Chapter 5- The Chimney

2508 Words
Khylle's Pov: "Iyan na nga!" Namilog ang mga mata ni Ren pagkakita sa hawak ko. Agad s'yang tumigil sa ginagawa at lumapit sa lamesa ko. "Isa ito sa mga bahay na nilooban, hindi ba?" muli kong tanong. Kinuha n'ya mula sa akin ang mga larawan at itinaas para matingnan ng mabuti. "Oo. Saan mo nakuha ang mga ito, Ms. Reporter?" Ren paused. "Sa Midas nangyari ang burglary case." Ramdam ko ang pananahimik ng buong silid. Parang slow-motion ang nangyari. Napatingin ako sa mga kasama ko at ganoon din sila sa akin. Hindi ko na namalayan kung sino ang naunang kumilos sa apat. Mabilis na nakalapit sila sa akin at tiningnan ang mga pictures na hawak ko. Agad na kinuha ni Detective Joseff ang hawak kong larawan at ibinigay kay Ren. "Ren, check this." Agad namang kumilos si Ren at hinarap ang mga computer. Nagsilapitan naman kami sa may likuran n'ya. Hindi ko alam pero kitang-kita ko ang antipasyon sa mukha ng mga kasama ko sa maaaring impormasyong mayroon sa larawan. Kahit nga akong saling pusa lang dito ay sobra na ang pagkabog ng puso ko. Muli kong naramdaman ang pamilyar na pakiramdam na naramandaman ko kanina. Hindi ko alam kung tama bang ipinakita ko sa kanila iyon o mas dapat na itinago ko na lang. I eyed the detectives. Lahat sila ay nakatutok sa screen ng computer ni Ren. At hindi lang ako ang kinakabahan. Halatang lahat kami. Parang gusto na nga naming madaliin si Ren. Feeling ko ang bagal n'yang magtipa sa keyboard. Hacker ba talaga itong lalalaking ito? Bakit parang ang bagal naman n'ya? "Bingo!" Maya-maya ay sabi ni Ren. "Nasa Midas Village nga ang address na ito, at maaaring ito ang address ng bahay na nandito sa picture. Magkakahilera ang limang bahay na nilooban at nasa harap lang nila ang bahay na ito. Tanging kalsada lang ang pagitan, to be specific... Kaharap ito mismo ng ika-apat na bahay na nilooban." Nangunot ang noo ni Detective Joseff at agad na kinuha ang files tungkol sa burglary case. Binuklat n'ya iyon at may kung anong hinanap doon. Maya-maya pa ay dumiretso s'ya sa white board. May kinuha s'yang larawan mula sa lumang folder at idinikit iyon sa white board. Isa iyong larawan ng hilera ng mga bahay sa parehong bahagi. "Kuha ito years ago, hindi nga lamang katulad ng aerial shot natin pero parehong nakuha ang larawan ng mga bahay na nilooban at ang ilang bahay na nakapalibot dito," paliwanag ni Detective Joseff. Idinikit n'ya ang aerial shot sa white board. "Walang pinagkaiba... Maliban dito." Detective Joseff pointed a certain spot. Ang bahay na kaharap ng ika-apat na bahay na nilooban. Pare-pareho pa din naman ang ibang bahay. Pero tanging naiiba ang itinuro n'ya. May kalumaan ang bahay na nandoon sa unang larawan pero sa pangalawa, katulad ng larawang laman ng envelope, ay mas moderno na at pati pintura ay napalitan na. Halatang dumaan sa renovation ang bahay na iyon. Hindi nga lang iyon napagtuunan ng pansin dahil natural lang naman na dumaan sa isang pagbabago ang isang bahay. "Ni-renovate ang bahay. Bakit ba hindi natin agad nakita iyon?" Silver pointed the difference. "Mukhang ito ang na-miss natin." "Hindi lang ito simpleng renovation." Saglit na tiningnan ako ni Detective Joseff bago idinikit ang dalawang picture ng bahay. "May kung ano sa bahay na ito. Isang bagay na hindi natin makikita mula sa labas lang." "The second floor..." Nathan answered. "Buong bahay ang nasa unang picture, sa pangalawa ay ang second floor view lang. Simple lang ang gustong sabihin ng larawan, ang hinahanap natin ay posibleng nasa ikalawang palapag ng bahay na iyan..." "Pero saan d'yan? Kailangan nating makasiguro dahil kung hindi ay patay tayong lahat. Masesermunan na naman tayo nang sobra." Namomroblemang napatingin naman ni Silver sa mga kasama. Muling natahimik ang lahat. Hindi ko man gusto ay napatitig na ako sa mga larawan. Gulong-gulo ang isipan ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maisip kung bakit sa akin ipinadala ang mga larawang nakadikit na ngayon sa white board. Nangunot ang noo ko nang may mapansin sa larawan. "Chimney..." Lahat sila ay napatingin sa akin. Kunot ang mga noong tiningnan nila ako bago muling lumipat ang mga mata sa white board. "Chimney..." Ulit ni Detective Joseff sa sinabi ko. Napalapit pa s'ya sa larawan. "It's odd, hindi uso ang chimney dito sa Pilipinas." "Aha!" Napatayo si Nick. "Sa lahat ng bahay, iyan lang ang may chimney at sa ilang araw na pagbabantay namin sa paligid ay ni hindi ko napansin na may usok na lumabas d'yan. Para ngang ginawa lang bilang isang dekorasyon!" "Dahil hindi naman nila kailangan ng chimney para magpainit. Philippines is a tropical country... Mukhang may makikita tayo sa loob ng chimney na iyan," Detective Joseff said at binalingan si Ren. "Alamin mo kung kanino naka-pangalan ang bahay na ito. Paniguradong hindi ito nakapangalan sa alin man sa miyembro ng limang pamilya pero nasisiguro kong may mag-uugnay pa din sa isa sa kanila dito." "Salute!" Mabilis na nagtipa si Ren sa computer n'ya. Mas mukhang ganado s'yang kumilos ngayon. "Stop!" Si Detective Joseff din ang pumigil sa pagtitipa ni Ren. Lahat kami ay napatingin kay Detective Joseff. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa mga lalaki. "I almost forgot..." Detective Joseff groaned. "Don't do anything Ren." "But Sir, mas mabilis na proseso 'to!" Pagrereklamo pa ng binata. "Hindi natin pwedeng gamitin ang hacking ability mo," Detective Joseff said with finality. "Huwag mong kalimutan kung bakit ka napunta dito sa team na 'to." "Pero..." "Ako na ang bahala." Nagtipa si Detective Joseff sa cellphone n'ya at may tinawagan. "I need you to find something... I'll send you the details. How long it will take?" He paused for a few seconds. "No. I need it now, it's urgent." Iyon lang at tinapos na n'ya ang tawag. "We'll wait an hour or two. Kailangan muna nating ma-confirm kung sino ang may-ari ng bahay then we'll request for a search warrant and also arrest warrant." "Arrest warrant? Pipirmahan kaya iyon ni Austine? I mean, makakakuha kaya s'ya at mapapapirmahan n'ya kaya iyon?" Nakangiwing bumaling sa mga kasama si Nathan. "He's the prosecutor in charge in this division, wala s'yang choice lalo na kapag nakumpimpirma natin kung sino ang may-ari ng bahay na ito." Detective Joseff faced me. "As you can see, these pictures are our only lead so I want your honesty. Ms. Madrigal, where did you get this?" Nagkibit-balikat ako at ipinakita ang envelope. Kinuha naman n'ya iyon at tiningnan. May pagdududa pa sa mga mata n'ya kaya nakipagtitigan na lang ako sa kanya. Pakiramdam ko nga ay hindi n'ya ako tatantanan kundi lang tumunog ang cellphone n'ya. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay at sinagot ang pag-iingay ng cellphone n'ya. Inilapag n'ya iyon sa table at ini-loud speaker. "Wala pang isang oras, may nakita ka?" "You really know me, Joseff." Boses ng babae ang sumagot mula sa telepono. "You'll buy me a dinner, alright?" Nakita ko ang pag-iling ng aroganteng detective bago sumagot. "Sure. Now, anong mayroon sa bahay na iyan?" The woman chuckled. "You won't believe this... That house and lot was once owned by the bank then iba't-ibang tao na ang naging may-ari niyon. Sa ngayon, nasa pangalan ng isang bank accountant iyon. Isang Juduel Valdez..." Pati ako ay nadismaya sa narinig. Bank accountant? Ano namang koneksyon niyon sa kasong hinaharap namin ngayon? "But..." Ramdam ko ang tuwa sa boses ng babae. "That Juduel Valdez was Romualdo's former bodyguard. Personal bodyguard to be exact. May nakita din akong ilang transaksyon tungkol sa pagbabayad sa bahay na iyon na may pangalan ng dating senador... Gusto mo bang padalhan kita ng kopya?" Mabilis na kinuha ni Detective Joseff ang cellphone n'ya. "Salamat. I want it right now." He ended the call and commanded his boys. "Silver, request  a warrant. Ren, locate Mr. Romualdoz." Mabilis na kumilos ang dalawa at lumabas ng silid. Agad namang nai-print ni Nathan ang kakapadala pa lang na impormasyon. "Let's go," Detective Joseff said. Saglit na tiningnan n'ya ako bago tuluyang lumabas ng silid. "Hindi n'yo na ba hihintayin ang warrant?" I asked Nathan. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na sumabay sa kanya palabas ng silid. Umiling si Nathan. "Sa area na didiretso si Silver. Makakakuha s'ya ng warrant. Sigurado iyon. Ren, ikaw na ang bahala." Iniwan namin si Ren na abala sa harap ng computer n'ya at humabol na kay Detective Joseff. "Sigurado ka sa pagsama mo sa amin sa field?" tanong ng aroganteng detective nang makasakay ako sa backseat ng sasakyan. "Yeah," sabi ko na lang. Medyo nagtaka pa ako nang hindi ang police mobile ang sinakyan namin. Wala pa nga pala kaming warrant kaya hindi namin dapat bigyan ng hint ang kung sinuman sa pupuntahan namin. Isinuot ko ang salamin ko. May maliit na video-cam iyon at kapag pinindot ko ay authomatic na magre-record iyon. Kailangan ko lang talaga ng magandang anggulo. Hindi ko alam kung nakikisama ba talaga sa amin ang panahon. Maaliwalas at walang ka-traffic-traffic. In less than thirty minutes ay narating na namin ekslusibong village. Nanatili lang kami sa loob ng sasakyan. Nakamasid sa nangyayari sa labas. Habang naghihintay ay nagtipa ako ng mensahe para sa superior ko. Got a new lead. Call you later, Captain. Agad na ibinulsa ko ang cellphone ko pagkatapon i-send ang mensaheng iyon. "Nag-message na si Ren, nasa bahay nila si Mr. Romualdo..." Nick told Detective Joseff. Tumango ang lalaki. "Good. The warrants are on the way." Ibinulsa n'ya ang hawak na cellphone at agad na lumabas. Sumunod lang ako sa mga lalaki. Tinungo nila ang isang gate at pinindot ang doorbell. Hindi ganoon kataas ang bakuran niyon kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng bahay. Katulad na katulad ng larawang ipinadala sa akin. Na para bang kakukuha lang niyon. Isang lalaking nasa kalagitnaan ng tatlumpo ang edad ang nagbukas ng gate. Gumuhit ang mga gatla sa noo ng lalaki nang mapagbuksan kami ng gate. "Detective Joseff Cortez of Asuncion Metropolitan Police District Precinct 5's Cold Case Division," pagpapakilala ni Detective Joseff at agad na ipinakita ang badge n'ya. Bahagyang natigilan ang lalaki at isinara nang marahan ang gate. "Anong kailangan n'yo sa akin? May maiitulong ba ako sa inyo?" "Kailangan namin ang kooperasyon n'yo Mister..." Nick answered. "This is about the burglary case that happened in this area years ago." The man laughed. "Pasensya na pero hindi ko magagawa ang gusto n'yo. Isa pa, nasaan ang warrant n'yo? Alam n'yong hindi kayo makakapasok sa isang property..." "Heto! Nasa akin ang warrant!" sigaw ni Silver! Patakbong lumapit s'ya sa amin. Muntik pa nga s'yang madapa sa pagmamadaling makalabas ng mobile. Kasunod n'ya ang tatlo pang police officer. Agad na ipinakita ni Detective Joseff ang search warrant sa lalaki. S'ya na din ang nagbukas ng gate at dire-diretsong pumasok sa bakuran kahit pa pinipigilan s'ya ng may-ari ng bahay. Agad na sumunod kami kay Detective Joseff at naghiwa-hiwalay ang mga officer para maghanap ng mga ebidensya. "Wala kayong makikita dito! Ano bang hinahanap n'yo? Hindi n'yo ba alam na mali ang ginagawa n'yo?" Tinangkang pigilan ng may-ari ng bahay ang mga officer pero hindi s'ya pinapansin ng mga iyon. Maya-maya pa ay may ilang tao pa ang pumasok sa bahay. "Detective, anong ibig sabihin nito?" tanong ng bagong bisitang dumating. "Oh, Mr. Romualdo," pagkilala ni Detective Joseff sa bagong dating. Bahagya pa s'yang yumukod ngunit wala naman sa mukha n'ya ang pagbibigay ng respeto sa dating senador. "Sir, wala dito." Isang officer ang kumuha sa atensyon ng dalawa. "Oh, ano ba kasing hinahanap n'yo? Baka gusto n'yong bumisita sa bahay namin at magmeryenda. Nasa tapat lang iyon, Detective," yaya pa ng dating senador na tinawanan lang ni Detective Joseff. Detective Joseff smirked. "Second floor." Nilampasan n'ya ang dating senador at nanguna sa pag-akyat sa ikalawang palapag. Kinakabahan man ay mabilis akong sumunod sa kanila. Pinasok ng iba ang mga silid pero dumiretso lang kami sa kinalalagyan ng chimney. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ang larawan lang ng second floor ang nasa ikalawang larawan na natanggap ko. Ang normal na chimney ay laging nasa unang palapag, sa living room. Pero ang chimney na nasa bahay na ito ay, nandito sa second floor at walang indikasyon na ginagamit ito. Mabilisang tinungo ni Detective Joseff ang chimney at tinanggal ang mga display sa paligid niyon. Maraming abubot ang nasa paligid ng chimney at ngayon ay nakakatiyak na akong isa lang talagang dekorasyon iyon. "Sandali. Anong ginagawa n'yo? Sandali Detective... Display lang ang chimney na 'yan!" Nawala ang pagkakalmado sa mukha ni Mr. Romualdo at literal na humarang kay Detective Joseff. Mr. Romualdoz bodyguard's tried to get Detective Joseff pero hinarangan lang sila ng mga officer. Sinilip ni Detective Joseff ang itaas ng chimney. Maya-maya pa ay hinawi n'ya si Mr. Romualdo at mas lumapit sa chimney. Tuluyan s'yang pumasok doon. Sumunod sa kanya si Silver at tiningala ang itaas ng chimney. "May mga bakal na hagdan. May sekretong lugar dito." Iyon lang at umakyat na din s'ya doon. Mabilis na sumilip ako sa chimney. Tama nga, may makakapal na bakal doon na nagsisilbing hagdan paakyat. Inayos ko ang salamin ko at umakyat din doon. Nasa sampung bakal ang nagsisilbing baitang paakyat. Isang may tatlong metrong luwang na silid ang bumungad sa akin. Nadatnan ko doon sin Silver at Detective Joseff na nagkakalkal. "Ito ang mga nawawalang item." Agad na lumapit ako sa dalawa. Tama nga, nakatago sa nag-iisang cabinet doon ang isang luggage bag. Nandoon ang mga stolen items. "Silver..." Sinenyasan ni Detective Joseff ang lalaki. Agad namang tumango ang lalaki at binitbit ang mga ebidensya. Inihanda ko naman ang sarili ko. Exclusive na ang makukuha ko! "Ms. Madrigal..." pigil ni Detective Joseff sa sana ay pagbaba ko. "Ipapaalala ko lang ang tungkol sa kasunduan ng police at media." Inis man ay tumango ako. "Hihintayin kong matapos at maisarado ang kaso bago iulat ang tungkol dito. Huwag kang mag-alala, hindi ko nakakalimutan iyon." Ikiniling n'ya ang ulo n'ya na para bang may gusto pa s'yang sabihin pero pinili na lang n'yang manahimik. Nilampasan na lang n'ya ako at naunan nang bumaba. Agad naman akong sumunod sa kanila. Nang makababa ako ay sinasabihan na ni Silver ng Miranda rights ang may-ari ng bahay na si Juduel Valdez. "Sandali lang..." Sinubukan ni Mr. Romualdez na awatin ang police officer na nagposas kay Juduel Valdez. Hinawi naman ni Detective Joseff ang dating senador para makaalis na ang mga pulis na may hawak kay Juduel Valdez. "Huwag kayong mag-alala, Mr. Romualdez..." Si Detective Joseff ang humarap sa dating senador. "Dahil mukhang kakailanganin din namin kayong ipatawag sa presinto for interrogation." "Hindi ko alam ang sinasabi mo!" The former senator hissed. Tumango lang si Detective Joseff at tinapik sa balikat ang matanda. "Kung ganoon ay inaasahan ko ang kooperasyon n'yo sa kasong ito." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang lalaki kasunod nina Nick. Ilang pamilyar na mukha din ang nakita ko na mula sa forensics team na kinukunan ng litrato ang mga ebidensyang nakuha namin. Maging ang loob ng chimney ay pinasok na nila. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD