Chapter 8

1717 Words
FAYE “Sir, ang mata mo!” malakas na sabi ko kay Sir Adi. “What's wrong with my eyes?” tanong rin niya sa akin. “Bakit nakatingin ka sa dibdib ko?” mataray na sabi ko sa kanya dahil hindi niya inaalis ang mga mata sa katawan ko. “Dibdib? Nasaan?” Nanliit ang aking mga mata dahil tingin ko'y inaasar niya ako. Itinuro ko ang tapat ng dibdib ko, pero nginisihan ako ni Sir Adi. “Yan ba? Hindi naman ganyan ang dibdib,” sabi niya sa akin. “Aba't, anong tingin mo dito?” pikon na tanong ko sa kanya. “Likuran ko po ba?” “Miss Ramos, hindi ko masasabing dibdib iyan, kasi parang bagong tubong kalabasa lang ang nakikita ko,” sagot ni Sir Adi, kaya nainsulto ako. Yumuko ako at tiningnan ang aking mga dibdib, at pagkatapos, nagtaas ako ng mukha at tiningnan ko siya sa mga mata. “Bagong tubo lang talaga ang mga dibdib ko, kasi bata pa po ako,” ayaw patalo na sagot ko. “Dammit!” narinig kong sabi ni Sir Adi. “Maligo ka na at magbihis para hindi ka lamigin.” Bigla na lang niya akong tinalikuran. Muntik pa yatang magiba ang pintuan nang isara niya, kaya naiwan akong nakatayo at nakatingin sa pinto habang sapo ng dalawang kamay ko ang aking mga dibdib. Grabe naman kung manglait si Sir Adi. Porke't mukhang papaya ang mga dibdib ng babaeng pinalayas niya kanina, kaya ang tingin niya sa akin ay katulad ng maliit na kalabasa ang mga dibdib ko. Siniguro ko na naka-lock ang pintuan dahil baka bigla na namang pumasok si Sir Adi at abutan akong hubo't hubad na naliligo. Nakakahiya kapag gano'n ang nangyari dahil hindi naman ako katulad niyang walang pakundangan kung iparada ang katawan sa harap ko. Syempre, dalagang Pilipina ako. Ang bilin ni Mama sa akin ay alagaan ko ang aking sarili ngayong mag-isa lang ako dito sa Maynila. Mabuti na lang at alam ko na kung paano buksan at isara ang shower na ginamit ko. Nakatulong rin pala ang nangyari kanina dahil nalaman ko kung paano ito gamitin. Dahil nabasa ang damit na suot ko, kaya lumabas akong nakatapis ng tuwalya at tumutulo ang basang buhok. Mabilis kong tinakbo ang pintuan at tiningnan kung naka-lock ba ito dahil magbibihis ako. Nasapo ko ang aking noo nang maalala ko na wala nga pala akong damit dito sa silid na tuluyan ko, kaya kailangan kong lumabas at kunin ang bag na dala ko galing probinsya sa sala. Dahil basa na ang damit na suot ko, kaya hindi ko na ito puwedeng suotin pa. Hindi ko rin ito malabhan dahil wala akong nakitang sabong panlaba at batya sa loob ng banyo, kaya tanging ang puting tuwalya lang na gamit ko ang takip sa katawan ko. Dahan-dahan at maingat na binuksan ko ang pintuan, at pagkatapos, sumilip ako sa labas para malaman kung nandito pa ang amo ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko siya nakita. Kahit nakapaa, kumaripas ako ng takbo papunta sa sala para mabilis makabalik at hindi ako makita ng boss ko na ganito ang ayos ko. “Ouch! What's wrong with you?” malakas na sigaw ni Sir Adi nang bumangga ako sa kanya. “Why are you running?” Hindi ako nakasagot agad dahil sumubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib at nagkadikit ang aming katawan. Wala rin siyang damit pang-itaas at tanging boxer ang suot, habang ako naman ay tuwalya lang ang nakabalot sa aking kahubaran. “Okay ka lang ba, Miss Ramos?” muling tanong ni Sir Adi. “Ha? Ako? Ah, oo! Ayos lang po ako!” nakapikit na sagot ko dahil nakadikit ang aking pisngi sa malapad na dibdib ng amo ko. Ang bango niya, kaya inamoy ko muna. Daig pa ako na kahit bagong ligo ako ay amoy shampoo lang, pero siya, amoy fresh pa rin kahit hindi ako sigurado kung naligo na ba siya. Natauhan ako nang maramdaman kong nakapulupot ang braso niya sa bewang ko. Napagtanto ko ito nang humakbang ako paatras, pero hindi ko nagawang makalayo sa kanya dahil nakahawak pala siya sa katawan ko. “B-bitiwan mo po ako, Sir,” kinakabahan na pakiusap ko sa kanya. “Alright.” Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong inalis niya ang nakayakap na braso sa bewang ko. “Bakit ka ba tumatakbo ng nakahubad?” Lumunok muna ako bago sumagot at nag-iwas ng tingin dahil nahihiya ako sa kanya. “Wala po kasi akong dalang damit doon sa silid na binigay mo sa akin, Sir, kaya kukunin ko po ang bag na dala ko sa sala para makapagbihis na po ako,” nahihiyang paliwanag ko. “Go, magbihis ka na.” Tanging ito ang narinig ko mula sa aking amo. Naglakad na siya papunta sa kanyang silid at pagkatapos, mabilis niyang binuksan ang pintuan at sinara ito, kaya nawala siya sa paningin ko. Naiwan tuloy akong tulala at nakatayo dito sa gitna ng hallway. Daig ko pa ang napako sa kinatatayuan ko, kaya hindi ako makagalaw hanggang sa tuluyan ko nang hindi nakita si Sir Adie. Hiyang-hiya ako sa nangyari. Quota na ako sa kapalpakan, pero mabuti na lang at hindi niya ako pinalayas at pinagtabuyan. Alam kong ako ang dahilan kaya naka-boxer si Sir Adi nang mabangga ko siya kanina dahil nabasa rin ang damit na suot niya kanina nang buksan ko ang shower. Paalis na sana siya kanina, pero dahil sa nangyari, ay hindi natuloy ang boss ko. Matapos makuha ang dala kong bag sa sala ay bumalik agad ako sa silid na tinutuluyan ko para magbihis. Inayos ko sa loob ng isang cabinet ang mga damit na dala ko. Kaunti lang ang mga ito at hindi man lang nakalahati ang malaking lagayan. Hindi rin kasi ako nagdala ng maraming gamit dahil nakakahiya kung dadalhin ko pa ang mga lumang damit na pambahay ko sa amin. Matapos magligpit, lumabas na ako ng silid para maglinis. Nakakahiya kasi kung wala akong gagawin ngayong araw. Baka isipin ni Sir Adi na tamad ako, kaya minabuti kong magwalis sa buong kabahayan kahit mukhang malinis naman dito at walang alikabok. Nagwawalis ako sa hallway nang bumukas ang pintuan. Lumabas si Sir Adie at mukhang aalis na ang aking amo dahil nakabihis na siya. “You don't have to clean the house. May katulong ako dito at siya ang maglilinis. All you have to do is take care of my daughter. Sa kanya lang dapat ang atensyon mo. Huwag kang humawak ng basahan at kung ano-ano para malinis ka, pati ang mga kamay mo.” Ang haba ng sinabi ni Sir Adi, pero isa lang ang naunawaan ko. Ibig sabihin, hindi pala ako gagawa ng gawing bahay at tanging ang anak lang niya ang aalagaan ko. Matapos naming mag-usap, umalis na si Sir Adi. Naiwan akong mag-isa dito sa malaki niyang bahay. Ang ganda ng buong kabahayan, pero nakakatakot sumilip sa labas dahil purong salamin ang dingding. Napakataas ng lugar na kinaroroonan namin, kaya hindi ako nagtangkang lumapit sa balkonahe dahil natatakot ako na baka mabasag ang mga dingding. Siguradong hindi na ako makikita ng aking pamilya na buhay kapag bumagsak ako sa lupa, dahil siguradong lasog-lasog ang aking katawan kapag nalaglag ako mula sa bahay ni Sir Adi. Erase! Hindi pa ako puwedeng mamatay dahil marami pa akong pangarap sa buhay. Iiwasan ko na lang ang lumapit sa dingding dahil natatakot ako na baka mabasag iyon. Dahil wala naman akong gagawin, kaya kumain na lang ako. Tanging tinapay ang kinain ko dahil natakot akong buksan at gamitin ang kalan dito sa bahay ni Sir Adi. Sinubukan ko kasi itong buksan, pero komplikado pala, kaya hindi ko na ginamit para hindi ko masira. May nakita rin akong kanin at tirang ulam dito sa kusina, kaya ito na lang ang kinain ko, at nabusog ako. Hindi na ako nakialam sa mga gamit ni Sir Adi dito sa bahay. Matapos hugasan ang mga pinagkainan ko, umupo ako sa sofa, pero dahil busog ako, nakatulog agad ako. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog dahil nagising ako nang marinig ko ang tinig ng batang umiiyak sa paligid ko, kaya nagmulat agad ako ng aking mga mata. Isang may edad na babae ang nakita kong kalong ang isang bata at marahang sumasayaw para patahanin ito. Hindi ko alam kung kailan sila dumating, pero isa lang ang sigurado ako, at iyon ay naabutan nila akong natutulog ng mahimbing dito sa sofa. Pero hindi nila ako ginising. Bumangon ako at umayos ng upo. Ngumiti naman sa akin ang babae at bahagyang iginala ang paningin sa buong paligid. “Pasensya na kung nagising ka, Miss. Mukhang ayaw pa kasing matulog ng batang ito, kaya walang tigil sa pag-iyak,” paliwanag ng babae. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na para malapitan ko ang batang pinagmamasdan ko. Humakbang ako palapit sa kasambahay dahil malakas ang hinala ko na siya na ang sanggol na aalagaan ko. “Anak po ba siya ni Sir Adi?” nakangiting tanong ko sa babaeng kasama ko dito sa bahay. “Oo, Miss,” mabilis na sagot ng babae sa akin. “Puwede ko ba siyang hawakan?” nahihiyang tanong ko sa babae. “Ayos lang ba sa iyo?” tanong niya sa akin, kaya tumango agad ako at sinabi ko sa kanya na ako ang magiging yaya ng batang buhat niya. Binigay sa akin ng babae ang sanggol, kaya marahan ko siyang isinayaw-sayaw habang kumakanta ng pambatang awitin na nakagisnan ko sa probinsya. Natuwa ako nang tumigil sa pag-iyak ang bata at hindi na rin kumakawag ang mga kamay at paa. “Ang galing mo naman. Napatahan mo agad si Baby Janica, samantalang tatlo na kaming nagpalitan sa pagbuhat sa kanya kanina, pero umiiyak pa rin siya,” sabi sa akin ng kasambahay ni Sir Adi. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi habang nakatitig sa batang nasa mga braso ko. Ramdam ko na espesyal siya at matalino, dahil tumigil agad siya sa pag-iyak nang isayaw ko. Ang ganda rin ng kanyang mga mata, kaya hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko tuloy napansin ang isang pares ng mga matang nakatingin pala sa akin at pinapanood ako habang kumakanta at sumasayaw pa, para lang huwag nang umiyak si Baby Janica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD