Chapter 1- Change in the System

1536 Words
May 2021 Khylle's Pov: "Maraming grupo ng mga tao ang nandito ngayon sa harap ng Department of Justice. Lahat sila ay may kanya-kanyang opinyon sa pagbabago sa sistema ng batas. Naipasa na sa korte at pinaboran na ng kongreso at maging ng senado ang tungkol sa pagtatanggal ng statute of limitation sa mga malalalim na kaso tulad ng murder at iba pang kasong bumabali sa karapatang pantao ng bawat mamamayan. Madami ang nadismaya dahil sa kung kailan tinanggal ang statute of limitation sa ganitong uri ng mga krimen ay mananatili namang malaya ang mga kriminal na nakagawa ng malalaking krimen na hanggang kahapon lamang ang statute of limitation." Napatigil ako sa pagkain at tumutok ang mga mata sa malaking screen ng telebisyon. "Hindi raw napapanahon ang pagbabagong ito ng sistema. Dahil tuluyang mababaon sa limot ang mga kasong ang statute of limitation ay hanggang kahapon lamang. Ang mga krimeng nangyari mula sa taong 2001 pababa ay tuluyang mabubura, naisarado man ito o hindi at mananatili namang cold cases na lamang ang mga kasong hindi sakop ng panahong iyon. At ni kahit minsan ay hindi na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga panahong iyon. Isa pa nga sa ikinakagalit ng taong bayan ay ang The Elites Murder-Rape case. Maaalalang dinagdagan ang statute of limitation nito noon dahil sa sobrang tinutukan ito ng buong bansa. Binigyan ito ng dalawampu't limang taon na statute of limitation para mahanap ang mga suspek sa krimeng nangyari noon pero mananatili na din lamang na cold case ito. Dahil kung naaalala pa ng iba sa atin, ang ika-dalawampu't limang taon nito ay kahapon. At dahil nga sa pagbabago ng sistema sa ating bansa, katulad ng iba pa, mababasura na ang kasong ito nang hindi nabibigyan ng hustisya ang naging biktima nito. This is Ariel Villa, KST, nag-uulat mula sa Department of Justice." Napangiwi ako. Mukhang hindi magiging madali ang trabaho ko mula sa araw na ito. "Masyadong malaki ang isyung 'yan." Nilingon ko si Tito Colorado. Nagma-mop s'ya sa sahig habang umiiling-iling. "Napakalaki." Nangalumbabang tiningnan ko ang buong restaurant. Pag-aari ng pamilya ko ang Korean Barbecue Restaurant na ito. Maluwang ang restaurant at may dalawang palapag. Ang una ay ito nga, ang pangalawa naman ay ang tinitirahan ko. May labinlimang lamesa ang restaurant. Lima din lang ang staff namin dito. Apat na part-timer at si Tito Colorado. Si Tito Colorado ay dito na rin nakatira. May sarili s'yang silid sa likuran ng kitchen. Kaibigan s'ya ni Papa at sampung taon na s'yang namamalakad sa restaurant na ito dahil sa parehong nasa abroad ang mga magulang ko. "Tapos na ang leave mo. Nasisiguro kong hindi ka na naman makakakain nang maayos." Inilapag ni Tito sa harapan ko ang isang lunch box. Nasisiguro kong punong-puno na naman iyon ng vegetable salad at mga prutas. "Salamat, Tito. Mag-almusal na din po kayo. Paano tito, papasok na ako." Tumango lang s'ya. "Sige, mamaya pa naman magbubukas ang restaurant." Kinuha ko ang bag at ang lunch box. Lumabas na ako at tinungo ang highway. Agad na pinara ko ang nakitang taxi at nagpahatid sa trabaho ko. Hindi ganoon katrapik kaya inabot lang ako ng tatlumpung minuto sa byahe. Tinatamad pa akong bumaba mula sa taxi bago tiningala ang mataas na gusaling nasa harapan ko. Ang KST Broadcasting Station. May sampung palapag iyon at lahat ng palapag na iyon ay inookupa ng kompanya. Dumiretso ako sa lobby ng KST at agad na itinap ang ID sa entrance machine gate. Agad iyong nagbukas at dumiretso ako sa elevator. "Khylle! Kumusta ang bakasyon?" Nilingon ko ang lalaking sumabay sa akin. "Oh, Ariel. Nakita ko ang report mo. Hindi nga lang exclusive." Tinaasan lang ako ng kilay ng lalaki. Sabay na kaming sumakay sa elevator. Bumaba kami sa ikatlong palapag, ang palapag na para sa News Team. "Be ready, Girl. Magiging bagyo ang mga araw natin dito!" Iyon lang at tinapik n'ya ako sa balikat. Dumiretso na s'ya sa table n'ya. Nagtatakang tinungo ko ang table ko at tiningnan ang paligid. Araw-araw namang bagyo dito sa workplace namin. Given na iyon sa propesyon namin. Katulad ngayon, taranta ang lahat. Halos lahat ay may kausap sa telepono o nakatutok sa computer. Mukhang hindi lang bagyo ang mangyayari rito. Lalo pa sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Ang parteng ito ay para sa News team pero binubuo pa din kami ng tatlong team dahil hindi naman kaya ng iilan ang mangalap at maghatid ng balita sa buong bansa. "Team 2. Conference room!" Mabilis na binitbit ko ang bag ko at sinundan ang mga kasama patungo sa isa sa mga conference room. "Welcome back!" Si Jian, kapwa-reporter ko at ka-team. "Wrong timing nga lang at badtrip ang crush mo." Inginuso pa n'ya si Captain Brixx Marquez. Nginitian ko lang ang babae at nagmamadaling humabol sa captain namin. May apat na taon ang tanda sa akin ng lalaki. S'ya rin ang pinakabatang captain at napaka-suplado n'ya. At sa kasamaang palad, s'ya lang ang nagpapatunay na babae pa rin ako at lalaki nga ang gusto ko. Mabilis na nagpasukan kami sa conference room at kanya-kanyang humila ng upuan. Anim kaming bumubuo sa team 2. Si Brixx as our superior, dalawang camera man, sina James at Brian, at tatlong reporter, ako, si Jian at si Philip. Nangungunot ang noong naupo si Brixx sa gilid ng lamesa. Inilapag n'ya sa harap namin ang ilang journal. "Find yours, and move." Agad na kinuha ko ang journal na may pangalan ko. Nagtayuan ang mga kasama ko at mabilis na lumabas sila ng silid. Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ay mabilis na kumilos na ako para sumunod sa kanila. "Khylle, maiwan ka." Takang tiningnan ko ang upuang tinuro ni Brixx. Naupo ako roon. "Ano 'to, Captain?" I asked, pointing the word "Precinct No. 5" under my name on the journal. "Starting for today, doon ka na naka-base. And I want you to be discreet with every cases." "Wait... What... Alam kong mahalaga ang exclusive, but, gusto mo akong mag-camping sa presinto?" He crossed his arms. Tumaas ang kilay n'ya. "You're on leave for one whole week. Hindi ka ba nanood ng balita sa mga araw na iyon?" I hissed. "Umakyat ako ng Sagada, nakipag-isa ako sa kalikasan at ninamnam ang kapayapaan ng kagubatan." Naiiling na tiningnan n'ya lang ako. "Alam mo naman yata ang pagbabago sa sistema." "Yeah, napanood ko kanina. Ariel's report," sabi ko bago hindi makapaniwalang tiningnan ang superior namin. "What the?" "Bingo!" He clicked his finger. "Kasama ang media sa pagbabagong iyon. Kaya mula sa araw na ito, kailangan mong tutukan ang mga kasong tututukan ng Cold Cases Department sa presintong ito." "Paki-elaborate nga." Hindi ko pa rin masundan ang sinasabi n'ya. "Dahil sa pagbabago ng sistema, halos kalahati ng unsolved cases ang nawala. Pero hindi naman iyon palalampasin ng publiko, mas kumuha iyon ng atensyon at negatibong feedbacks." Tumango-tango ako. "Sigurado akong may plano sila para kumalma ang publiko, right?" Tumango si Captain. "Yes. Ang mga cases mula noon na nanatiling cold cases hanggang ngayon, like murder, arson, larceny, and such ay mawawalan na ng statute of limitation. And to calm the public, bumuo sila ng isang team kada presinto para tumutok sa mga cold cases." Tumango ako. "Susuportahan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng bawat Cold Cases Department para mabilis na maresolba ang mga iyon. Ibig sabihin, magtutulong-tulong ang lahat, the police, forensics, prosecution, and us, the media." "Whoa! Ang galing din naman, gagawa sila ng problema tapos gagamitin nila tayo para maging panakip sa butas na ginawa ng mga desisyon nila," asik ko. "So sa Precint 5 ako, sa Cold Cases Department?" "Yeah. Pero wala kang gagawin doon but to take notes." "What?" "Makinig ka kasi muna, pwede?" Inis na ang lalaki. "Hindi ito simpleng pangunguha lang ng impormasyon para sa report. The change of the system gave every broadcasting station the opportunity to have their own exclusives. Iyon nga lamang, dahil sa ang mga kasong tututukan mo ay mga cold cases, sensitibo ang mga iyon, at hindi bubuksan sa publiko hangga't hindi konkreto ang mga ebidensyang magsasara ng mga kaso. Ibig sabihin, hindi natin pwedeng ibalita iyon hangga't hindi sigurado na mai-indict ng prosecutor na nakatalaga roon ang mga suspek." Lumabi ako. "Embargo." "Exactly. Wala tayong kakayahang ibalita ang tungkol sa kahit anong cold case hangga't hindi umu-oo ang detective in charge sa kasong iyon. Nandoon ka lang para maging updated sa kaso, para sa oras na bigyan tayo ng signal para mag-balita, that will be our exclusive." "Hindi ko pa rin maintindihan..." Nangungunot ang noong tiningnan ko s'ya. "Bakit kailangan nilang gamitin ang embargo..." Nailing ako. "Oo nga naman pala, cold cases. Mantsa sa pangalan ng kapulisan. Kahihiyan ng kahit sinong pulis dahil kaya mayroong mga ganitong kaso, dahil ibig sabihin niyon, hindi nila nagawa nang tama ang imbestigasyon noon." Tumango si Captain. "Again, I want you to be discreet. The police hates the media." "Yes, Captain!" Sumaludo pa ako at agad na tumayo. "Khylle, hindi lang may mali sa imbestigasyon kaya may mga hindi naresolbang kaso, kundi dahil ang mga prime suspect doon ay mga high profile person... Hangga't maaari, don't attach yourself to those cases..." Nginitian ko na lang si Captain at tinapik sa braso. "No worries." ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD