Chapter 10

1343 Words
MACY COLLIEN POV "Puwede bang tumigil ka na sa kakangawa mo. napaka-ingay mo talaga.” naiinis na saway niya sa akin. “Mahirap lang ako pero mahal ko ang buhay ko.” ma-drama na sabi ko sa kanya. “Ano ka ba naman? Mukha bang may gagawin ako sa ‘yong masama? Ayusin mo na ang sarili mo dahil nakakahiya sa ka-meeting ko kapag ganyan ang itsura mo.” stress na ang gwapo niyang mukha sa akin. Tumigil naman ako. At inayos ko na ang sarili ko. Naglagay na ako ng kaunting make-up para magmukha naman akong tao. Para akong naging gusgusin sa pag-iyak ko. "Sa susunod ay hindi na talaga ako kukuha ng batang secretary." Mahina na sabi niya pero narinig ko pa rin. "Ibig bang sabihin, balak mo na akong palitan?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. "Wala akong sinabi na papalitan kita." Sagot niya sa akin. "Narinig kita,” sabi ko sa kanya. “Hindi pa naman sa ngayon.” sagot rin niya sa akin. “Bigyan mo ako ng three months para manatili dito. Need ko lang talaga mag-ipon. After three months ay aalis na ako." Sabi ko sa kanya. Biglang huminto ang sasakyan niya dito sa gitna ng daan. Kaya napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paano humigpit ang kapit niya sa manibela. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari na naman sa kanya. "Ako ang magsasabi kung kailan ka aalis." May diin saad niya sa akin. "Naawa lang ako sa 'yo. Masyado ka ng stress sa akin. Baka kasi mamaya ay lalo ka pang tumanda kapag tumagal pa ako sa ‘yo. Ayaw mo pa naman sa bata diba." "Kung maganda sana ang mga lumalabas sa bibig mo ay hindi ako stress. Kaya lang ang ingay mo." Sagot niya na nagpatameme sa akin. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita ulit. "Opo, tatahimik na ako. Hindi na ako magsasalita." Sabi ko sa kanya at itinikom ko na ang bibig ko. “What’s my schedule for tomorrow?” biglang tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil ayoko nga magsalita. Pero nagalit na naman siya sa akin. “Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong niya sa akin. "Fvck! Magsalita ka nga tinatanong kita!" Bulyaw niya sa akin. "Akala ko ba gusto mo na tahimik ako? Tapos ngayon gusto mo magsalita ako." mataray na sagot ko sa kanya. "Alam mo mali talaga na ikaw ang pinili ko na maging secretary ko. Kahit kailan sakit talaga sa ulo ang mga batang katulad mo. Kaya wala akong balak na mag-asawa at magkaanak dahil ayoko na ma-stress ang buhay ko." Mahabang lintaya niya. May kung anong k*rot sa puso ko ang sinabi niya. Unang pumasok sa isipan ko ang anak ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Mali rin talaga na siya ang naging boss ko. Akala niya siguro ay siya lang ang nahihirapan. Hirap rin naman ako sa ugali niyang ampalaya. "Schedule niyo po bukas ay lunch meeting with Mr. Tan. At sa hapon naman po ay may meeting kayo sa lahat ng head ng bawat department." Sagot ko sa kanya. Siguro kailangan ko ng maging matured. Magiging mommy na ako at hindi na ako puwedeng kumilos na parang bata. Naging tahimik na kami pareho hanggang sa nakarating kami sa isang restaurant. May ka-lunch meeting siyang isang magandang babae. Noong una ay business ang pinag-uusapan nila pero katagalan ay ibang bagay na. Nag-excuse ako sa kanila para pumunta sa banyo. Bigla na lang kasing bumaliktad ang sikmura ko sa kinain namin. “Baby, ayaw mo ba ng pagkain na binili sa atin ng daddy mo?” kausap ko sa tiyan ko. Nang maging okay na ako ay lumabas na ako sa banyo. Pero nasa labas rin pala ang babaeng ka-meeting ni Sir. "Hi, itatanong ko lang sana. May ibang lakad pa ba si Michael pagkatapos nito?" Tanong niya sa akin. "Wala na po sa schedule na meron ako. Pero hindi ako sure sa ibang lakad ni Sir ngayon." Sagot ko sa kanya. "Can I ask you a favor?" Tanong niya sa akin. "Ano po 'yun?" Tanong ko rin sa kanya. "Can you leave us kasi gusto ko sana na ma-solo si Michael. Kung okay lang sa 'yo?" nakangiti na tanong niya sa akin. "Okay po, babalik rin po ako sa office. May mga trabaho po akong kailangan tapusin." Nakangiti na sagot ko sa kanya. "Okay, thank you." Niyakap pa talaga niya ako. Pagbalik ko ay nagpaalam ako kay Sir Michael. "May nararamdaman ka ba?" Tanong niya sa akin. "Wala po, mauna na po ako. Marami pa po akong trabahong gagawin sa office." "Hintayin mo ako, ihahatid kita." Sabi niya sa akin. "Huwag na po, kaya ko po bumalik doon. Wala na po kayong schedule ngayong hapon. Sige po, mauna na po ako." Mabilis akong lumabas sa restaurant at pumara ako ng jeep. Pagdating ko sa office ay tinapos ko ang mga kailangan kong gawin. Balak kong mag-overtime. Nagpaalam naman ako kay inay. Kaya alam nila na late na ako makakauwi. Hindi na rin bumalik si Sir. Alas sais na at ako na lang ang nandito. Pumasok ako sa banyo para magbihis ng damit. Ako lang naman ang nandito kaya okay lang siguro. Sinuot ko ang big t-shirt ko para maging kumportable ako. Paglabas ko ay nagulat ako dahil nasa harapan ko si Sir. Namumula ang buo niyang mukha. Nakatingin lang siya sa akin habang mapupungay ang mga mata niya. "Lasing ba siya?" Tanong ko sa sarili ko. "Bakit ba panay overtime ka? Malaki ba pangangailangan mo ngayon?" Tanong niya bigla sa akin. "Opo, may pinag-iiponan lang po ako." Sagot ko naman sa kanya at naglakad ako papunta sa table ko. Hindi ako komportable sa tingin na ipinupukol niya sa akin. Pero binalewala ko ito. "Umuwi kana, ihahatid kita." Sabi niya sa akin. "Mamaya pa po ako uuwi. Lasing ka po ba?" Lakas loob na tanong ko sa kanya. "No, I'm not. Uminom lang ako ng kaunti pero hindi ako lasing." Sagot niya sa akin. "Sana po ay nagpahinga na lang kayo sa bahay. Delikado pong magdrive pag-nakainom." Sabi ko sa kanya. "Sanay na ako." Sagot niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at chineck ko isa-isa ang mga natapos ko na kanina na mga files. Baka kasi may makaligtaan ako. Tumayo ako para kumuha ng isang box para doon ko na ilagay ang lahat ng mga papeles. Medyo mataas ito kaya tumingkayad ako. Pero hindi ko pa rin maabot. Kukuha na sana ako na upuan. Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil nasa likuran ko na siya. Siya na mismo ang kumuha ng box. Nanatili akong nakatayo at pinigilan ko ang paghinga ko. Narinig ko ang pagbagsak ng box sa sahig. At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nasa tiyan ko na ang kamay niya at nakayakap na siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa leeg ko. Kaya napalunok ako bigla sa ginawa niya. "S—Sir," nauutal na tawag ko sa kanya. "I can't stop myself wanting you," bulong niya sa tainga ko. Nag-tayuan ang mga balahibo ko sa buo kong katawan. Alam ko na mali itong ginagawa namin pero hindi ko alam. May sariling desisyon ang katawan ko. Pinaharap niya ako at sinalubong ng isang mapusok na halik sa labi. "Nababaliw ako sa labi mo. Na kahit halikan ko na ang lahat ng babae ay halik mo pa rin ang lagi kong gusto." Saad niya sa akin na ikinagulat ko. "I like you," biglang sabi niya sa akin. "Lasing ka lang po at makakalimutan mo ulit ito bukas. Hindi mo alam ang sinasabi mo." Sabi ko sa kanya. "Sisiguraduhin ko na pagkatapos ng gabing ito ay akin ka lang." Sabi niya sa akin at sinunggaban na niya ulit ang labi ko. Macy mag-isip ka. Hindi puwede ito. Diba ang sabi niya ayaw niya sa inyo ng anak mo. Baka gawin ka lang niyang laruan. Saad sa akin ng kontrabida kong utak. Gusto ko siyang itulak pero nalalasing ako sa halik niya. “Ano ba ang dapat kong gawin? Hindi puwede ito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD