Chapter 2- Cold Cases Division

1092 Words
Khylle's Pov: Sinilip ko muna ang presintong nakatalaga sa akin bago ako tuluyang bumaba sa taxi. Inayos ko ang bag ko at ID. Mahigpit na hinawakan ko ang journal. Sisiguraduhin kong pupunuin ko ang bawat blangkong pahina nito. Dumiretso ako sa loob ng presinto. Tama nga si Captain, hindi normal ang kaguluhang mayroon dito. Lahat yata ng pulis ng kung ano-anong departamento ay may kanya-kanyang inaasikaso. Lahat sila ay may mga hawak na papeles. "That useless crookheads!" Muntik pa akong matabig ng isang matangkad na lalaking nagmamadaling pumasok sa loob. Napailing na lang ako at dumiretso sa information desk. "Hi Mr. Officer, KST's reporter," sabi ko at ipinakita ang ID. Napailing lang ang officer at itinuro ako sa pasilyo. "Kanan sa dulo." Nagkibit-balikat na lang ako. Sa propesyon namin, sanay na ako sa mga ganitong trato. Police hates the media. Dahil itinuturing nila kaming pakialamero kahit pa ginagawa lang namin ang tungkulin namin. Dumiretso lang ako sa hallway at tumigil sa pintong may "Cold Case Department" sa itaas nito. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang silid na may anim na lamesa yata. Bawat lamesa ay may mga tambak na papeles. May malapad na white board din sa gilid ng nag-iisang lamesa sa may bintana. "Oh, ikaw ang reporter para sa department namin?" Salubong sa akin ng isang police officer. Tumango lang ako at ipinakita ang I.D. "Ako si Ren, sila sina Nick, at Silver." Pinakilala n'ya ang mga nasa silid. "Hi, Ms. Reporter!" Kumaway at tumango ang mga pinakilala n'ya. "And that's the detective in charge..." Turo ni Silver sa kakapasok pa lang na lalaki na may kasunod pang isang lalaki. Nangunot ang noo ko nang makilala ang lalaki. S'ya ang muntik nang makatabig sa akin kanina. That height and wide shoulder, sigurado ako. "Detective..." Tiningnan ko ang ID na na nasa kanang dibdib n'ya. " Joseff, I'm KST's reporter." Ipinakita ko ang ID ko. Natigilan nga lang ako nang makita ang ilang pangalang nakasulat sa folder na dala n'ya. Agad na tinakipan n'ya iyon at tiningnan ako. "What are you doing here again?" Matangkad s'ya kaya normal lang sa akin na tumingala sa kanya. "Huh?" "Maaari ka nang lumabas. Hintayin mo na lang na tawagin ka. May upuan sa labas." Iyon lang at nilampasan n'ya na ako. "Sandali!" Nag-iinit ang ulong pigil ko. "Nandito ako para sa pag-iimbestiga sa mga cold cases na ibinigay sa department n'yo. Kaya nandito dapat ako at kasali sa kung anumang pag-uusapan n'yo," sabi ko pa at tiningnan ang bunton ng folder sa table. The arogant detective chuckled. "Look, Miss Reporter, sa'yo na nanggaling na kasama ka dapat sa kung anumang imbestigasyon na gagawin namin. Pero gusto ko lang sabihin sa'yong hindi lang karapatan naming magbigay ng embargo ang mayroon sa sitwasyong ito. Kundi ang magkaroon ng pribadong meeting bago magsimula ng kung anumang imbestigasyon. Ngayon kung naiintindihan mo na, out!" Dumiretso s'ya sa white board at inilapit iyon sa lamesa n'ya. Mabilis na naglapitan naman sa kanya ang mga kasama n'ya. Inis na tinungo ko na lang ang pintuan at lumabas. Hindi ko nga lang tuluyang isinara ang pinto. Nagkunwari akong umupo pero mabilis din akong kumilos. Palihim na sumilip ako at pinakinggan ang pinag-uusapan nila. "Here..." Simula ng masungit na detective. Tinapik n'ya ang mga folder na nasa lamesa n'ya. "Ito ang mga cold cases na kinakailangan nating maresolba agad. Nasisiguro kong lahat kayo ay gustong makabalik sa mga departamento n'yo kaya inaasahan ko ang pagtutulungan sa mga kasong ito." Tumango naman ang mga kasama n'ya. "Sir, paano pala tayo magsisimula kung wala tayong lead sa mga kasong 'yan?" Namomroblemang ang mukha ni Nick. Detective Joseff sighed. "We're going to use the governments support. We'll do profiling and get the help of someone from Ildefonso's Forensic Institute..." He paused. Itinuro n'ya ang kasama n'yang pumasok kanina. "He's James Nathaniel, and he'll be our profiler." Sumaludo naman ang lalaking pinaglihi yata sa smiley. "How about the warrants, Sir?" "The prosecution promised us to send someone to do that kind of work. Nakikipagtulungan din sila sa husgado," Detective Joseff answered. Tila nabuhayan naman ng loob ang mga kasama n'ya. "Pinabango lang nila ang term. Syempre, na-extend ang statue of limitation ng mga krimen at kasong tinatapakan ang human rights na idinahilan nila. Kung tutuusin, lahat naman ng krimen gaano kaliit, nakakaapekto sa human rights..." Naiiling na komento pa ni Ren. "Uunahin natin ang mga unsolved cases na magpapakalma sa publiko. Ang mga kaso noong 2012". Itinaas ng lalaki ang isang may kakapalang folder. "And these, ihuhuli natin ito dahil sa ngayon, mas makakasama sa kapulisan ang ganitong uri ng kaso. Hihintayin nating kumalma ang publiko bago simulan ang imbestigasyon tungkol dito." Pinaningkit ko ang mga mata ko para makita ang nasa gitna ng folder. The Elite's Murder Case, 1996. Hindi ako maaaring magkamali. Pakiramdam ko ay alam ko ang tungkol doon. Pamilyar din sa akin ang kasong iyon, hindi ko nga lang maalala kung saan ko nabasa iyon. Mabilis na isinulat ko iyon sa journal ko. Kakatapos ko lang isulat iyon nang bigla na lang may naramdaman akong pagtulak sa likod ko. Nakaupo ako kaya nawalan ako ng balanse. Napapikit na lang ako nang maitulak ko ang pintuan. Tuluyan iyong nabuksan. Napatayo agad ako at nag-peace sign sa mga lalaking gulat na nakatingin sa akin ngayon. "Who's this girl?" maarteng tanong ng babaeng pumasok sa silid. S'ya din ang taong tumulak sa akin. Nang tingnan ko ay saka ko lang na-realize na pamilyar s'ya sa akin, parang nakita ko na, hindi ko lang matandaan. And she's a prosecutor! Nagsasalubong ang mga kilay ni Detective Joseff na lumapit sa akin. Ikiniling n'ya ang pinto at mabilis na lumabas. Wala akong nagawa kundi sumunod sa lalaki. Hindi naman s'ya lumayo. Gusto n'ya lang talaga yata akong paalisin sa silid. Agad na humarap s'ya sa akin. Napahaplos pa s'ya sa likod ng ulo n'ya. "I thought I'm clear with what I've said earlier. Wala pa kaming sinisimulang kaso kaya hindi ka namin kailangan sa loob. Sinabi ko ding tatawagin ka sa oras na simulan namin ang kung anumang imbestigasyon!" Tabingi ang ngiting itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Kalma lang, wala naman akong masamang intensyon. I'm just curious." Palusot ko pero mas mukhang sumama ang timpla ng mukha n'ya. Humakbang s'ya palapit sa akin. Hinawakan n'ya ang I.D ko at tiningnan iyon. "Do you know what I hate the most Ms. Madrigal?" Lumapit pa s'ya at bumulong sa taynga ko. "A. Nosy. Reporter." ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD