KUNG may masaya man sa nangyaring kasalan, tingin ko ay si Dad 'yun, dahil kitang-kita ko ang aliwalas ng mukha nito at laki ng ngiti hanggang sa magsilabasan na kami ng simbahan. Ngayon ay lulan na ako ng sasakyan kasama ang lalaking pinakasalan ko na siyang kasalukuyang nagmamaneho. Pareho kaming walang imikan, at nakatingin lang ako sa bintana, nakatulala sa labas habang tahimik na kumakawala ang luha sa mata, dumadaloy pababa sa aking pisngi. It's over now, kasal na ako sa iba at hindi ko na puwede pang ibalik ang dati. “Hindi mo man lang ba ako titingnan?” tanong ng lalaking pinakasalan ko sa akin na hindi na nakatiis pa sa katahimikan. “Para saan pa at tingnan kita, araw-araw na rin naman kita makikita dahil kasal na tayo,” walang gana kong sagot habang nanatili pa rin sa bintan