Khylle's Pov:
Nakaismid na nagmamasid lang ako habang abala ang mga kasama ko dito sa silid sa kung ano-ano. Pakiramdam ko nga ay isa lang akong saling-pusa na itinapon sa kulungan ng mga leon.
Mga leong walang pakialam sa paligid at kasama nila.
Nangalumbabang sinundan ko ng tingin ang kilos ng mga detective. Wala silang suot na uniporme at hindi nagkakalayo ang mga edad at kung wala nga lang sila dito sa loob ng department ay hindi sila mapagkakamalang mga alagad ng batas.
Matapos nila akong tawagin para pumasok dito sa loob at bigyan ng magiging table ko mula sa araw na ito ay nagsimula na silang mag-ayos ng mga folder na sila din ang may dala. Ang iba nga doon ay puro alikabok na at halatang niluma na ng taon.
Cold cases. Iyon ang mga kasong tututukan ng department na ito at ngayon ay assignment ko din ngunit hindi talaga ako sigurado kung may mangyayari sa pananatili ko dito.
May mga tinatawag na cold cases dahil walang paraan para lutasin ang mga iyon. Salat sa impormasyon at maaaring imposible ding malutas.
Napailing na lang ako at umayos sa pagkakaupo. Pupusta akong hindi magiging madali ang trabaho ko mula sa araw na ito. Lalo pa at hindi maganda ang unang beses na interaksyon namin ng detective in charge.
Muling bumalik ang mga mata ko sa mga kasama. Hindi lang naman ako nakatunganga sa kanila. Nagmamasid din ako kaya kitang-kita ko ang mga kasong iimbestigahan muli ng department, ranging 2010-2015.
Kung tutuusin limang taon lang iyon pero napakadami ng mga kasong isinara lang at hanggang ngayon ay nananatiling cold case. At sigurado din akong ang mga folder na hanggang ngayon ay inililipat nila dito mula sa pinagkuhanan nila ay sobrang dami.
Tumutok ang mga mata ko sa bunton ng mga folder na nasa sahig at ang iba ay nasa ibabaw pa ng lamesa. May mga kahon din na naglalaman ng iba pa.
Kung sakaling malutas ang lahat ng mga kasong nakikita ko ay nasisiguro kong hindi lang isa, dalawa o tatlong exclusive ang makukuha ko. Kasabay niyon ay hindi mabilang na oportunidad at syempre pa ay ang promotion.
Agad na nangislap ang mga mata ko sa naisip. Ayoko mang mag-isip ng mga bagay na hindi pa nangyayari ay hindi ko naman iyon maiwasan.
Nangangati tuloy ang kamay kong buklatin ang laman ng bawat folder. Panigurado, napakadaming exclusive niyon!
Kung hindi nga lang dahil sa embargo ay sinilip ko na ang mga iyon kahit pa magalit ang masungit na detective. Hindi ko lang talaga maintindihan ang mga nasa posisyon, kung bakit kinailangan pa nilang ipatupad ang embargo.
"Team," tawag ni Detective Joseff sa mga kasama.
Kahit ako ay napalingon sa supladong detective. Ganoon pa din ang itsura n'ya katulad kanina, para pa din s'yang pinagsakluban ng langit at lupa at tila pasan n'ya ang lahat ng problema sa mundo.
Mabilis namang kumilos ang apat. Agad na hinila nila ang white board na nasa gilid ng silid papunta sa harapan ng mahabang lamesa na nasa kanang bahagi naman ng silid. Agad na naupo sila sa mga uouang nandoon
"Ms. Reporter, halika dito. Kasama ka na namin mula ngayon kaya sa lahat ng meeting ay kailangang kasama ka na din." Ren asked me to join them.
Alanganin akong lumapit sa kanila. Naupo ako sa bakanteng upuan nang walang marinig na reklamo mula kay Detective Joseff. Tiningnan ko s'ya at hinintay ang patutsada n'ya pero wala akong narinig.
"We'll start with this case". Ni hindi pinansin ni Detective Joseff ang ikinilos ko. Inilagay n'ya sa lamesa ang ilang folder.
Agad na kinuha iyon ng mga kasama n'ya. Nanatili lang akong nakamasid. Alam ko namang kasama nga ako sa imbestigasyong ito pero alam ko ding wala akong gagawin kundi makinig. Lalo na at arogante ang detective in charge. Idagdag pa ang pagiging topakin n'ya, baka wala akong makuhang exclusive kapag nag-clash kami.
"Oh? Ang kasong ito?" Silver eyed his teammates. "Iyong sikat na kaso ng burglary noong 2014."
"Pero ang kasong ito..." Si Ren habang nakatutok ang mga mata sa hawak na folder. "Walang kahit anong lead. Ayon sa report, mahigit isang buwan itong tinutukan noon pero wala silang nakuhang ebidensya. Ni kahit katiting na magtuturo sa kahit sino ay wala sang nakita. Para tayong itinapon sa apoy na walang dala kahit ano."
"Isa pa, nangyari iyan sa loob ng isang exclusive na village. Lahat ng madadamay sa kasong iyan, siguradong mayayaman. Paano natin mare-resolba ang kasong 'yan nang hindi tayo papakialaman ng mga nasa itaas?" Nathan asked.
Bahagyang nagkatinginan ang mga lalaki. Mukhang hindi lang ako ang kailangang mag-ingat, maging ang mga kasama ko dito sa silid ay ingat na ingat na may ibang masabi. Hindi ko din naman alam kung ano ang kwento ng pagkakabuo ng team nila kaya hindi ako nagkomento. Isa pa ay wala din naman akong sasabihin.
Tinampal ni Austine ang lamesa n'ya. "Binigyan ng prosecution ng karapatan ang bawat prosecutor na naka-assign sa mga cold cases na mag-indict ng kahit sinong may kasalanan sa batas, regardless of their power and worth. Ibig sabihin ay pinapayagan nila tayong gawin ang trabaho natin nang hindi inaalala ang kahit ano."
Nick chuckled. "Pinayagan nila iyon dahil alam nilang wala tayong magagawa sa mga kasong ito. Wala tayong makukuhang kahit anong ebidensya na makakapagturo sa suspek. Kumbaga, nagpabango sila sa mga tao, pero tayo ang haharap sa publiko. Malinis sila at tayo ang sasalo sa kapalpakan. Tayo ang masisisi sa oras na pumalpak tayo."
"Susundan natin ang nakaraang imbestigasyon ng kasong ito," Detective Joseff said. "Hihimayin natin ang bawat impormasyon at hahanapin natin kung saan nagkamali ang nakaraang imbestigasyon. Hindi tayo titigil hanggang sa may makita tayong maaaring maging lead."
Nanatili lang akong nakikinig sa kanila. Nagte-take din ako ng notes.
Hindi ko nga lang maiwasan na hindi pansinin na mukhang lahat yata sila ay nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon, hindi ko sigurado pero mukhang may kwento sa likod ng bawat isa sa kanila.
"Inaasahan ko naman na sa ganito tayo babagsak pero hindi pa din ako makapaniwala na nagsisimula na ang kalbaryo ng buhay natin," turan ni Ren at nag-unat ng mga braso.
"Ibig sabihin niyon ay mas kailangan nating patunayan sa mga nakakataas na maso-solve natin ang mga kasong hahawakan natin. We'll make them regret that they gave us such power," determinadong sabi ni Detective Joseff.
Walang nagawa ang mga kasama n'ya kundi ang pagtuunan ng atensyon ang folder na hawak nila. Ang unang kasong huhukayin nila.
"Limang bahay ang nawalan ng mga gamit. Alahas, papeles at pati mga branded na damit. Nangyari ang bawat panloloob sa loob ng dalawang linggo. Sa unang linggo ay tatlong bahay ang nilooban." Idinikit ni Detective Joseff ang larawan ng tatlong bahay sa white board, pagkatapos ay ang dalawa pang larawan.
"Nang sumunod na linggo ay ang huling dalawa. Nangyari ang panloloob sa iba't-ibang araw pero walang nakakaalam kung anong eksaktong oras nangyari iyon. At dahil walang nakakaalam na may nanloob, isa o ilang araw pa bago nalaman ng mga biktima na nalooban sila." Detective Joseff paused a bit.
"Natapos ang panloloob sa pang-limang bahay. Walang sign na may force entry. Wala ding kahit anong finger prints na nakita sa pinto, gate, o mga bintana, pati sa mga pinaglalagyan ng gamit. Malinis ang pagkakanakaw ng mga nawawalang bagay. Walang nakita sa cctv's o kahit sa black box ng mga sasakyan."
Napakamot na lang ang mga kasamahang detective ng lalaki.
Kinuha n'ya ang marker at nagsulat sa white board. "Walang malinaw na lead, kaya lumiko ang imbestigasyon sa common denominator na mayroon ang mga bahay na iyon. Walang iba kundi ang pagkakaroon ng party at personal gathering. Ang House number 2, 4 at 5 ay nagkaroon muna ng party, ang House number 1 at 3 naman ay nagkaroon ng private gathering. At lahat sila, saka lang nila nalaman na may nawawalang gamit sa kanila pagkatapos ng isa o ilang araw pagkatapos ng mga pagtitipong iyon."
"Ayon din sa report na ito..." Ren continued. "Dahil sa walang nakitang senyales na may force entry sa bawat bahay, maaaring ginamit ng suspek ang mga pagtitipong iyon para malayang maisagawa ang plano n'ya."
Detective Joseff agreed. "Yeah. Unang pinaghinalaan ng nakaraang imbestigasyon ang mga bisita. Pero wala silang nakitang makakapagturo sa kahit isa sa mga 'yon. Lahat ay may alibi at sa dami niyon, nahirapan silang makuha ang statement ng lahat ng mga iyon. That's the reason kung bakit ang naging conclusion nila ay ang suspek ay miyembro ng isa sa mga pamilyang nanakawan. Kahit noon at hanggang ngayon, dito tayo itinuturo ng imbestigasyon. Hindi nga lang ako papayag na hindi natin matapos ang kasong ito. What do you think, Nathan?"
Ikiniling ni Nathan ang ulo n'ya.
"Malaki ang posibilidad but..." Nathan pointed a pen to some part of the paper he's reading. "Base sa statement ng family members ng limang bahay, lahat sila ay may alibi at tumutugma ang alibi nila sa bawat isa."
Tumango si Detective Joseff. "What do you think about the suspect?" He draw a question mark sign in a middle of the white board.
"A close acquintance of each house' family member. Walang force of entry, at kung nangyari nga ang bawat pagnanakaw sa oras ng gathering, masasabi kong masyado s'yang malapit sa pamilya ng mga nawalan ng gamit. Sobrang lapit to the point na imbitado s'ya sa lahat ng party at alam n'ya ang bawat sulok ng bahay na pinasok n'ya. May kakayahan s'yang maglabas-pasok anumang oras gustuhin n'ya," paliwanag ni Nathan.
Nagtaka pa nga ako kung bakit s'ya ang tinatanong ni Detective, saka ko lang naalalang profiler nga pala s'ya at isa sa trabaho n'ya ay ang pag-aralan ang profile ng mga kriminal o ang mismong krimen.
Natahimik ang lahat. Naiiling na namaywang si Detective Joseff.
"Dito tumigil ang nakaraang imbestigasyon kaya agad na naisara iyon. Malinis ang krimen. Walang kahit anong lead at ang tanging ebidensya ay ang mga nawawalang gamit pero wala ding lead na magtuturo kung nasaan ang mga iyon." Hinarap n'ya ang profiler ng team. "Anong masasabi mo sa mental state ng suspek?"
"Base on the past investigation and ours, the suspect is a well-organized person. Malinis s'yang magtrabaho at nasisiguro kong naitago n'ya nang maayos ang mga nawawalang gamit. He's a perfectionist but the current situation..."
"Anong sitwasyon?" Silver asked.
"The change in the system, the extension of statue of limitation..." Nathan answered. "Sa pagkakagawa n'ya sa krimen, natitiyak kong hindi n'ya ililipat ang mga bagay na ninakaw n'ya. Matalino s'ya, hindi n'ya ite-take ang risk na itago sa ibang lugar ang mga stolen item but this situation, kahit gaano s'ya
ka-organize, it will make him a bit impulsive at nasisiguro kong due to panic, i-che-check n'ya ang mga item na kinuha n'ya para tingnan kung may nawawala ba o kumpleto pa..."
"At posibleng mag-iwan s'ya ng bakas sa mga stolen item na magtuturo na s'ya ang suspek..." Detective Joseff continued.
"A fingerprint, or kahit anong DNA n'ya..." Tumatangong sabi ni Ren. Parang lahat sila ay nabuhayan ng pag-asa.
"So... Ang kailangan nating hanapin ay ang mga stolen items, iyon ang magtuturo sa suspek. At ang tanging ligtas na pagtataguan ng mga iyon ay ang alin man sa limang bahay na ito," sabi ni Detective Joseff."
"Paano kung hindi?" Parang gusto kong magpalamon sa lupa nang tingnan nila akong lahat. "Bored lang naman ako kaya kung ano-anong lumalabas sa makasalanan kong bibig."
Nag-peace sign ako. Napangiwi pa ako nang tingnan ako ng matalim ni Detective Joseff. Halatang may trust issues ang lalaki, naman oh!
Hindi n'ya ako pinansin at hinarap ang prosecutor. "Austine, magagawa ba nating makakuha ng search warrant sa bawat bahay?"
Austine tsked. "Mahihirapan tayo dahil ginawa na din 'yan ng detective in charge noon, hindi ba? Pero wala silang nakita. At hindi basta-basta ang mga pamilyang nasa bahay na 'yan... But susubukan ko." Iyon lang at tumayo na s'ya. Kinuha n'ya ang mga gamit n'ya at lumabas ng silid.
"Alright, Ren and Nathan, you'll be on stakeout. Pag-aralan n'yo ang paligid at tingnan kung may kakaibang ikinikilos ang mga nakatira sa bawat bahay na iyon. Silver, subukan mong kunin ang mga kopya ng public cctv's sa area. Kung walang nakita noon, nasisiguro kong may makikita tayong pagbabago ngayon kahit gaano iyon kaliit," Detective Joseff commanded his team.
Mabilis na kumilos ang mga kasama n'ya at lumabas sa silid. Ako lang ang naiwan kaya wala akong nagawa kundi lapitan si Detective Joseff.
"How about me?" Turo ko pa sa sarili ko.
Nilampasan n'ya ako at dinala ang mga folder sa lamesa n'ya. "Cold cases ang tututukan ng team kaya kung gusto mong maging updated, may staff lounge sa harap ng silid na ito. Madalas ay hindi kami umuuwi para sa mga kasong ito. Kung ayaw mo naman, bahala ka. Isa pa, included ka lagi sa imbestigasyon but it's up to you kung sasama ka pati sa field, pero hindi ka na namin kargo kung magkaroon ng komosyon at tamaan ka ng ligaw na bala." Saglit na tiningnan n'ya muna ako bago walang sabi-sabing lumabas ng silid.
Inis na nahabol ko na lang ng tingin ang lalaki. I cursed him on my mind.
Ligaw na bala? Akala ba n'ya ay matatakot ako dahil lang doon? Madalas akong nasa field at kahit pagputok ng bulkan ay nagawa ko nang i-cover!
S'ya nga ang dapat matakot sa akin dahil baka sa inis ko sa kanya ay barilin ko na lang s'ya!
Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ang superior ko.
"Hello? Anong nangyayari na d'yan? May problema ba, Khylle?" kaagad na tanong ni Captain Brixx.
Ngumuso ako. "Sigurado ka bang ako ang reporter na ilalagay mo sa presintong ito? Baka naman gusto mo akong i-assign sa ibang presinto?"
"And why?" he asked back. "May naging problema ka ba dyan? Hindi pa nangangalahati ang araw mo sa presintong iyan."
Bakit nga ba? Hindi ko naman pwedeng sabihin na nabibwisit ako kay Detective Joseff Cortez. Napaka-unprofessional ko naman kapag iyon lang ang dahilan ko kahit na iyon naman talaga ang rason ko.
Napahinga ako nang malalim at umiling kahit pa hindi naman n'ya iyon nakikita. "Nevermind."
"Are you sure?"
"Yeah."
"Alright. Stay safe and be discreet, okay?
"Noted," I said before ending the call.
❤