NAGISING ako nang wala na si Ralph sa tabi ko, at wala na rin ito sa loob ng kuwarto. Nang mapatingin ako kung anong oras na ay 07:21 AM na rin pala. Kahit papaano ay naging kumportable ako sa aking paggising dahil wala na si Ralph. Madaling araw na rin kasi akong nakatulog dahil hindi pa rin ako kumportable na katabi siya. And worse, niyakap pa ako buong magdamag; gusto ko mang alisin ang kanyang braso sa pagyakap, pero hinayaan ko na lang. Mas gusto kong masurpresa siya kapag nag-file na ako ng annulment. Tingnan ko na lang kung ano ang magiging reaction niya. And about the deal six years ago? No way, hindi ako tutupad sa usapan namin. Mukhang nakalimutan niya na rin yata dahil hindi na niya binanggit pa. Well, mas mabuti na rin 'yun, dahil kahit naman naalala pa niya ay hindi rin naman