho ko. Dahil sa naging abala ako sa trabaho ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Nagulat na lang ako dahil bigla na lang naglapag ng frappe at slice cake ang boss ko. Tumingin ako sa kanya pero mabilis siyang lumabas. Kaya napatingin na lang ako sa strawberry at strawberry frappe. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ko ito ng picture. Pero halos mabitawan ko ang phone ko nang bigla na lang may tumawag na unknown number. Wala sana ako balak na sagutin dahil baka scammer lang pero sa huli ay mas pinili ko na sagutin na lang ito. “Hello,” sagot ko sa tawag. “Umuwi ka ng exact five pm. Hindi na ako babalik diyan.” “Okay po, thank yo–” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang pinatay ang tawag. Bastos rin talaga ang tanders na ‘yun. Gusto ko lang naman mag-thank you sa meryenda na binigay niya sa akin eh. Me: Thank you po sa pa-meryenda, Sir. Ingat po kayo kung nasaan man kayo ngayon :) Nagpadala na lang ako ng text message sa kanya. Hindi man lang nagreply. Itinabi ko muna ang mga papeles na ginagawa ko dahil baka matapunan ko. Napangiti ako dahil ang sarap ng strawberry cake. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi kiligin. Ito ba ang sinasabi niya na hindi siya sweet. Pero bakit iba ang nakikita ko. “Baka naawa lang siya sa ‘yo.” Saad ko sa sarili ko. Tama baka naawa lang siya sa akin. Nang maubos ko ang pagkain ko ay busog na busog ako. Nagrelax muna ako bago ulit ituloy ang ginagawa ko. Iniisip ko talaga kung talaga bang hindi niya ako naalala. Kinuha ko ang phone ko at nagsearch ako online kung sino ba siya. MICHAEL HOFFMAN 33 YEARS OLD MULTI-BILLIONAIRE AND CEO OF HOFFMAN INCORPORATION. Basa ko sa mga details na nandito sa internet. So tanders na pala talaga siya. Ten years rin ang tanda niya sa akin kaya pala parang kuya ko na siya. Nakita ko rin na may kapatid siyang kambal na babae. At siya ang panganay, nakita ko rin ang mga larawan ng mga babae na nalink sa kanya. Grabe ang gaganda at parang mga diyosa. Walang-wala ang isang katulad ko na mahirap na hindi pa kagandahan. Pero habang nakaupo ako dito ay bigla na lang umasim ang sikmura ko kaya mabilis akong pumasok sa loob ng banyo. Sumakit rin ang ulo ko. Naisip ko na baka sa ininom ko na frappe dahil medyo maasim ito. Naghilamos na lang ako at lumabas na. Nagpasya na rin akong umuwi dahil alas singko na rin pala. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas sa office. Uwian na rin kaya may mga nakasabay akong mga empleyado. Nahihiya naman akong makipagkilala sa kanila kaya mas pinili ko na yumuko na lang. Pagbukas ng elevator ay kaagad akong lumabas at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Habang nag-aabang ako ay nakita ko ang walanghiya kong ex na papalapit sa akin. Nakatingin siya sa akin habang may hawak na bulaklak. Hindi na ako nag-abang ng jeep at nagsimula na akong maglakad. Pero ang bwisit talagang sinusundan niya ako. “Mahal,” narinig ko na tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “Macy, mahal usap naman tayo. Please, naman.” saad pa niya. “Puwede ba Marvin tigilan mo na ako.” “Patawarin mo ako, lasing ako at hindi ko alam ang ginagawa ko.” sagot pa niya sa akin. “Hindi mo alam? Hindi mo alam na kaibigan ko siya. Ganun ba ‘yun?” naiinis na tanong ko sa kanya. “Lasing nga ako, mahal. Please, give me a second chance. Promise hindi ko na gagawin ulit. Patawarin mo na ako, mahal na mahal kita.” saad niya sa akin. “Pasensya kana pero hindi ko na kayang bumalik sa ‘yo.” “Macy, isang pagkakamali lang ‘yun.” Biglang sabi niya sa akin. “Isang pagkakamali lang?” Tanong ko sa kanya. “Oo at lasing ako,” sagot niya sa akin. “Lasing ka man o hindi ang pagtataksil mo ay choice mo at hindi ‘yun pagkakamali. Kaya choice ko rin na hindi kana mahalin pa.” sabi ko sa kanya at mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha niya. Eh nalaman ko na matagal na pala nila ako niloloko. Napaka-sinungaling talaga niya. Nakakatawa ang sinasabi niya na mahal niya ako. E pustahan lang naman ang dahilan kaya niya ako niligawan. Mabuti na lang talaga at hindi ko sa kanya ibinigay ang sarili ko. Hindi man ako naalala ng boss ko ay swerte naman ako. Tumigil na ako at nag-abang ulit ng jeep. Sumakay ako at umuwi na ako sa bahay namin. Pagdating ko ay humiga ako sa papag ko dahil nakaramdam ako ng antok. Mabilis na lumipas ang mga araw at dalawang linggo na ako sa trabaho ko. At isang linggo ng masama ang pakiramdam ko tuwing umaga. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong nasusuka. Pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na pumasok sa trabaho. Kakatapos lang ng meeting ni Sir Michael kaya bumalik na kami sa office. Pagdating ko sa working table ko ay nakita ko na umilaw ang phone ko. Nang sinilip ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon pala ang date ng regla ko. Regular ang period ko kaya palagi akong may reminder sa phone ko. Bigla akong kinabahan. Natatakot ako dahil paano kung buntis ako? Ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin ko sa magulang ko? Natatakot ako lalo na hindi pa ako handa. “Huwag po muna, Lord. Hindi pa po ako ready.” saad ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD