Chapter 3

1214 Words
MACY COLLIEN POV Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng lumingon ako sa tabi ko. Bumilis ang t*bok ng puso ko sa takot dahil bigla kong naalala ang nangyari sa akin kagabi. Mabilis kong inalis ang mabigat niyang binti sa tiyan ko. "Ouch!" Mahina akong napadaing dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking keps. Gusto kong maiyak dahil isinuko ko ang iniingatan ko sa hindi ko naman kilalang lalaki. Masakit man ang nasa pagitan ng mga hita ko ay mabilis ko pa ring pinupulot at hinahanap ang mga damit ko na nagkalat. Naiinis pa ako dahil hindi ko mahanap ang panty ko. Pero sumuko na ako dahil hindi ko na talaga ito makita. Bago ako umalis ay sinulyapan ko muna ang lalaking umangkin sa akin kagabi. Sh*t ang gwapo naman niya. Tao pa ba 'to? My gosh, panalo naman pala ako eh. Pero kahit gwapo siya ako pa rin ang talo. "Alis na ako kuyang pogi, sana ay hindi mo na ako maalala." Saad ko sa kanya bago ako tumakbo palabas sa hotel na walang suot na panty. Mabilis akong umuwi sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako nahuli nila inay. Masakit ang katawan ko lalo na ang p********e ko. Kaya paghiga ko sa papag ko ay nakatulog ako kaagad. Sobrang bilis ng mga araw at ngayon na ang araw ng graduation ko. "Macy Collien Macapagal, c*m Laude." Narinig ko ang malakas na palakpakan. Parang kailan lang at ngayon graduate na ako with flying honor pa. Kahit si inay ay nabigla dahil hindi ko sinabi sa kanila na may karangalan ako. Nais ko kasi silang i-surprise. "Ipinagmamalaki ka namin, anak. Sa wakas may isa sa pamilya natin na nakapagtapos ng pag-aaral." Masayang sabi ni inay. "Maraming salamat po, inay. Para po talaga sa inyo ang lahat ng ito. Mahal na mahal ko po kayo ni itay." Nakangiti na sabi ko sa kanya. "Mahal na mahal ka rin namin, anak." Masaya kaming umuwi dahil may kaunting salo-salo na inihanda ang mga kapatid ko sa bahay. Sa totoo lang ay nawalan na ako ng pag-asa na makakapagtapos pa ako ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay namin. Pero ngayon ay may ipagmamalaki na ako. At lubos akong nagpapasalamat sa Hoffman foundation dahil sila talaga ang dahilan kung bakit naging posible ang lahat sa buhay ko. **** Araw ng lunes ngayon at kailangan ko ng magmadali dahil ngayon ang unang pasok ko sa trabaho. Hindi na ako nag-apply dahil automatic na akong kinuha ng Hoffman company para maging bagong secretary ng CEO. Medyo hindi pa nga ako kumportable sa suot ko pero okay lang. Laban lang dahil kailangan ko ng trabaho. Sayang ang oportunidad kung hahayaan ko lang na mawala. At isa pa bayad ko na rin sa utang na loob ko sa mga Hoffman. Gusto kong tumakbo pero hindi keri ng heels ko. Panay na rin ang tingin ko sa relo ko dahil ilang minuto na lang ang natitira sa akin. Nakakainis dahil ang tagal ng elevator kaya mas pinili ko na lang na hubarin ang heels ko para gumamit ng hagdan. Shet na malagkit! Talagang nag-exercise ako sa unang araw ko sa trabaho. Nang makarating ako sa second floor ay saka lang ako sumakay sa elevator. Mabuti na lang at okay na ito. Pinunasan ko ang mukha ko dahil pinawisan ako. Pasalamat na lang ako dahil naabutan ko pa ulit ang elevator. Dahil kung hindi ilang palapag rin ang aakyatin ko lalo na nasa 19th floor ang opisina ng CEO. Inayos ko ang sarili ko at sinigurado ko na mukhang tao na ako. Dahil nakakahiya kung magulo ang mukha ko o pawisin ako. Hindi na nga ako kagandahan ay magiging haggardo versoza pa ba ako. Walang tao dito dahil exclusive lang ang buong floor sa CEO at Secretary. Huminga ako ng malalim bago ako kumatok. "Come in," utos sa akin ng isang baritono na boses. Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob. "You are late," rinig ko na sabi niya habang nakatalikod sa akin. "I'm sorry, Sir." Hingi ko ng paumanhin sa kanya. "Kung hindi mo kayang maging on time sa trabaho mo dito ay mas mabuti na 'wag ka ng pumasok. It's that clear, Miss Macapagal?" Tanong niya sa akin at humarap na ito. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Siya? Siya ba talaga ang magiging boss ko. Ang lalaking kumuha ng puri ko. Sh*t! Kung gwapo siya noong umaga na iniwan ko siya ay mas lalo yata siyang naging gwapo ngayon. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang suit. "Are you listening to me?!" Pasigaw na tanong niya sa akin. "Y—Yes, Sir." Kabado na sagot ko sa kanya. Gwapo sana siya pero mukhang arogante. "Get my coffee now," kalmado na utos niya sa akin. Mabilis naman akong lumabas. Pero bumalik rin ako kaagad dahil hindi ko pala alam kung nasaan ang pantry. "S—Sir," tawag ko sa kanya. "What?" Kalmado na sagot niya habang ang mata ay nasa mga papers na binabasa niya. "Itatanong ko po sana kung saan po ang pantry?" Mahinang boses na tanong ko. "Damn it!" asik niya sabay turo sa akin sa isang pinto. "Thank you po," nahihiyang sabi ko dahil hindi na pala kailangan na lumabas sa office niya. "Ahmm, Sir. Black or with cream?" Tanong ko pa ulit sa kanya. "Black," walang emosyon na sagot niya sa akin. Mabilis naman akong pumasok sa pinto na tinuro niya. Nagtimpla na ako ng kape niya. Sh*t! Nakalimutan ko pang itanong kung may asukal ba. "Ano ka ba naman Macy? Unang araw mo pa lang pero para kang ewan." Tanong ko sa sarili ko. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Naaalala kaya niya ako? Jusko po, 'wag naman sana. Kinakabahan talaga ako sa kanya. Nakakaloka talaga. Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ay nilagyan ko ng sugar ang coffee niya. Paglabas ko ay kaagad kong nilapag sa mesa niya ang kape. "May ipag-uutos pa po ba kayo, Sir?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Pero kinuha niya ang tasa at ininom niya ang kape na ginawa ko. "What the fvck?! Bakit ang tamis?!" Galit na sigaw niya sa akin. "Kasi sweet po akong tao." Wala sa sarili na sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil narealize ko na naisatinig ko pala ang nasa isipan ko. Yumuko ako dahil handa na akong mapagalitan. Natatakot na ako dahil tumayo siya at naglalakad palapit sa akin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Matangkad siyang tao at ako naman ay medyo maliit na babae. Yumuko siya para pumantay sa akin kaya nataranta ako. "Next time, don't put sugar in my coffee. Dahil hindi ako sweet na tao." Seryoso na sabi niya bago siya lumabas sa opisina niya. Ako naman ay naiwan na nakatulala. Paulit-ulit na nag-echo sa tainga ko ang sinabi niya na hindi siya sweet na tao. "Michael Hoffman," basa ko sa pangalan niya. "Michael Hoffman na hindi sweet na tao. Halata namang hindi sweet. Grabe nga kung makakain sa akin eh. Tsk! Bahala ka nga sa buhay mo. Alam ko na hindi niya ako naalala. Pero mas mabuti na 'yon. Hindi naman ako pumunta dito para sa office romance." Kausap ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD