MACY COLLIEN “Umuwi kana,” utos ko sa kanya. “Ayaw ko nga, dito ako matutulog.” sagot pa niya sa akin. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” naiinis na sabi ko sa kanya. “Alin sa dalawang ulo ko ang tinutukoy mo?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Ano ba Michael?! Umuwi kana nga sa condo mo,” naiinis na sabi ko sa kanya. “Hindi ako uuwi na hindi kita kasama.” sabi niya sa akin. “Ano bang trip mo? Bakit ka ba narito?” tanong ko sa kanya. “Galit ka ba sa akin?” tanong niya. “Bakit naman ako magagalit sa ‘yo?” sagot ko naman sa kanya. “Kasi kanina ko pa napapansin na parang iniiwasan mo ako. Kaya alam ko na may problema.” sabi niya sa akin. “Pagod lang ako at gusto ko ng magpahinga. Kung talagang gusto mo na matulog dito ay matulog kana diyan sa sahig. Pero sinasabi ko sa ‘yo. Sasakit