Khylle's Pov:
Hindi mapakaling tumayo ako at pumunta sa pantry. Nagtimpla ako ng juice at isa-isang binigyan ang mga kasama ko. Nandito kami sa silid ng Cold Cases Division. Ako, si Ren, at Silver.
Kanina pa ako hindi mapakali mula nang makabalik kami dito sa Precinct 5. Nakuha ko naman ang lahat ng impormasyon tungkol sa magiging unang exclusive ko na may kinalaman sa mga cold cases pero hindi pa din nawawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman.
Lumipat ang mga mata ko sa dalawang kasama ko dito aa silid. Parehong abala sina Ren at Silver sa kung ano at mukhang hindi yata nila napapansin ang pagkakataranta ko.
Inaasikaso nina Detective Joseff, Nick at Nathan ang iba pang papeles para pormal na masampahan ng kaso si Mr. Juduel Valdez ganoon din ang malaking posibilidad na pagkakasangkot ni Mr. Romualdez sa burglary case. Si Nick ay nasa National Forensics Institute para kunin muli ang mga ebidensyang dinala doon for DNA.
Detective Joseff and Nathan are both in interrogation room. Doon sila dumiretso kasama si Mr. Valdez for questioning. Maging si Prosecutor Austine ay nandoon at ang iba pang pulis.
"Kinakabahan ka?" tanong sa akin ni Ren pagkaraan ng ilang sandali.
Mukhang nagkamali ako na hindi nila napapansin uneasiness na nararamdaman ko. Muntik ko nang makalimutang likas sa mga katulad nila ang pagkakaroon ng malakas na pakiramdam.
"Halata ba?" Napakamot ako sa ulo at uminom ng juice.
Natatawang nagkatinginan pa silang dalawa ni Silver. Nasa mga mata nila ang pagkaaliw sa reaksyon ko.
"Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay maiihi ako sa kaba. Kanina pa sila doon at hanggang ngayon ay wala pa tayong balita. Ano kayang magiging resulta ng imbestigasyon?" tanong ko. Hindi ko talaga mapigilan ang kuryusidad ko.
Kung pwede nga lang na pumunta ako sa interrrogation room ay kanina pa ako nakapunta pero dahil bawal ay kanina pa ako nagtitiis na maghintay dito.
Hinarap ako ni Silver habang inaayos ang mga papel na hawak n'ya. "Simple lang naman. Masasampahan natin ng kaso si Mr. Romualdez at ang dati n'yang bodyguard as accomplice kaya damay din s'ya. Nakita ang DNA nilang dalawa sa stolen items kaya mahihirapan silang i-counter iyon bukod pa sa kopya ng cctv'ng nakuha natin sa bahay ni Mr. Valdez. Nandoon ang aktwal na pagbisita ng dating senador nang ilang beses at ang pagpasok n'ya sa chimney. Hindi lang basta ebidensya ang hawak natin. Nasa atin ang alas sa labang ito kaya sure win na tayo."
Napatango ako sa sinabi n'ya. Noong una ay itinatanggi pa ng dating senador ang involvement n'ya sa kaso pero dahil sa nakitang DNA n'ya sa lahat ng mga ninakaw na bagay ay wala s'yang nagawa kundi ang paunlakan ang imbitasyon ng pulisya.
Nakahinga ako nang maluwag. "So... Makukulong s'ya."
Tumango ang dalawa. "Mukhang sa kulungan na tatanda si Mr. Romualdez." Ren chuckled. "Hindi ko akalaing may ganoon s'yang bisyo. Ibinoto ko pa naman s'ya dati."
Hindi na ako nagkomento. Iyon na talaga ang mangyayari at ilang beses ko nang nasaksihan ang pagkakakulong ng mga pulitiko, nanunungkulan man o tapos na sa termino, halos siyamnapu at siyam na porsyento yata ang mga katulad nila na may nilabag na batas.
Mga makakapangyarihang taong nagtatago sa mababait nilang mga mukha.
Silver agreed. "Sigurado na makumulong talaga s'ya. Kailangan na lang na aminin ni Mr. Valdez na ang datimg senador nga ang nagnakaw ng mga stolen items. Mas bibigat ang kaso kapag nangyari iyon. Lalo na ngayon at mukhang patong-patong ang magiging kaso n'ya."
Takang tiningnan ko ang dalawa. "Anong patong-patong na kaso? May iba pa bang kasong isasampa sa kanya bukod sa burglary case?"
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Ren. Nasa mukha n'ya ang pagtataka. "Ms. Reporter, reporter ka ba talaga?" Agad s'yang tumawa pagkasabi niyon.
Inirapan ko lang ang tumatawang lalaki. Ayoko mang maramdaman ay nainsulto ako sa sinabi n'ya.
"Final hearing na ng kasong isinampa sa kanya bukas. Graft and corruption at base sa naririnig ko, positibo ang prosecution na mai-indict nila ang dating senador," paliwanag ni Silver. "Nakakapagtakang hindi mo alam ang tungkol doon samantalang ilang buwan na din ang itinatakbo ng kaso n'yang iyon."
Ren walks towards the printer. "Magnanakaw naman pala talaga ang pulitiko na 'yon. Sayang lang at ibinoto ko pa naman s'ya. Kung alam ko lang ay sa ibang pulitiko na sana ako sumugal."
I sighed. "Masyadong mapaglaro ang mga taong katulad n'ya kaya hindi n'ya namamalayang s'ya na ang pinaglalaruan ng sitwasyon."
"Hindi ko lang maintindihan..." Si Silver na bahagya lang humawaka sa baba n'ya. "Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit n'ya ninakaw ang mga bagay na sigurado naman akong mayroon din s'ya? Damit na pang-babae, alahas at pati mga branded shoes? Iyon ang mas nakakapagtaka sa kasong ito bukod sa paano n'ya napagtakpan ng sobrang tagal ang ginawa n'ya noon."
Iyon din ang ipinagtataka ko. Anong mapapala ni Mr. Romualdez sa mga ganoong bagay? Samantalang mas mayaman pa nga s'ya sa ilan sa mga may-ari ng mga bahay na nilooban n'ya. Kayang-kaya n'yang bumili ng mga bagay na iyon kahit ilan pa ang gustuhin n'ya.
"Baka naman ay may fetish s'ya sa pagnanakaw o sa mga bagay na iyon," komento ni Ren.
Nasa ganoong katayuan kami nang bigla na lang bumukas ang pinto. Magkasunod na pumasok doon sina Detective Joseff at Nathan. Nasa mukha nila ang pagod at puyat.
Dumiretso si Detective Joseff sa bunton ng mga folder ng cold cases. Nagsimula s'yang maghanap ng kung ano doon pero pagkaraan ng ilang sandali ay agad na tumigil din.
"Ren, nasa atin ang Reservoir Arson case ng 2011, hindi ba?" Humarap sa gawi namin si Detective Joseff. Dumiretso s'ya sa table n'ya at doon naman naghanap.
"Oo. Nasa team natin iyon. Iyon ang kasong dapat na uunahin natin, hindi ba?" patanong na sagot naman ni Ren at tumulong na sa paghahanap sa kasong tinukoy ni Detective Joseff.
Nakihanap na din ang iba kaya kahit ako ay lumapit na din sa lamesang punong-puno ng mga folder at nakihanap na din doon.
"Anong mayroon sa kasong iyon, Sir?" Silver asked. Bahagya pa nga s'yang i ubo dahil sa alikabok.
"Nakita ko na!" Iniabot ni Nathan ang isang folder. "Mukhang hindi nga lang kompleto ang nandito dahil mukhang kulang naman ang mga impormasyong nakasulat dito."
"Pero memorize naman na natin 'yan. Ilang beaea na din natin 'yang sinubukang imbestigahan ulit, hindi ba?" sabi naman ni Silver. May pagtataka din sa mukha n'ya.
"Ren... Get the files from the Records Room. Maging ang lahat ng tungkol dito na makikita mo doon ay dalhin mo dito," utos ni Detective Joseff sa lalaki. Hindi naman na nagtanong pa si Ren at agad na lumabas ng silid.
Gusto ko mang magtanong ay minabuti ko na lang manahimik. Ilang araw ko pa lang silang nakakasama pero unti-unti ko nang nakikilala ang mga kasama ko ganoon din ang topak ni Detective Joseff at halata sa mukha n'ya ngayon ang hindi magandang mood.
Muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Silver. "Hindi na makakalusot si Mr. Romualdez! Halos hindi ako makapaniwala sa result na nakita ko, grabe halos lahat ng stolen items, may bakas ng finger prints n'ya!"
Natigilan lang ang lalaki nang makitang abala ang lahat bukod sa akin. Sumenyas pa s'ya sa akin at nagtanong kung anong nangyayari pero umiling lang ako. Hindi ko din naman alam kung anong mayroon sa kasong hinahanap nila ngayon.
"Nick... Naaalala mo 'yong Arson case sa isang reservoir noong 2011?" tanong ni Nathan na pati sa table ko ay nagkakalkal na. "Ang natatandaan ko kasi ay isa iyon sa ginamitan ko ng profiling at ginawan ng summary. Hindi ko lang maalala kung saan ko nailagay 'yong journal ko. Hindi ko din makita dito sa table ko kaya baka nadala ko sa bahay iyon."
"Iyong micky mouse na journal mo ba ang tinutukoy mo?" Lumapit si Silver sa lalaki at nakihanap na. "Teka alam nating lahat 'yong tungkol sa kasong iyon ah? Hindi ba nga ay dapat na jyon ang uunahin nating buksan at imbestigahan?"
Muling bumukas ang pinto at mabilis na pumasok doon si Ren. Ibinigay n'ya ang may apat yatang makakapal na folder kay Detective Joseff. May isang police officer din s'yang kasunod na may dala namang isang kahon.
Mabilis na kinuha ni Detective Josedf ang mga folder at binasa. Isinama n'ya doon ang mga papel na kaka-print pa lang n'ya at ang ilan pang papeles na hindi ko alam kung saan n'ya kinuha.
Tinungo n'ya ang pinto pero bago pa makalabas ay agad na tumigil s'ya at tumingin sa akin. Iniabot n'ya kay Nick ang mga dala n'ya. "Dalhin mo sa interrogation room. Sabihan mo na din kay Austine na asikasuhin ang arrest warrant para makakilos na agad tayo."
Tumango lang si Nick at lumabas na.
Napaatras naman ako nang magsimulang lumapit sa akin si Detective Joseff. Seryoso s'ya at nakakatakot ang kaseryosohan n'ya.
"Kanino nanggaling ang tip na iyon, Ms. Madrigal?" he asked, nasa boses n'ya ang pagdududa
"Tip? Anong tip?" kunot-noong balik tanong ko. Wala naman akong ibinibigay na tip sa kahit sino sa kanila!
He chuckled. "Reporter ka pero hindi mo alam kung ano ang tip? Iyong dalawang picture ng bahay ng dating bodyguard ni Romualdez, kanino galing ang mga iyon?"
Umiling ako. "Hindi ko alam."
"Ahm, Sir..." Ren tried to get Detective Joseff's attention. "Ako ang nag-abot niyon sa kanya kanina. Ipinadala lang yata."
Ni hindi nawala sa akin ang mga mata ng lalaki. "Ren, can you find that without getting into trouble?"
Tumango si Ren. "Of course. Mani lang iyon. Pakiramdam ko nga ay simpleng mail courier service lang iyon dahil simple lang ang packaging." Agad s'yang nagtipa sa computer n'ya pagkasabi niyon.
"Sir, may problema ba sa kaso ni Senator?" Silver asked. Nagpalipat-lipat sa amin ni Detective Joseff ang mga mata n'ya.
Umiling lang ang lalaki. "Wala." Muli s'yang tumingin sa akin. "Pero may isang bagay na nakita sa isa sa mga stolen items..."
Nangunot ang noo ko. May nakita sa isa sa mga ninakaw na bagay? Ano namang kinalaman ko doon? Ako ba ang nagnakaw ng mga iyon?
Gusto ko sanang isaboses iyon pero dahil iba ang mood ng lalaki ay pinili ko na lang manahimik.
Detective Joseff eyed me intently. "Isang mini disc ang tinutukoy ko. Nakatago iyon sa ilalim ng swelas ng branded na sapatos na kasama sa mga ninakaw. And inside that mini disc, ay ang aktwal na kuha ng pag-uutos ng pagsunog sa reservoir. Ang dating senador at ang dalawa pang may-ari ng bahay, ang magkapatid na Salazar ang nagpasunog ng reservoir. Nasa mini disc na iyon ang video at ang history ng transaction ng tatlo."
"What the heck? As in?" Napatayo si Silver. "Kinilabutan ako doon ah!"
Pakiramdam ko nga din ay nagtaasan ang mga balahibo ko. Hindi ko mapaniwalaan ang mga narinig ko.
"Ms. Reporter..." Kuha ni Ren sa atensyon ko. "May informant ka bang Russian?"
"Ha?" Napalapit ako sa kanya. "Anong Russian?"
Nagkibit-balikat lang ang lalaki at hinarap si Detective Joseff. "Galing sa Russia ang package, Sir. At gustuhin ko man, hanggang doon lang ang nakita ko. Russia lang talaga at ipinadala dito sa Pilipinas. Na para bang ayaw magpahanap ng nagpadala ng mga larawang iyan."
Muli akong tiningnan ng aroganteng detective. Napaisip s'ya sandali bago tuluyang lumabas ng silid.
"Whoa! Hindi ko alam na may informant kang foreigner, Ms. Reporter." Silver teased me.
"Hindi n'ya kilala ang nagpadala sa kanya," Nathan said. Pasimple pa n'ya akong tiningnan. "Pero nasisiguro kong kilala ka ng taong iyon."
Nagkibit na lang ako ng balikat. Halo-halo na ang mga bagay at ideyang tumatakbo sa isipan ko at sumama pa ang tungkol sa informant na ito.
"Pero goosebumps iyon!" Ren said. "Biruin n'yo iyon, dalawang kaso agad ang na-solve natin at hindi pa tayo nagtatagal sa pagharap sa mga cold cases na ito!"
"Nasagot na din kung bakit ninakaw ni Mr. Romualdez ang mga bagay na iyon. Ang disc ang hinahanap n'ya. Iyon nga lang, ginusto n'yang iligaw ang lahat kaya pinalabas n'yang pagnanakaw lang iyon. Idinamay pa n'ya ang ilang bahay para mas kapani-paniwala," turan ni Ren.
"Burglary... Corruption tapos ngayon naman ay arson. Isang himala na lang kung makakatakas pa si Mr. Romualdo sa mga kasong ito," dagdag na komento ni Silver.
"Nananakit ang ulo ko... Unang linggo pa lang natin sa mga cold cases na 'to." si Nathan na agad ding tumayo at nag-inat. "Interrogation room lang ako," dagdag n'ya at lumabas na ng silid.
I sighed. Nananakit na din ang ulo ko.
Umupo na lang ako at inayos ang table ko. Kakailanganin ko pang gumawa ng report. At kapag natapos na ang imbestigasyon ay kinakailangan kong bumalik sa KST para sa exclusive ko.
Wala pa naman akong matinong damit na dala para kahit paano ay maging presentable ako sa harap ng camera mamaya! Wala din akong maayos na tulog kaya stress ang itsura ko ngayon ngunit katulad ng dati ay wala naman akong pagpipilian.
May trabaho akong kailangang panindigan. Napatitig na lang ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon at lumabas ang pangalan ng superior ko. Ngumiwi lang ako at hindi binuksan ang mensaheng ipinadala n'ya.
Napapakamot sa ulong napatulala ako sa sahig. Inabot ko ang nakita kong piraso ng kung ano sa may paanan ng upuan ko.
Para iyong piraso na ginupit mula sa isang larawan. Hindi ko na lang iyon pinansin at basta ko na lang isiningit sa wallet ko.
❤