Chapter 2

2080 Words
KAHIT anong gawin kong pagkausap kay daddy na ayokong magpakasal ay hindi ako nito pinakinggan. “Ako ang iyong ama at kailangan mo akong sundin. Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo!” iyon ang galit na isinigaw sa akin ni Dad nang kausapin ko ito tungkol sa pagtutol ko sa kasal na gusto niyang mangyari. Wala ring nagawa si Mommy kundi ang manahimik. Kahit ayoko ay napilitan pa rin akong sumama sa kanila pauwi ng Pilipinas. Ngayon ay nakaupo lang ako rito sa loob ng kuwarto ko, nakasandal sa headboard ng aking kama at hindi pa rin nakakapagbihis. Nakatitig lang ako sa screen ng hawak kong phone, sa number ng boyfriend kong si Daniel. Hindi ko natiis at tumipa ako sa keyboard, pinaalam ko na na umuwi na ako ng Pilipinas, sumama sa parents ko. Wala pang limang minuto ay nag-ring na ang phone ko. “Babe?” bungad ng boyfriend ko pagkasagot ko ng kanyang tawag. “Hi babe, how are you?” agad kong tanong at pilit na nilalagyan ng sigla ang boses ko. “Well, I'm good, babe. Pero sobrang na-miss na kita. Ilang araw ka palang mananatili riyan sa Pilipinas? Kailan ang balik mo rito? May klase pa tayo.” “Babalik ako as soon as possible, babe. I love you!” Hindi ko na ito hinintay pang muling makasagot at binabaan ko. Diretso ko nang pinatay ang phone ko at basta na lang inihagis sa ibabaw ng kama. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako sa desisyon ni Dad na gusto akong ipakasal sa kanyang business partner. Pero hindi naman ako papayag, kailangan kong gumawa ng paraan. Napatingin ako sa pinto nang marinig ang pagkatok mula sa labas. “Yes, come in.” The door opened. Akala ko katulong, pero nang makitang kapatid ko ang pumasok, si Ate Julia ay agad akong napababa ng kama. “Ate—” Hindi ko na natuloy ang pagsalita ko nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. My sister slapped me. “Ang kapal ng mukha mong agawin ang lalaking gusto ko! Bakit kailangan ikaw ang magpakasal kay Ralph! You don't deserve him!” sigaw sa akin ng kapatid ko matapos akong salubungin ng malakas na sampal. Hindi ako makapaniwala na tiningnan ito. “Wala akong alam sa kasal na gusto ni Dad, ate. Ni hindi ko nga kilala kung sinong lalaki ang ipapakasal sa akin, eh!” “Huwag ka nang magmalinis pa, Jelly Anne! Aminin mo nang mang-aagaw ka! Bakit, tingin mo ba magugustuhan ka ni Ralph? Ano na ba ang naabot mo sa buhay para magustuhan niya? He's a perfect man, a famous billionaire in the country. But you? Look at yourself, para ka lang basahan, ni wala ka pang narating, unlike me, nakakatulong na sa business ni Dad. Kaya dapat mahiya ka, lumayo-layo ka kay Ralph. Binabalaan kita, Jelly Anne, lumayo ka sa lalaking gusto ko kung ayaw mong ako ang makalaban mo!” Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang maiyak. Sa simula pa lang ay ganito na sa akin si ate, at gano'n din si mommy, para bang hindi ako parte ng pamilya kung ituring nila. “Bakit sa akin ka nagagalit, ate? Kung ayaw mong mawala sa 'yo 'yang lalaking sinasabi mo, then bakit hindi ikaw ang magpakasal sa kanya? Bakit hindi mo kausapin so dad at sabihin na ikaw na lang ang ipakasal imbes na ako.” Napahinto ang kapatid ko sa tangkang paglabas sa pinto at pansin ko ang pagkuyom ng mga kamay nito, pero hindi agad nakasagot. “Ayoko naman talagang magpakasal, ate. Si dad lang ang may gusto nito. May boyfriend na ako at siya ang mahal ko, siya lang ang lalaking gusto kong pakasalan at wala nang iba.” Sa sinabi ko ay napalingon na ang kapatid ko at parang biglang naglaho ang galit sa mukha nito. “Really? You have a boyfriend?” Tumango ako. “A-Ang totoo ay malapit na kami mag-three years.” Nakangiti nang lumapit sa akin si ate at hinaplos na ang pisngi ko. “I'm really sorry for my slap, sis. Medyo nabigla lang si ate.” Tipid akong ngumiti. “Ayos lang, ate.” ‘Sanay na rin naman ako sa ugali niyo ni Mommy,’ gusto ko pa sanang idagdag 'yun pero nagpigil ako. “Ang mas mabuti pa ay sabihin mo kay dad na may boyfriend ka na, at ipakasal na lang sa akin si Ralph. Okay ba?” Tumango na lang ako na kilapad ng ngiti ni ate. “Let's go, naghihintay na si mom and dad sa dining room. It's time to dinner, sis!” Nagpahila na lang ako kay ate palabas ng room ko. Pagdating namin dining room ay naroon na nga si Mom at Dad, kami na lang ang hinihintay. Naupo kami ni ate ng magkatabi. Katahimikan ang namayani sa loob ng dining room nang magsimula na kaming kumain, hanggang sa pasimple akong sinenyasan ni ate na parang sinasabing kausapin ko na si dad. Kaya naman binasag ko na ang katahimikan. “Dad, ayoko po talaga magpakasal. Ang totoo po ay may boyfriend na ako at siya ang mahal ko, siya ang gusto kong pakasalan balang araw.” Napahinto si dad pero nanatili ang tingin sa kanyang plato. “Hiwalayan mo kung sino man 'yan,” maiksing sagot nito sa akin at muling pinagpatuloy ang pagkain. “Please, dad, ayoko po talaga. Nariyan naman po si ate, siya na lang po ang ipakasal mo tutal ay mas nakakatanda siya sa akin at may narating na po siya, nakakatulong na sa mga business mo. Siguradong mas magugustuhan siya ng lalaking 'yun kaysa sa akin.” “Oo nga, Dad, Jelly is right. Ako na lang po ang ipakasal mo kay Ralph,” agad na sang-ayon ni ate. “Hindi ko alam kung bakit kailangan pang si Jelly, samantalang narito naman ako na panganay mo. Siguradong aayawan siya ni Mr. Lambert kapag nakita siya, hindi malabong mapahiya ka, Dad. Paano na lang kung talikuran 'yan ni Ralph sa araw mismo ng kanilang kasal.” “Julia has a point, honey. Mas bagay sila ni Mr. Lambert kapag siya ang ipakasal mo, at hindi ka rin mapapahiya,” sang-ayon naman ni Mommy. Hindi ko mapigilan ang masaktan sa narinig. Ibig sabihin ba ay kahiya-hiya ako? But why? Wala naman akong nagawang mali para maging kahiya-hiya sa pamilya namin. “Hindi puwedeng si Julia,” simpleng sagot ni Dad na nagpatigil sa amin tatlo nina mommy at ate. “At bakit naman hindi ako puwede, Dad? Di hamak na mas lamang naman ako kaysa riyan kay Jelly. At isa pa, kahit sa edad hindi sila bagay. Thirty three na si Mr. Lambert, and I'm twenty nine. Mas bagay kami, Dad. At nasisiguro kong mabibigyan ka agad namin ng apo,” muling pagpumilit ni ate. Pansin ko na parang sumasama na naman ang tingin nilang dalawa sa akin ni mommy. Pero hindi sumagot si Dad at pinagpatuloy lang ang kain. “Ano ba ang dahilan at gusto mo akong ipakasal sa kanya, dad? Dahil po ba sa business? Pero bakit ako pa kung nariyan naman si ate na willing sumunod sa nais mo.” Muling napahinto si dad, ibinaba ang kamay na may hawak na kubyertos at tiningnan ako. “Naghahanap si Mr. Lambert ng mapapangasawa, at hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon, kaya naman inireto ko kayong dalawa sa kanya at baka sakaling may magustuhan siya. At ikaw ang napili niya, hindi ang ate mo.” I couldn't believe what I heard. What the f**k. Nang mapatingin ako kay ate at mommy ay parang papatayin na ako sa tingin. Yumuko na lang ako, binalik ang tingin sa pagkain ko. “Mas mayaman sa atin si Mr. Lambert, at makilala pa lalo ang pamilya natin kapag naikasal ka sa kanya. Lalakas din ang ating negosyo. Isipin mo na lang na para sa ating pamilya ang pagpapakasal mo sa kanya,” wika ni Dad makalipas ang ilang sandaling katahimikan. So it's all about money. Ano pa nga ba ang inaasahan ko, mas mahalaga kay daddy ang kanyang negosyo. “B-But… dad, I'm still studying,” sagot ko na parang maiiyak na habang nakayuko. “It's not a big deal. Nasabi ko na 'yan kay Mr. Lambert at wala namang problema sa kanya. Maipagpapatuloy mo pa rin ang pag-aaral mo kahit kasal na kayo.” Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa plato. “P-Pero, Dad, bakit po ako? Hindi ba puwedeng ipagpaliban mo muna ang business mo?” I bit my lip to muffle my sobs. “I can't marry him, dad. Talagang ayoko po.” “I'm your father, alam na alam ko kung ano ang makakabuti sa 'yo. Ralph Ian Lambert is a good man. Magiging mabuti ang kinabukasan mo sa kanya; balang araw, nasisiguro kong magpapasalamat ka sa akin dahil pinakasal kita sa kanya.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binitiwan ko na ang kubyertos kong hawak sabay. “Ayoko nga, dad! Wala akong pakialam kahit gaano pa siya kayaman! Basta ayoko sa kanya, at hindi ako magpapakasal!” sigaw ko na hindi ko na napigilan pa at nag-walk-out na. “Jelly Anne!” “Itatakwil kita kung ayaw mong magpakasal sa kanya!” Bigla akong napahinto sa paglabas ng pinto dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napalingon kay Dad. “Talaga, dad? Itatakwil mo ako dahil lang sa ayaw kong magpakasal sa lalaking gusto mo? Gano'n na ba kahalaga sa 'yo ang negosyo mo, at pati ako anak mo ay ipagkakalulo mo sa kasusyo mo sa negosyo?” “Ginagawa ko lang ang makakabuti sa 'yo. Akala mo ba hindi ko alam na lumipat ka ng Moscow para sa lalaki?” Nagulat ako sa narinig. How did he know? “Your friend Vince Arsheido told me. Nung nakaraang taon ka pa pala lumipat, ni hindi mo man lang pinaalam sa akin.” “Paano ko ipapaalam sa 'yo, Dad, eh busy ka sa negosyo mo. Ni hindi mo nga ako makumusta kahit dalawang beses man lang sana sa isang buwan. Never ka rin nagpakaama sa akin. Kaya kung sakaling itakwil mo man ako ngayon dahil sa hindi ko pagsunod sa gusto mo, tingin ko ay ayos lang sa akin since sanay na rin naman ako na parang hindi anak mo!” Matapos kong isigaw 'yun ay patakbo na akong umalis ng dining room. Bumalik ako sa kuwarto at kinuha ang suitcase ko. Nang makuha ay muli akong lumabas, pero pagbaba ko ng stairs ay nakatayo si Dad. “At saan ka pupunta?” “Kakasabi mo lang na itatakwil mo na ako. Kaya aalis na ako rito.” “Bumalik ka sa kuwarto mo.” Imbes na makinig ay nilampasan ko si Dad. Hinila ko ang maleta ko papunta sa pinto, pero nang akmang lalabas na ako ay siyang pagharang sa akin ng dalawang security guard. “Sige na, ibalik niyo sa kuwarto ang anak ko,” maawtoridad na utos ni Dad. “Yes, sir!” Hinawakan na ako ng dalawang security guard at kinaladkad na paakyat ng stairs. “Bitiwan niyo ako!” Pilit akong nagpumiglas. “Hindi sabi ako magpapakasal, Dad! Kung ayaw mo na ako maging anak, then hayaan mo na lang akong umalis!” Pero hindi na ako sinagot ni Dad. Hanggang sa tuluyan na akong naipasok ng dalawang security guard sa kuwarto ko at ni-lock ang pinto mula sa labas. Sinubukan ko pang buksan at kinalampag pero nanakit lang ang mga kamay ko. Napaupo na lang ako sa kama ko at mag-isang umiyak. Mahigit isang oras yata ang tinagal bago ko narinig ang pagbukas ng pinto. Akala ko si daddy, pero si ate ang pumasok na may dalang isang baso ng gatas. “Huwag ka nang umiyak pa, uminom ka na lang ng gatas. Ito oh, pinagtimpla kita.” Nilapag nito sa bedside table. Hindi ako umimik at pinunasan lang ang luha sa pisngi ko, hanggang sa naupo na si ate sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Don't worry, sis. I'm here, tutulungan kitang makatakas para mapuntahan mo ang boyfriend mo.” Parang bigla akong nabuhayan. “T-Talaga, ate? Totoo ba 'yan?” My sister nodded with a smile. “Yes. Mamaya kapag tulog na lahat, pupuntahan kita rito para makatakas ka. Hindi rin naman ako papayag na makasal ka kay Ralph.” Hindi ko na mapigilan ang mapangiti kahit naluluha at napayakap na rito. “Salamat, ate!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD