MACY COLLIEN POV
Ang sarap ng halik niya kaya nadadala talaga ako. Ang Mr. Ampalaya ko ay may matamis na labi pero hindi dapat ako nagpapa-linlang sa kanya. Hindi puwede na ganito. Ayoko na mas lalong pagsisihan ang ang mga nangyayari sa buhay ko.
Baka kasi iba ang mapuntahan namin sa ginagawa naming ito. Alam ko na lasing siya at makakalimutan na naman niya ako bukas.
“S—Sir, awat na po. Uuwi na po ako,” sabi ko sa kanya at tinutulak ko siya.
“I want you, Macy.” Bulong niya sa tainga ko.
“I also want to… I want to go home na po. Baka magalit na naman sa akin si nanay at palayasin na po ako sa bahay namin.”
Dahil sa sinabi ko ay mabilis niya akong binitiwan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil effective pala na panakot ang nanay ko. Mabilis kong kinuha ang bag ko at patakbo akong lumabas sa office niya. Pero dahil sa malaki siyang tao ay naabutan niya ako.
“Ihahatid na kita,” sabi niya sa akin.
“Huwag na po. Kaya ko naman umuwi ng mag-isa. Ihahatid na lang muna kita sa condo mo. Hindi ka puwedeng magdrive dahil baka madisgrasya ka.” Sabi ko sa kanya.
“Yeah, you're right.” Pasalamat naman ako dahil mabilis siyang nakinig sa akin.
Hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan na lang siya. Baka kasi ano pa ang mangyari sa kanya. Pumara ako ng taxi para hindi na siya magmaneho. Habang nasa biyahe kami ay nakasandal siya sa balikat ko at nang makarating na kami sa building ay ginising ko na siya.
“Salamat po, manong. Keep the change po.” Saad ko sa taxi driver.
“Salamat, iha.”
Bumaba na kami at inalalayan ko siya. Habang nasa loob kami ng elevator ay nakapikit siya pero hawak niya ang kamay ko. Medyo struggle is real ako dahil habang naglalakad kami sa hallway ay parang tulog na siya.
“Sir, ang bigat mo. Malapit na tayo kaya umayos kana.” Saad ko sa kanya.
Mabuti na lang at nakinig naman. Pero hindi inaasahan na pagpasok namin sa unit niya at bigla na lang niyang hinapit ang baywang ko at hinalikan na naman niya ako.
“S—Sir,” awat ko sa kanya na naging tunog halinghing.
Gusto ko kutusan ang sarili ko dahil sa lumalabas sa bibig ko. Pero kasi mali ito at hindi puwede. Baka kasi bigla na lang akong bumukaka at bumigay sa halik niya. Ang galing-galing pa naman ni Mr. Ampalaya ko.
“Don't try to stop me.”
“Hoy! Tigilan mo rin ako. Kapag ako hindi nakauwi ngayon ay sigurado ako na susugurin ka ng nanay ko bukas sa opisina mo.” Sabi ko rin sa kanya.
“Call her,” utos niya sa akin.
“At anong sasabihin ko sa kanya? Inay ‘di ako makakauwi kasi kasama ko ang boss ko. Na may masamang balak sa akin.” Sagot ko sa kanya pero tumawa lang siya.
“Grabe ka naman sa masamang balak. Wala akong balak, gabi na at hindi na safe para sa ‘yo na umuwi mag-isa.” saad pa niya.
“Tsk! Palusot kapa, kung ako talaga marupok na babae ay baka bumukaka na ako sa harapan mo.”
“Ginawa mo na.”
“Anong sabi mo? Lakasan mo nga dahil ‘di ko marinig.” Naiinis na sabi ko sa kanya.
“Wala, akin na ang phone mo dahil tatawagan ko ang nanay mo.” Sabi niya sa akin.
“Ako na lang ang tatawag sa kanya.” Sabi ko sa kanya dahil nahihiya ako sa phone ko.
“Okay,” sagot niya sa akin at pumasok na siya sa silid niya.
Kinuha ko naman ang phone ko at wala sa sarili na tinawagan ko ang nanay ko. Mabuti na lang at hindi si nanay naging makulit. Pero pagkatapos kong tumawag ay napatanong ako sa sarili ko.
Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ba ako nanatili dito? Akmang lalabas na sana ako pero bigla na lang siyang lumabas sa silid niya.
“Here, magpalit ka ng damit para maging kumportable ka.” sabi niya sa akin.
“Nagugutom ako,” sabi ko sa kanya.
“Okay, magluluto lang ako.” saad niya sa akin.
“Ako na, marunong naman ako. Saka boss kita kaya ako na lang po.” saad ko sa kanya.
“Magpalit kana muna doon.” Utos niya sa akin.
“Uwi na lang kaya ako?” Wala sa sarili na tanong ko sa kanya.
“Alam mo ang kulit mo. Kapag palagi kitang kasama ay baka maaga akong tumanda sa ‘yo.” nakokonsumi na bulalas niya.
“Matanda kana po,” nakangiti na saad ko sa kanya.
“Tsk! Matanda man ako pero magaling naman ako sa kama. Gusto mo bang subukan kung ano ang kaya ng matanda na sinasabi mo?” Tanong niya sa akin at walang preno ang bunganga niya.
“Bastos!” Sigaw ko sa kanya at mabilis akong pumasok sa banyo.
Biglang uminit ang buo kong mukha sa kalokohan niya. Nasubukan ko na nga kaya ngayon may laman na itong tiyan ko. Lasing ako noon pero alam ko ang nangyari. Tumirik pa nga ang mga mata ko sa sarap.
“Hoy! Macy Collien Macapagal na soon ay magiging Hoffman na. Tumigil kana. Kung anu-ano talaga ang naiisip mo. Napakapasaway mo talaga.” naiinis na saad ko sa sarili ko sa pagiging siraulo ko.
“Ano tulog kana ba diyan? Kanina ka pa ah.” Tanong niya sa akin.
Mabilis kong sinuot ang t-shirt niya na sobrang bango. Paglabas ko ay pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Bagay ba sa akin? Akin na lang ito ha. Ang bango kasi. Ano ba gamit mo na fabcon?” Hindi ko na napansin ang mga lumalabas sa bibig ko.
“Okay, sa ‘yo na. And about sa fabcon. Hindi ko alam,” sagot niya sa akin.
“Thank you po,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Ganyan mo ako ka gusto kaya hinihingi mo ang damit ko?” Nakangisi na tanong niya sa akin.
“Naku po, nagkakamali ka. Sige na nga hindi ko na lang hihingin sa ‘yo.” Saad ko sa kanya at mabilis kong hinubad ang t-shirt niya
“Fvck! What the hell are you doing?!” Sigaw niya sa akin na halos tumalon ako sa gulat.
At nang marealize ko ang itsura ko ngayon ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Isusuot ko na sana ulit ang damit niya pero huli na ang lahat.
Nasa harapan ko na siya ngayon at mabilis niyang hinapit ang baywang ko. Kaya napahawak ako sa dibdib niya. Wala sa sariling pinisil ko ito.
“Sinasagad mo talaga ang pagtitimpi ko. Pinipigilan ko pero sadyang makulit ka at ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalo kitang hangarin. Sorry, Macy pero inubos mo ang pagtitimpi na meron ako.” Saad niya sa akin at mabilis na inatake ang labi ko.
Ang pagdadalawang isip ko ay biglang nawala. Dahil sa ideya na biglang pumasok sa isipan ko. Hahayaan ko na lang siguro siya na angkinin ako? Perfect timing na yata ito para mapikot ko siya, i mean mapikot namin siya ni baby.