Jelly Anne's Point of View
“Go, Jelly! Go! Faster, babe! Faster!” sigaw ng boyfriend kong si Daniel sa hawak nitong speaker habang nakatayo kasama ng mga audience.
Hindi ko naman mapigilan ang matawa habang nagmamaneho. What a proud boyfriend. Ang cute niya talaga at napaka-supportive dahil kahit anong trip kong gawin sa buhay ay sinusuportahan niya, nariyan siya lagi na number fan ko.
Si Daniel ay dalawang taon ko nang boyfriend. We met on a dating app and nagkamabutihan kami; niligawan niya ako online, at sinagot ko naman siya agad-agad nang walang pagdadalawang isip, hindi na ako nagpakipot pa dahil type ko naman siya, he was very handsome and neat. Hindi rin magkalayo ang edad namin dalawa, ilang months lang ang tanda niya sa akin. I'm 20-year-old, and he is twenty one. And now we're studying at the same university here in Moscow, Russia. Pareho kaming pumasok sa Lomonosov Moscow State University. And yes, pareho kaming nasa medicine course, dahil pangarap namin pareho na maging isang magaling na surgeon in the future.
I was actually studying in Rome, Italy, but when Daniel became my boyfriend, naisip kong lumipat na lang dito sa Moscow nang hindi man lang nagpapaalam sa parents ko dahil mga wala naman silang pakialam sa akin; pakiramdam ko nga hindi nila ako tunay na anak, ni hindi man lang ako magawang kumustahin every month; twice a year lang yata kung kumustahin ako, at hindi man lang umaabot ng limang minuto ang call. But it's okay; at least now I'm not sad anymore, even though my family threw me away like a piece of trash. I'm happy now, dahil napakamaalaga ng boyfriend ko, I feel the love, 'yung pagmamahal na pinagkait sa akin ng pamilya ko ay napupunuan ngayon ng boyfriend ko.
“Go, babe! Talunin mo sila! Kayang-kaya mo 'yan, babylove, my future wife!” muling sigaw ng boyfriend ko.
I couldn't help but laugh while driving fast. Kahit nasa malayo ay rinig na rinig ko ang kanyang boses dahil nga may hawak na speaker. Ang cringe niya, but cute.
Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko at nilampasan ang dalawang car na nasa unahan ko. Hanggang sa tuluyan ko nang narating ang finish line at narinig ko na ang pag-anunsyo.
I won the race.
“Yahoo! That's my baby! Jelly Anne Robert! YA lyublyu tebya, detka!” my boyfriend shouted proudly again.
Nakangiti naman akong bumaba ng aking sports car, pero pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng boyfriend ko ng halik sa pisngi at diretso akong binuhat.
“Pozdravlyayu s pobedy! I'm so proud of you, babe!” he proudly shouted again. Napatawa na lang ako nang inikot ako nito pagkabuhat sa akin.
Nagsilapitan na rin ang mga reporters at pinaulanan na ako ng mga katanungan. Nasagot ko naman lahat ng mga tanong, kaya umalis na rin kami ng boyfriend ko sakay ng kanyang sports car.
Yes, nagli-live-in na kami for a year now sa kanyang condo; magkayakap kami kapag natutulog, at sabay na pumapasok sa university kapag may klase. Pero gayunpaman, hanggang kiss lang kami. Napaka-gentleman niyang boyfriend, he promised me that he will marry me someday, at saka na namin gawin ang bagay na 'yun kapag kasal na kami. How sweet and gentleman, napaka-caring din niya and loving.
“What would you like to eat for dinner, babe?” tanong sa akin ng boyfriend ko pagpasok namin sa aming condo unit.
“Beef Stroganoff,” sagot ko nang may ngiti.
“Okay, I'll cook for you. Just rest in the bedroom, alam kong pagod ka.”
Agad akong umiling. “No, I'm not tired. Sasamahan na lang kitang magluto. Wait, magbihis lang ako.”
Pumasok ako ng kwarto at nagbihis. Pero nang lalabas na ako ay siya namang pag-ring naman ng phone ko, kaya agad akong napabalik. Nang tingnan ko kung sinong tumawag ay agad na napataas ang kilay ko nang makitang si Vince ang tumawag, ang best friend ko na minsan ko na ring naging crush, pero binasted lang ako dahil may babae na raw siyang mahal.
“Yes, Vince?” I answered the phone call.
“Your father was looking for you, Jelly. He's here in your condo unit but you're not here!”
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
“What? Then anong sinabi mo sa kanya? Hindi mo naman sinabi ang totoo 'di ba?”
“Sinabi ko lang na may school trip ka at hindi ko alam kung saan. Basta sinabi kong bukas ang balik mo. Kaya dapat bumalik ka agad dito!”
Shit.
“Sige uuwi ako agad diyan, basta bago mag 12 PM bukas nariyan na ako.”
Napabuga na lang ako sa hangin at napaupo sa kama.
“Who called you?”
Nagulat pa ako nang magsalita ang boyfriend ko sa may pinto.
“My friend Vince, naroon daw si daddy at hinahanap ako! Kailangan kong bumalik ng Rome tomorrow morning bago pa ako mabuko ni Dad.”
Lumapit na ang boyfriend ko na may dala palang meryenda sa may tray.
“Okay. I'll book a ticket for you. Pero bago 'yun magmeryenda ka muna. Ako na lang ang bahalang magluto, just rest here.”
“No, babe, sasamahan kita magluto. Mas gusto ko dalawa tayo.” I stood up. Pero mabilis na nahuli ng boyfriend ko ang braso ko at hinila ako muli paupo sa kama.
“Magmeryenda muna tayo. Say ah.” Agad nitong nilapit sa bibig ko ang isang blini.
Napangiti ako at wala nang nagawa kundi kainin. Dumampot din ako ng blini na kanyang dala at sinubuan siya.
Matapos namin magmeryenda ay sinamahan ko pa rin siyang nagluto. Actually, bihira lang kaming magluto, mas madalas sa restaurant kami kumakain lalo na kapag may klase kinabukasan. Pero kapag ganito weekend naman, pinagluluto niya ako, at syempre tinutulangan ko siya. Hindi naman ako marunong magluto, pero dahil sa kanya ay natuto ako.
Matapos magluto ay masaya kaming kumain nang sabay, at nang matapos ay kanya-kanyang gawa ng kami ng aming mga assignments na dapat gawin. Mga 3 hours din ang tinagal bago kami natapos at nahiga na sa kama.
“Babe, kailan ang balik mo rito kapag nakauwi ka ng Rome?” he asked me. Pareho kaming magkayakap habang nakahiga.
“Hindi pa nga ako nakakaalis pero tinatanong mo na agad kung kailan ang balik ko.” I chuckled. “Don't worry, I'll be back as soon as Dad leaves. Hindi naman 'yun magtatagal dahil busy sa kanyang business. Baka nga may business trip lang siya sa Rome kaya dinalaw na rin niya ako. Hindi naman kasi siya 'yung tipo na mapagmahal na ama sa kanyang anak— Ah mali pala, mapagmahal siyang ama pero kay ate lang, hindi sa akin. Akala ko nga kapag bunso mas mahal ng magulang, pero kabaliktaran naman sa akin.”
Naramdaman ko na lang ang paghalik ni Daniel sa ulo ko.
“I'm here. I love you to the moon and back with all my heart.”
My heart melted. Ito ang pinakagusto ko sa boyfriend ko, alam na alam niya kung paano ako i-comfort.
“The feeling is mutual, babe. Mahal na mahal din kita,” sagot ko at sumiksik sa kanyang dibdib.
“Goodnight, babe.” Muli niya pa akong hinalikan sa noo at hinigpitan ang yakap sa akin. Hanggang sa tuluyan na kaming nakatulog ng magkayakap.
Kinabukasan ay hinatid ako ni Daniel sa airport. Hindi ko mapigilan ang malungkot habang nasa eroplano, na-miss ko siya agad-agad.
Pagdating ko sa condominium sa Rome kung saan ako nag-i-stay ay wala si Dad, bagkus ay si Mommy ang nakita kong nakaupo sa couch na nasa lobby.
“Mommy!” masaya kong pagtawag pagkakita ko rito. I missed her so much, kahit na sabihing hindi kami lagi magkasundo.
When my mom saw me, agad itong napatayo. Hila-hila ko pa ang suitcase ko nang tumakbo ako palapit dito. Sasalubungin ko sana ito ng yakap pero nagulat ako nang paglapit ko ay isang malakas na sampal ang magkasunod na tumama sa magkabila kong pisngi.
Sa lakas ng sampal ay gumawa pa ng ingay sa tahimik na lobby at napalingon pati ang dalawang babae na nasa front desk.
“M-Mom…” gulat kong usal na napahaplos na lang sa nasampal kong pisngi.
Isang nanlilisik na tingin ang binigay sa akin ni Mommy na tila galit na galit.
“Follow me,” utos nito sa akin.
Napasunod na lang ako habang hilam ang maleta ko. Pinigilan ko na lang ang paglabas ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako sinampal ni mommy, baka alam na niya ang paglipat ko sa Russia. Pero tama bang sampalin niya ako agad nang hindi man lang nagtatanong muna?
“Mommy, may problema po ba?” tanong ko pagpasok namin sa loob ng unit ko.
Hinarap ako ni Mommy at nanlilisik na muling tiningnan. “Narito kami para sunduin ka dahil gusto ng daddy mo na ipakasal ka sa kanyang business partner, kay Mr. Lambert!”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. “P-Po? P-Pero bakit po, Mom?” Marahas na akong umiling. “No! Hindi po pwedeng gawin ni Dad 'yun—”
“Talagang hindi! Dahil hindi ako nakakapayag na ikaw ang makasal kay Mr. Lambert!” galit na sigaw ni Mommy sa akin at agad na hinawakan ang mga kamay ko. “Hindi ka nababagay sa kanya, Jelly Anne. Mas bagay sila ng ate mo. Ang mas mabuti pa ay lumayas ka at huwag muna magpapakita sa Dad mo. Hintayin mong makasal muna ang ate mo kay Mr. Lambert. Do you understand?”
Mabilis akong tumango. “Gusto ko 'yang suggestion mo, mommy. Ayoko pong makasal sa ibang lalaki!”
Tumango si Mommy. “Good. Mabuti naman at madali kang kausap.” Binitiwan na ako nito at dali-daling binuksan ang kanyang handbag at naglabas ng maraming pera. “Hetong cash, pandagdag mo. Go. Umalis ka at lumayo 'yung hindi ka mahahanap ng daddy mo. Hayaan mo padadalhan pa kita ng maraming pera para mabilis mo pa rin ang mga gusto mo.”
Dali-dali na akong hinila ni Mommy palabas ng kuwarto.
“S-Sige po, mommy,” taranta kong pagtango pero agad na napahinto. “Paano po pala kung maghanap si Daddy? Hindi po kaya siya magagalit sa akin, Mom?”
“Huwag kang mag-alala, akong bahala sa daddy mo. Sasabihin kong ayaw mong magpakasal dahil nag-aaral ka pa. Kaya sige na, umalis ka na at baka maabutan ka pa rito.”
Tinulungan pa ako ni Mommy sa paghila sa maleta ko papunta sa elevator saka ako iniwan.
Hindi ko naman mapigilan ang maguluhan, matakot at kabahan.
Gusto akong ipakasal ni Dad sa kanyang business partner? For what? Nag-aaral pa ako, nasa 3rd year college pa lang sa kursong BS biology. At kahit nakapagtapos na ako ng pag-aaral, hindi pa rin ako papayag na ipakasal na lang basta sa kung sino dahil may boyfriend ako, at si Daniel lang ang mahal ko, sa kanya lang ako magpapakasal.
Naguguluhan man at natataranta ay pilit ko na lang pinakalma ang sarili ko. Tama si mommy, kailangan kong umalis.
Pagkalabas ko ng elevator sa ground floor at nagmamadali na akong lumakad sa lobby habang hila-hila ang aking malita.
Pero paglabas ko ng exit ay siyang paghinto ng isang taxi sa harap ng condominium at bumaba ang taong gusto kong takasan.
Tatakbo sana ako pero nakita na ako nito.
“Where do you think you're going, young lady?”
Napalunok ako ng wala sa oras. Naabutan nga ako.
“D-Daddy…”