WALA akong imik habang nakahiga sa kama at nakayakap sa unan, gano'n din ang lalaking katabi ko. Hindi ko alam kung tulog na ba ito o gising pa, nakatalikod kasi ako ng higa sa kanya kaya hindi ko makita ang kanyang pagmumukha kung nakamulat pa ba o nakapikit na. Pero hindi na ito gumalaw, kaya tingin ko ay tulog na. Marahan na akong lumingon. Paglingon ko ay nakita kong nakapikit na nga ang mga nito habang nakahiga ng patihaya at nakaunan pa sa kanyang isang braso ang ulo, hindi sa mismong unan; baliktad dahil 'yung kanyang mga paa ang may unan, hindi ang kanyang ulo. Ibang klase rin matulog. Inis ko itong pinukol ng masamang tingin kahit tulog na. Naiinis ako dahil pinipilit akong matulog dito sa kanyang kuwarto kahit na ayaw ko. Pero mabuti na lang ay hindi ako pinilit na gawin namin