Khylle's Pov:
"Tito, aalis na ako!" Natatarantang paalam ko at mabilis na lumabas ng restaurant. Kumuha lang ulit ako ng gamit pero hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Kung idlip bang matatawag ang dalawang oras.
Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako ngayong araw na ito o sobrang hindi ko talaga magawang tanggapin ang sitwasyon ko ngayon.
Dapat siguro ay nag-extend na lang ako ng vacation leave. Mas prefer ko pang akyatin ang buong kabundukan ng Sagada kaysa magtrabaho ngayon.
"Khylle!" Humahangos na humabol sa akin si Tito Colorado. Mabuti na lamang at hindi pa ako nakakasakay sa katitigil pa lang na taxi kaya naabutan n'ya ako.
"Kumain ka nang maayos. Mukhang mas malala ngayon ang trabaho mo, ah! Kapag nagkaroon ako ng oras ay dadalhan kita ng mas maraming gulay at prutas sa trabaho mo," dagdag pa n'ya.
"Salamat Tito pero baka hindi mo ako makita sa opisina." Kinuha ko na lang ang bento box na bigay n'ya at agad na sumakay sa taxi.
Pinigilan ni Tito Colorado ang pagsara ng pinto ng taxi. "Huh? Bakit? Madalas ka bang nasa field ngayon?"
Napahinga ako nang malalim. "Sa presinto po ako naka-assign simula kahapon. Kumuha lang talaga ako ng gamit pero nakaidlip ako. At baka hindi ako makauwi lagi, Tito."
Napatango na lang si Tito. "Ganoon ba? Kung ganoon ay mag-iingat ka lagi at kung may iba ka pang kailangan ay tawagan mo lang ako at ako na ang bahalang magdala sa 'yo ng kahit ano."
"Thank you, Tito," I thanked him before closing the taxi's door. Agad na sinabi ko sa driver ang destinasyon ko at kaagad na umandar ang sasakyan.
Napapikit na lamang ako sa sobrang pagod nang makalayo ang taxi. Parang gusto ko na ngang ipagdasal na sana ay maipit ako sa trapik para kahit paano ay makapahinga ako. Ngunit sigurado akong maaari ding masermunan ako ng detective in charge. Hindi man n'ya pinapansin ang mga kapalpakan ko ay umiiwas pa din ako sa maaaring sabihin n'ya lalo na at superior ko s'ya ngayon.
Limang araw na ang nakakalipas mula nang tutukan ng Cold Case unit ang burglary case na iyon pero wala pa silang nakukuhang matinong lead eventhough the team pull an all-nighter yesterday and even the day before.
Siguro nga ay hindi ganoon kadali ang trabaho ng mga detective dahil kahit gusto nilang mapabilis ang imbestigasyon ay wala din silang magawa.
Akala ko talaga ay mag exclusive na ako ngayong araw ngunit bigo ako. Usad-pagong ang imbestigasyon at kahit ako ay nakikita iyon.
Kating-kati na ang mga kamay kong humawak ng mikropono habang nag-uulat sa harap ng camera. Ngunit wala akong magawa kundi ang maghintay.
Kahapon pa nasa stake-out sina Nathan at Ren, pero wala silang nakitang kakaiba. Kahit pa nga sina Nick at Silver na nanakit na ang mga mata sa kaka-check ng mga cctv's ay wala pa ding nakukuhang kahit anong lead o kahit katiting na impormasyon man lang. Lalo pa at hindi nila nagawang makuha lahat ng black box. Matagal na ang kaso kaya wala na iyon at ang iba nga ay naitapon na ng mga may-ari ng sasakyan.
Nagpalit-palit sila sa pagbabantay at panonood kahapon at noong mga nakaraang araw pero wala silang nakitang kakaiba.
Wala ding napala si Detective Joseff kahit pa nagawang makakuha ni Austine ng search warrant. Wala silang nakita sa kahit isang bahay. Tingin ko nga ay mas nakasama iyon dahil sa daming reklamong natanggap ng pulisya tungkol doon.
Nanatiling malinis ang mga miyembro ng pamilya ng bawat bahay. Habang ang kapulisan naman, lalo na ang mga kasama ko ay iba't-ibang patutsada ang natatanggap.
Sa ngayon ay walang pagpipilian kundi ang bantayan ang mga miyembro ng pamilyang nakatira sa mga bahay na iyon. Pero hanggang ngayon ay wala pa ding malinaw na lead. Normal lang ang ikinikilos ng mga iyon at hindi kakikitaan ng kahina-hinalang pagkilos.
Sabagay, ikalimang araw pa lang ngayon at kung tutuusin ay madami nang ginawa ang mga nasa Cold Cases Division. Nagmamadali lang siguro kaming lahat na maisara ang kasong ito kaya kahit mga sarili namin ay pini-pressure namin.
Kahapon ay nasa opisina lang ako at nagbabasa ng tungkol sa case. Noong gabi naman ay nag-volunteer akong sumama sa stake-out. Nakatagal ako hanggang kaninang umaga pero ngayon nga ay kinailangan kong umuwi para kumuha ng ibang gamit. Kung hindi kasi sa staff lounge ay sa sasakyan ako natutulog. Mahirap na ang mag-uwian at baka ay may ma-miss akong detalye sa imbestigasyon.
Sobrang puyat at pagod kaya hindi ko naiwasang hindi makaidlip kanina. At ang idlip na iyon ay naging ilang oras, iba pa din kasi ang tulog sa sariling bahay. Mas masarap at komportable.
Nakaka-adapt naman ako sa mga kasama ko at sa ginagawa nila. Ganito din naman kagulo at kahirap ang propesyon ko pero hindi ko akalaing iba ang level ng hirap nila.
Talo pa nila ang naghahanap ng karayom sa bunton ng sandamakmak na dayami. Literal na karayom nga yata ang hinahanap namin.
Unti-unti din akong nagkakaroon ng interes sa kaso at gusto kong tumulong kahit paano. Hindi ko nga lang akalaing ganito ang trabaho ng mga detective. Walang pahinga at literal na nagpapakamatay.
Sinasabayan pa ng pressure mula sa mga higher ups. Lagi tuloy mainit ang ulo ni Detective Joseff kaya lagi akong umiiwas sa kanya at baka ako pa ang mapagbuntunan.
Hinilot ko ang sentido ko. Pati naman ako ay kinukulit na ni Captain pero wala pa din akong maibigay na impormasyon. Walang development ang imbestigasyon at nananakit na din ang ulo ko sa kakaisip ng idadahilan sa kanya
"Miss? Andito na tayo," imporma sa akin ng drayber.
Agad ang pagmulat ng mga mata ko at mabilis na nagbayad. Tumakbo agad ako papasok sa impyernong working place ko kahit pa hindi ko pa naiisukbit nang maayos ang bag ko.
Dumiretso ako sa hallway ng presinto at agad na inilagay sa loob ng staff lounge ang mga gamit ko baho nagmamadaling pumunta sa silid ng Cold Cases Division.
"Ms. Reporter, andito ka na."
Gusto kong mapangiwi nang lingunin ako ni Ren, sobrang laki na ng eyebags n'ya. Buong araw na din kasing sa computer lang nakatutok ang mga mata n'ya.
May alam din s'ya sa hacking kaya tatlong computer ang mayroon sa table n'ya. Madaming kopya ng black box yata ang paulit-ulit n'yang pinapanood.
"May package ka." Mabilis na ipinatong ni Nathan sa hawak kong bento box ang isang envelope bago nagpatuloy sa ginagawa.
"Thanks. Gusto n'yo ng kape?" Dumiretso ako sa lamesa ko at inilagay doon ang mga dala. Pagkatapos ay dumiretso ako sa pantry at pinagtimpla na ng kape ang mga kasama.
Mukhang lahat sila ay kailangan ng maiinom na gigising sa kanila.
"Coffee..." Inilapag ko ang kapeng umuusok pa sa harap ni Ren.
Nginitian lang ako ng lalaki. "Salamat Ms. Reporter. Feeling ko, bagay ka as a detective. Bakit ka ba nag-reporter?"
Tinapik ko lang s'ya sa balikat at binigyan ng kape ang dalawa pa. Hinati ko din ang laman ng bento box na dala ko at binigyan sila.
"Bakit pala kayong apat lang ang nandito?" tanong ko pagkalagay ng sliced fruits sa bakanteng lamesa ni Detective Joseff.
"May chini-check si Sir tungkol sa travel history ng mga house' members. Mukhang iibahin natin ang paraan ng paghahanap ng lead." Si Silver ang sumagot. "Si Prosecutor Austine naman ay pumupunta lang dito kapag kailangan natin s'ya. Punong-puno din ngayon ng trabaho ang prosecution at siguradong impyerno din doon."
"Isa pa, sinasabon s'ya dahil sa search warrant na pinilit n'yang makuha." Minasahe ni Nick ang sentido. "Sinabi nilang ibibigay nila ang lahat ng tulong na kakailanganin natin pero simpleng search warrant, pinagpuputok na ng mga butse nila."
"Sinabi lang nila iyon..." Tumayo si Ren at tinungo ang printer. "Aasa pa ba tayo samantalang mga judge at prosecutor ang may-ari ng mga bahay na iyon. At isang dating senador."
Napatango-tango ako. Oo nga naman. Mahirap talagang kalabanin ang may matatas na posisyon sa lipunan.
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Detective Joseff. Katulad nang dati ay salubong na naman ang mga kilay ng lalaki at mukhang wala sa mood.
Flinex n'ya ang leeg n'ya itinupi ang manggas ng long sleeve na suot. Maya-maya pa ay nilapitan n'ya ang white board at masusing tiningnan iyon. Nasa kanang kamay n'ya ang isang folder na siguradong tungkol sa burglary case.
Nasa dulo ang lamesa ko pero dahil nasa bandang gilid ay malinaw na nakikita ko ang side profile ng lalaki.
Matangkad ang lalaki, kita naman iyon. His shoulder and chest is as wide as pacific ocean. His built? Perfect. Na para bang kailangang maganda talaga ang katawan ng isang detective. Lalaking-lalaki din ang kulay n'ya at mas nakadagdag ng karisma ang buhok n'ya kahit simple lang iyon at hindi nakaayos.
And his face, he's incredibly handsome. Kahit pa hindi s'ya palangiti at laging salubong ang mga kilay.
And his eyes... Oh s**t! Nahuli n'ya akong nakatingin sa kanya!
Bigla ang pagtago ko sa computer ko, nauntog pa nga ako at naglaglagan ang mga papel na nasa lamesa ko. Kumakamot sa ulong pinulot ko ang mga papel at inilagay sa lamesa
"Akin ba 'to?" Tiningnan ko pa ang brown envelope na napulot ko. Nang tingnan ko iyon ay nakasulat doon ang pangalan ko.
Tumayo ako at tiningnan ang mga kasama ko. Lahat sila ay abala na sa ginagawa nila. Saka ko naalalang ito nga pala iyong package na sinabi kanina ni Nick.
Sinilip ko ang envelope pero bago ko pa mabuksan iyon ay agad nang tumunog ang cellphone ko. Sabay-sabay pang nag-angat ng mukha ang mga lalaki at tila iisang taong tumingin sa akin.
Nakangiwing kinuha ko ang cellphone ko at mahina ang boses na sinagot iyon.
"Captain..." bati ko sa tumawag. Dumiretso ako sa pintuan at lumabas ng silid.
"Dalawang araw ka na sa presintong iyan, Khylle," he said. "Any leads? May development na ba sa kasong tinututukan ng department na sinasamahan mo?"
Napahinga ako nang malalim at naipaypay ang hawak na envelope.
"Wala pa din ba? Ang ibang network ay nakapaglabas na ng exclusive samantalang tayo ay wala pa din," muling dagdag n'ya.
"Wala pa din. Hanggang ngayon ay walang makuhang lead ang detective in charge," mahinahong sabi ko. "Kilala mo ako, sa oras na makatanggap ako ng go signal ay agad akong magre-report sa 'yo at kahit walang tulog o ligo ay haharap ako sa camera."
I heard him hissed.
"Captain..." Pansamantala akong tumigil sa pagsasalita at bahagyang lumayo sa silid ng Cold Cases Division. "Malas lang ba talaga ako kaya ako ang na-assign sa precinct na 'to?"
"What do you mean?" tanong n'ya. Para pa ngang nai-imagine ko ang pangungunot ng noo n'ya.
"Bakit pakiramdam ko ay hindi naman pinili ang mga kasama ko dito para lutasin ang mga cold cases na nandito? Para silang ipinatapon dito at maging ang mga cold cases na na-assign sa kanila ay iyong mga imposiblemg ma-solve..."
"Ibig sabihin ay sinilip mo ang listahan ng mga cold cases na na-assign sa department ng precinct na 'yan?"
I chuckled. "A bit. Nag-notes lang ako, huwag kang mag-alala."
"Khylle..." Mababa ang tono ng boses n'ya. "Hindi lang ang kapulisan kundi maging tayo ay mainit sa mata ng publiko kaya mag-iingat ka sa bawat kilos mo. Kaunting pagkakamali lang ay baka masibak tayo."
Lumabi ako.
"Embargo," muling paalala n'ya na ikinainis ko. "Huwag na huwag mong kakalimutan iyon, alright?"
I heaved a sigh. "Oo. Nakatatak na iyon sa isip ko."
Paano ko makakalimutan ang bagay na iyon samantalang oras-oras n'yang ipinapaalala sa akin iyon?
"Alright. Ako na ang bahalang magpaliwanag dito kung bakit wala pa tayong exclusive. Do your job there at huwag mong kakalimutang mag-report sa akin, alright?"
"Yeah."
Kaagad na nawala sa kabilang linya ang lalaki. Napasandal naman ako sa pader at napapikit. Masakit pa din ang ulo ko at kung pwede lang matulog ay matutulog talaga ako.
Wala sa sariling pinaypayan ko ang sarili ko saka ko lang napansin ang envelope na hawak.
Ikiniling ko ang ulo ko. Walang nakasulat na pangalan ng nagpadala sa envelope kaya nakakapagtakang sa akin ito pero kahit anong suri ko ay sa akin talaga nakapangalan. Nakakapagtaka lalo at ilang araw pa lang ako dito sa Precinct 5. Kung may magpapadala ng kahit anong package ay siguradong sa KST iyon didiretso at hindi dito.
O baka naman ay nanggaling na iyon sa kompanya namin at dito na pinadiretso?
Nagkibit ako ng balikat at muling pumasok sa silid dala ang envelope. Abala pa din ang mga kasama ko at parang hindi sila pwedeng abalahin man lang.
Naupo na lang ako sa harap ng lamesa ko at sinuri ang hawak na envelope.
Hindi ko pa man nabubuksan ay parang ayoko na sa makikita kong laman niyon.
Binuksan ko ang envelope at dahil hindi ko makita ang laman niyon ay itinaktak ko ang iyon. Nahulog ang laman niyon sa sahig at dalawang larawan ang nakita ko.
Isang larawan ng isang buong bahay at ang isa naman ay larawan din na katulad ng nauna, hindi nga lang iyon buong bahay kundi ang ikalawang palapag ng bahay.
Nang tingnan ko ang likod ng isang picture ay may nakasulat doon. Isang address na na-memorize ko na.
"Midas Village?" Napakunot ang noo ko nang makilala ang mga nasa larawan. Napalakas ang boses ko kaya natuon sa akin ang atensyon ng iba kong kasama.
"That's the place na ini-imbestigahan natin ngayon," sabi ni Ren na hindi man lang tumitingin. "The Burglary Case years ago."
Itinaas ko ang mga larawang hawak ko. "Ang isa sa mga bahay na sangkot doon ay ang nasa larawang ito, hindi ba?"
❤