HINDI alam ng katulong kung saang ospital dinala ang anak ko, kaya hiningi ko na lang dito ang number ni Gabriel. Pero nang tawagan ko ay hindi naman makontak. Kaya naisip kong sumakay na lang muli ng taxi at nagpahatid sa malapit na ospital para magbakasakali. Pagdating ko sa ospital ay agad kong tinanong sa mga nurse kung may pasyente ba silang Bella Robert ang pangalan. Pero wala raw. At nang tanungin ko kung mayroon Bella Ezchrafede, which is surname ni Gabriel, ay meron daw. Kaya naman agad kong pinuntahan ang room para makita kung anak ko ba. Pero pagdating ko sa pinto ng room ay biglang bumigat ang mga paa ko. Nang sumilip kasi ako sa loob ay naroon ang mommy ni Gabriel at malambing na kinakausap ang anak ko na nakahiga sa hospital bed. Hindi ko lang makita ang mukha pero rinig ko