NAKAUPO ako paharap sa salamin dito sa loob ng dressing room ko. Nakatitig lang ako sa reflection ko; kinayang takpan ng make-up ang malaki kong eyebag dahil sa kakaiyak. Tapos na akong ayusan at nakasuot na rin ako ng wedding gown. Yes, it's my wedding today; dumating na ang pinakamalas na araw sa buhay ko, walang iba kundi ang araw na ito. Kahit ayoko ay wala akong magawa kundi sumunod sa nais ni Dad. Kahit si ate at mommy na parehong tutol ay wala ring nagawa.
Natauhan ako mula sa aking pagtitig sa sarili ko nang marinig ang pag-ring ng phone ko. Nang damputin ko ito ay nakita kong boyfriend ko ang tumawag, si Daniel.
I just stared at my phone screen until my boyfriend's name disappeared. I smiled bitterly as my tears fell.
I was about to turn off my phone, but it rang again. Humigpit ang hawak ko, hanggang sa malakas akong bumuga ng hangin at inayos muna ang boses ko bago sinagot ang tawag.
“Babe, are you busy? I've been calling since yesterday, but you're not answering my call,” nagtatampo na bungad ng boyfriend ko pagkasagot ko ng call nito.
I bit my lip and let out a sigh. “P-Pasensya ka na, babe. M-Medyo busy lang.”
I heard my boyfriend sigh. "It's been a week now, babe. When did you come back? I've missed you. I've been worried about you; it's good that you answered my call.”
I squeezed my trembling hand. I want to tell the truth, but I can't. I will definitely hurt my boyfriend.
“Babe, ano kaya kung pakasalan mo na lang ako?” salita na lumabas sa bibig ko.
“What?” Bahagyang natawa ang boyfriend ko, pero agad din itong napatikhim. “Alam mong wala pa akong maipagmamayabang sa 'yo sa ngayon, babe. I can't spoil you; I can't buy anything you want, kapag pinakasalan kita ngayon. Pareho pa tayong nag-aaral, at umaasa lang din ako sa pera ng pamilya ko. Oo, kumikita naman ako sa pagiging extra modelo ko, but it's not enough to spoil you. Maybe when I become a successful doctor, maibibigay ko na sa 'yo ang mga gusto mo. My grandfather promised me, ipapamana niya sa akin ang pag-aari niyang ospital kapag naging ganap na doctor na ako.”
Tears fell from my eyes again. “You don't need to spoil me with luxury things. You are enough for me, babe.”
Muling natawa ang boyfriend na akala mo'y nagbibiro ako. “Babe? Are you okay? Nakakabigla na gusto mo agad magpakasal.” He chuckled.
Kunwari ay natawa na rin ako. “Ano ka ba, nagbibiro lang naman ako. I really just want to make you laugh because you've missed me. So how are you doing? Are you okay?”
“Well, I'm okay naman, kaso na-miss talaga kita. Balak ko nga umuwi rin ng Pilipinas, kasal kasi ng pinsan ko. Pero hindi ako puwedeng umuwi dahil may klase pa ako. Ikaw, marami ka nang absent, babe. Umuwi ka na rito, na-miss na kita ng sobra.”
“S-Sige… bye, babe. I love you…”
“I love you more, babe. Don't worry, pakakasalan naman kita when the right time comes. Alam mong ikaw lang ang mahal na mahal ko at nag-iisang babe ko.” My boyfriend chuckled.
Nanghihina kong ibinaba ang phone kasabay ng pagyugyog ng aking balikat at pagyuko. Tahimik akong umiyak, hanggang sa narinig ko na ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
“Ma'am Jelly, pinapalabas na kayo ng inyong ama at baka ma-late na raw kayo sa simbahan!” pagtawag ng katulong mula sa labas.
Nanghihina akong tumayo at inayos ang sarili ko.
Paglabas ko ng kuwarto ko ay naghihintay na ang pamilya ko sa baba. Pero ang tingin ni mommy and ate sa akin ay parang gusto na akong ibaon ng buhay, napakasama ng kanilang tingin, lalo na si ate na parang gusto na akong sabunutan kung wala lang si daddy.
Sumakay na ako sa bridal car at kasama ko pa rin si daddy sa loob dahil baka raw tumakas ako. Katabi ko naman si ate sa backseat, ramdam kong gusto ako nitong kausapin pero dahil kasama namin si daddy ay tanging masamang tingin na lang ang binigay nito sa akin. Malamang ay galit ito sa 'kin dahil natuloy pa rin ang pagpapakasal ko sa lalaking gusto niya. Pero tulad ko ay wala rin siyang magawa dahil si dad pa rin ang masusunod sa lahat.
“Alisin mo 'yang pagsimangot sa mukha mo, it's your wedding day, pilitin mong ngumiti kahit mahirap,” maawtoridad na utos ni Dad sa akin nang huminto na ang kotse sa harap ng malaking simbahan dito sa Makati.
Parang ayaw ko na lang bumaba, pero wala akong nagawa nang pilitin ako ni Dad.
Bumukas ang pinto ng simbahan at pumasok na kami, kasama ko si dad at mom para ihatid ako sa altar. Pero habang marahan na naglalakad ay nakatingin lang ako sa kawalan, ni hindi ko tiningnan ang groom kung anong itsura Basta tulala lang ako habang pinipigilan na pumatak ang luha sa mga mata ko, pero kahit anong pigil ko ay pumatak pa rin.
Parang ang bigat ng mga paa ko sa paghakbang habang naglalakad sa red carpet kasama ang parents ko, tila may nakalambitin na malalaking bato sa mga paa ko. I couldn't even breathe properly, pero pinipigilan ko ang mapahikbi, luha ko lang ang hindi ko mapigilan at para itong ulan na sige lang ang pagtulo.
Lumakad ako na parang katapusan na ng aking mundo, lumuluha at tulala habang suot ang aking wedding gown at hawak ang bouquet.
Nang makarating ng altar ay binigay na ako ng parents ko sa lalaking pakakasalan ko. At hinawakan naman ako nito, iniharap na ako sa altar. Ni wala na akong oras para tingnan pa ang itsura nito dahil hindi naman ako interesado. I don't want to marry him, ayoko siya maging asawa.
Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagsasalita ang pari, ni hindi ko na alam kung ano na ang mga pinagsasabi nito.
“Yes, father. I do,” walang pag-aalinlangan na sagot ng goom nang tanungin ito ng pari.
Hanggang sa ako na nga ang tinanong ng pari. Pero nakatatlong tanong ito sa akin, hindi ko sinagot. Narinig ko naman ang malakas na pagtikhim ni Dad mula sa likuran na para bang pinaparating sa akin na huwag ko siyang ipapahiya dahil malalagot ako sa kanya 'pag nagkataon.
“Jelly Anne Robert, do you take Ralph Ian Lambert to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?” pang-apat na ulit na tanong ng pari sa akin.
I bit my lip, muling tumulo ang luha sa mga mata ko habang ang tingin ko ay nanatili lang sa hawak kong bouquet na puno na ng patak ng aking luha.
“I… I do…” Kumawala na ang aking hikbi sa aking mabigat na pagsagot.
“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride,” anunsyo ng pari.
Namalayan ko na lang ang pagtaas ng groom sa belo ko. At nang maitaas ay agad nitong inilapit ang mukha sa akin, pero mabilis kong iniwas ang mukha ko, kaya tumama ang halik nito sa pisngi ko imbes na sa labi.
Hanggang sa narinig ko na ang palakpakan ng mga guest.
“Congratulations, Mr. and Mrs. Lambert!”