Chapter 9

1300 Words
MACY COLLIEN POV “Sir, bakit niyo po ako hinalikan?” tanong ko sa kanya. “Ikaw kaya ang unang humalik sa akin,” nakangisi pa na sagot niya sa akin. “Pero sa pisngi lang naman ako. Tapos ikaw parang hihigopin mo ang buong labi ko.” wala sa sariling sabi ko sa kanya. “Bakit ako ba ang first mo?” tanong niya sa akin. “Syempre…. Hindi!” “Fvck! Sino?” tanong niya sa akin. “Bakit ko naman sasabihin sa ‘yo?” Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Grabe naman kasi kung makahalik. Parang matatanggal ang labi ko sa mukha ko. Gusto ko rin talaga kutusan ang sarili ko. Bakit ba kasi hinayaan ko ang sarili ko na halikan siya? Nakakaloka parang gusto ko ng tumakbo palabas sa opisina niya. “Inumin mo na ang kape niyong kasing pait ng buhay mo.” wala sa sariling saad ko. Nang marealize ko kung ano ba ang sinabi ko ay bigla na lang akong tumakbo papasok sa loob ng banyo. Isasara ko pa lang sana ang pintuan pero kaagad na pinigilan ng boss ko ang pinto. “Anong sabi mo?” seryoso ang mukha na tanong niya sa akin. “S–Sir, nagbibiro lang naman ako. It’s a prank!” nakangiti na sabi ko sa kanya pero sa loob ko ay kabado na ako. Unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. “Gusto mo bang malaman kung mapait ang buhay ko?” seryoso pa rin na tanong niya sa akin. “S–Sir, masyado kang seryoso sa buhay. Baka lalo kang tumanda niya—” mali yata ang sinabi ko dahil mas lalong dumilim ang mukha niya. “Alam mo pinipigilan ko ang sarili ko na patulan ang bata na katulad mo. Kahit na madalas mong pinapainit ang ulo ko. Baka nakakalimutan mo kung sino ang boss mo? Ganyan ba dapat ang inaasta ng secretary sa boss niya?” tanong niya sa akin. “Sir, sorry po. Hindi ko naman gusto na halikan ka eh. I mean wala naman akong balak pero kasi ‘yung kakambal ko. Inutusan ako, sabi niya i-kiss daw kita dahil cute ka.” saad ko sa kanya. Jusko po ginawa ko pang baliw ang sarili ko. Baka isipin niya may sira na ako sa utak sa mga pinagsasabi ko. Ano bang mga ginagawa mo Macy? Mag-isip ka, kailangan mong makaalis dito. Kausap ko sa sarili ko. “Bakit pakiramdam ko ikaw pa itong nalugi sa ating dalawa? Samantala dapat nga magpasalamat ka dahil nahalikan ka ng isang katulad ko.” mahangin na sabi niya sa akin. “Wow! Ang hangin! May bagyo ba?” tanong ko sa kanya. “Alam mo dapat talaga pinaparusahan ka. Masyadong maingay ang bunganga mo.” Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang gusto ko pa tuloy siyang asarin. “Alam mo po, gwapo ka, mayaman at lahat ng babae ay nagkakandarapa sa ‘yo. Pero kasi may isa akong ayaw sa ‘yo.” “And what is that?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. “Ayoko sa malaki–” “Malaki?” kunot noo na tanong niya sa akin. “Malaki ang kamay.. Hindi pala, mali pala. Sa matanda na, ayoko sa MATANDA NA.” sabi ko sa kanya. “Matanda?” “Sir, sisantihin mo na ako ngayon.” utos ko sa kanya. Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Napakamot rin siya ng kilay niya na para bang nag-iisip siya. Yumuko na lang ako at naghihintay sa pagtanggal niya sa akin. “Ayyy!” nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat. “S—Sir, nagbibiro lang naman po ako. Baka puwedeng pag-usapan muna natin ito. Ibaba niyo naman po ako. Balak niyo ba akong itapon mula dito sa taas?” parang naiiyak na tanong ko sa kanya. “Sa lahat ng naging secretary ko ay ikaw talaga ang kakaiba. Kaya dapat talaga sa ‘yo tinuturuan ng leksyon.” seryoso na sabi niya sa akin. “Tanggalin niyo na lang ako sa trabaho. Sapat na rin yata na parusa ‘yun sa pagiging bastos ko. Sorry po, honest lang po ako.” sabi ko sa kanya. “Sh*t! Bakit ka ba umiiyak?” tanong niya sa akin. “Kasi natatakot ako. Baka kasi patayin mo ako,” hindi ko alam na umiiyak na pala ako. “Mukha ba akong mamatay tao?” stress na talaga ang gwapo niyang mukha. “Malay mo, galit ka sa akin eh.” “Sh*t! Isa sa dahilan kaya ayoko sa mas bata dahil masyadong madrama.” sabi niya at binaba niya ako. “Ayoko rin naman po sa matanda.” “Pwede ba tigilan mo na ‘yang sinasabi mo na matanda ako. Anakan kita diyan,” naiinis na sabi niya sa akin. “Meron na nga eh, ‘di mo lang alam.” saad ko sa sarili ko. Gusto ko sabihin sa kanya pero wala naman akong lakas ng loob. “Ayoko talaga sa matan—” Hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko dahil hinalikan na naman niya ako ulit sa labi. Tutugon ba ako o hindi? Tanong ko sa sarili ko. Pero teka lang bakit may patanong pa. Sige na tumugon kana. Utos sa akin ng kontrabida kong utak na maharot. Pero hindi talaga puwede. Pero chance ko na ito dahil balak ko naman na akitin siya. Kaya wala na akong sinayang na oras. Tumugon ako sa halik niya pero ang Mr. Ampalaya na ito ay bigla na lang tumigil. “Ayaw mo sa matanda pero humalik ka pabalik.” natatawa na sabi niya sa akin na para bang tuwang-tuwa siya. “Tsk!” asik ko na lang at mabilis akong lumabas sa office niya. Wala na yata akong mukhang ihaharap sa kanya. Nakakahiya talaga! Uuwi na lang ako at sasabihin sa magulang ko na wala na akong trabaho. Jobless na ako huhuhu. ‘Yan kasi siraulo ka! Asik ko sa sarili ko. “Ma’am, saan po kayo pupunta?” tanong sa akin ng guard sa entrance. “Uuwi na ako, kuya.” “Naku, Ma’am. Kakatawag lang po si Sir Michael. Huwag daw kayong palabasin. Kasi marami pa daw kayong trabaho.” saad niya sa akin. “May trabaho pa ba ako, kuya?” “Loko ka rin talaga na bata ka. Meron kaya ka nga pinapabalik sa taas.” natatawa na sabi sa akin ni Kuyang Guard. “Nagresign na ako eh,” nakanguso na sabi ko. “Kung ako sa ‘yo bumalik kana sa taas. Sa lahat ng secretary niya ikaw lang ang bukod tanging pinapabalik niya sa taas.” “Pakisabi po, kuya na hindi na ako babalik doon. Baka kasi ihulog ako noon at matige pa ako ng wala sa oras.” “Kung gusto kitang ihulog sana kanina ko pa ginawa.” Nagulat ako dahil nasa likuran ko na siya. “Follow me, may pupuntahan tayo.” suplado na utos niya sa akin. “Saan?” wala sa sariling tanong ko sa kanya. “Sa langit,” mabilis na sagot niya sa akin. “Sinasabi ko na nga ba may binabalak ka sa akin. Hoy! Mr. Ampalaya, mahal ko pa ang buhay ko. Hindi pa ako ready na makita si San Pedro—” “Shut up! Ang ingay mo na naman. Akala ko ba matalino kang babae pero ang hirap mo kausap. Tama ba na naging secretary kita?” naiinis na sabi niya kaya umiyak ako. “Sh*t!” naiinis niya akong hinila papasok sa loob ng kotse niya. “Kapag hindi ka pa tumigil diyan. Malilintikan kana sa akin.” dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD