Khylle's Pov: Ramdam na ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko. Maging ang noo ko ay kanina ko pa pinupunasan dahil hindi iyon mawalan ng butil ng pawis. Nanlalamig din maging ang magkabilang tainga ko kaya kanina ko pa hinahawakan ang mga iyon para kahit paano ay mainitan. Magkahalong lamig at init ang nararamdaman ko at hindi din nakatulong ang lamig na inilalabas ng aircon ng sasakyan ni Detective Joseff, mas naging uneasy ang pakiramdam ko. Masyadong mabilis ang pangyayari. Matapos naming mabuksan ang package ay kaagad na kumilos ang buong department. Ang daming tanong ni Brixx ngunit walang nasagot sa mga iyon. Hindi ko alam kung paano nagawang alamin ni Detective Joseff ang mga item na nasa loob ng museum, isa lang ang sigurado ko, ginamit ng lalaki ang koneksyon n'ya. Sa loob