Khylle's Pov: Tila natulos ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang pakiramdam ko. Sa loob ng ilang sandali ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanginig ang labi ko kasabay ng panginginig ng kamay kong nakahawak sa tainga. Ito ang kauna-unahang nakahawak ako ng parte ng katawan ng isang tao. At hindi lang iyon basta parte ng katawan ng isang tao, mula iyon sa isa sa mga biktimang ilang taon nang nawawala at nasisiguro kong ginamitan iyon ng kung anong kemikal kaya buo pa din iyon hanggang ngayon. Ni hindi nga nangangamoy at wala pang bahid ng pagkabulok. "Miss Madrigal..." Nathan called me. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagkuha ni Nathan sa bagay na hawak ko. Nakita ko pa ang paglalagay ni Nathan sa tainga sa trasparent plastic na hawak n'ya. "Mr. Amorsolo," muling tawag ni