KINABUKASAN ay pinasama nga ako ni Ralph sa kanya para dumalo sa 40th wedding anniversary ng kanyang parents. We arrived at the five-star hotel where the celebration was held, at marami na ang mga bisita na puro mga businessman nang dumating kami. Hindi ko mapigilan ang kabahan lalo na nang makaharap na muli ang parents ni Ralph. “Maligayang pagbabalik, hija!” His dad greeted me with a smile and hugged me. Ang kanyang Ina naman ay pormal na ngumiti sa akin at bahagya rin akong niyakap. “Hindi ko alam na nakabalik ka na pala, hija,” wika nito sa akin. “Opo, m-mommy, nung isang araw pa po ako nakauwi.” Isang tipid na ngiti lang ang isinagot nito sa akin at binaling na ang tingin kay Ralph. “Julia was here earlier, son, kaya lang umalis agad dahil ayaw raw niyang maabutan mo siya. Na