ILANG minuto pa akong nanatili sa ospital, pinanood kong kumain ng pizza ang anak ko mula sa labas ng room, pero dahil sa kakasilip ko ay nakita ako ng mommy ni Gabriel. Nag-usap kami, at mabait naman ito, kaya lang ang sabi sa akin, kung maaari ay huwag ko nang bawiin pa si Bella sa kanya dahil napamahal na siya sa bata at itinuring na niya ito na parang tunay na apo. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi nito, pabiro lang naman pero ramdam kong totoo. Gayunpaman ay nagpasalamat na lang ako sa pag-aalaga niya sa anak ko. Gabi na bago ko naisipan nang sumakay ng taxi para umuwi. Gusto pa sana akong ihatid ni Gabriel pero tumanggi ako. Around 8 PM na nang makauwi ako sa mansyon, at dahil gabi na ay nakauwi na rin pala si Ralph, pababa ito ng stairs nang pumasok ako. “Ginabi ka na sa pag-uw