Chapter 8 : White Land

1740 Words
Chapter 8 : White Land Selene POV Isang araw na ang nakalipas nang sabihin ko iyon sa harap ng mahal na hari at reyna. At ngayon ay nasa harapan ko si Sebastian. Natutuwa nga kami dahil gumising na siya. Talagang nag-alala kami sa kanyang kalagayan. Nag-iisip rin kami kung paano mabawi sa mga dark shadow si Prinsesa Charity Luna at isama pa ang nabitawan kong salita sa harap ng mahal na hari at reyna na maibabalik namin ang mahal na prinsipe na kanilang anak. At heto ngayon galit akong tinitignan ni Sebastian dahil nalaman niya kung ano ang nangyari habang wala siyang malay. "Dapat hindi mo iyon ginawa!" sigaw sa akin ni Sebastian pagkatapos niya malaman ang binitawan kong salita. "Ginawa ko lang naman kung ano ang tingin kong nararapat!" ganting sigaw ko kay Sebastian. "Tama na Sebastian," awat ni Lysse sa aming dalawa. "Ang sabihin mo masyado kang mayabang! Pabida-bida ka!" biglang bulyaw ni Sebastian kay sa akin. Natigilan ako at ang iba pang nakarinig sa sinabi ni Sebastian. Para sa akin sobrang sakit na marinig iyon lalo na at galing pa kay Sebastian na talaga kinahahangaan ko na dahil sa taglay nitong lakas. "Selene," lumapit si Lysse sa akin at hinawakan ako sa kamay ngunit ngumiti lang ako ng mapait. "Sorry ha. Sorry kung masyado akong mayabang. Sorry din kung iniisip ko kayong mga royals. Pasensya na mahal na prinsipe," saka tumalikod ako sa kanila at hindi ko namalayan na tumulo na ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan na huwag bumasagsak sa harap nila. Saka ako umalis sa lugar na iyon hanggang sa napadpad ako sa may lawa ng kagubatan. "Kala mo kung sino!" Sigaw ko nandito ako sa may lawa. "Ikaw ang mayabang! Bwesit!" kinuha ko ang dagger ko at binato sa puno agad namang bumalik sa akin ang binato kong dagger. "Kala mo ang gwapo gwapo. Mukha namang kwago!!!" binato ko ng bato ang lawa. "Sinong kwago?" "Si Seb! Ay mukhang kwago si Seb! Aaaah!" "Ano ba bakit ka ba nang gugulat!" "Ako mukhang kwago? Baka gwapo," saka nilapit ni Seb ang mukha niya sa mukha ko. "A-ano ba!" bwesit feeling ko ang pula-pula ko na. Saka naman naging seryoso ang mukha niya. Dahil sa sinabi niya napangiti ako ng wala sa oras. "Sorry, hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko kanina. Sige una na ako." Bakit pakiramdam ko ang saya saya ko? Napangiti ako. Ang layo ng sarili ko ngayon sa dating Selene na halos wala nang paki alam sa iba o kung ano ba ang nangyayari sa paligid. Kahapon kasi nag-sorry agad si Sebastian. "Uy nakangiti siya," tukso sa akin ni Wright. "'Wag mo sirain ang araw ko," natatawang biro ko kay Wright. "Hmm, kilala ko kung sino ang nagpapangiti sayo ngayon," Tukso naman ni Lysse. "Iba talaga kapag inlove," dagdag pa ni Leanna. "Mga baliw," sabi ko habang napapailing dahil kung anu-ano ang kanilang naiisip. Napailing na lang sa amin si Dwight. Kahit kailan ang tahimik niya talaga. Napatingin ako kay Enzo. Ang tahimik niya pa din. Nagsimula yan nung dinukot si Charity Luna. Nagpaalam na kami sa Lasou Tribe at sa mahal na hari at reyna. Ngayon naman papunta na kami sa white land. Doon daw sinasabi na dinala ang dinukot na prinsipe. Magkahalo ang nararamdaman ko. Pagka-excite at pagkatakot. Mayroon kaming isang linggo upang mailigtas ang prinsipe at kung di namin magawa 'yun buhay ko ang kapalit na siyang di ko hahayaang mangyari. "Malaki ang white land. Mahihirapan tayong tukuyin kung nasaan ang lokasyon ng mga dark shadow na yun. At saka baka madamay ang mga inosenteng mamamayan ng white land," sabi ni Leanna. "Huwag kayong mag alala may kilala akong mandirigma na makakatulong sa atin," sabi ni Lysse. Dito na nagsisimula ang pagligtas namin sa mahal na prinsipe. Magagawa kaya namin ang misyon o mamamatay na lang ako na hindi ko pa natutuklasan kung sino ako? Mula sa Lasou Tribe ginamit na namin ang portal na tinuro ni Headmaster Jax kay Sebastian. "Grabe, nakakahilo pala dito," pagrereklamo ko pero tinawanan lang nila ako. "Dapat masanay ka na," sabi ni Leanna habang natatawa. "'Wag niyo sabihin na palagi tayong gagamit nito?" tanong ko. "Oo, kapag kinailangan," sagot ni Lise. Pagkalabas namin ng portal ay nasuka agad ako at nahihilo. "Ngayon ka lang ba nakaranas pumasok sa portal?" natatawang tanong ni Wright. Tumango ako habang nasusuka. Napailing na lang si Sebastian. Buti naman at hinayaan nila akong makabawi bago kami tumungo sa kakilala ni Lysse. "Bakit tinawag 'tong white land?" tanong ni Leanna habang naglalakad kami. "Dahil ang lugar na to ay tinatag ng ina ni Charity Luna, si Reyna Kristal na siyang naging asawa ni Haring Leo," sagot ni Lysse. Nakinig naman ako dahil baka may matutunan ako. "Dati kasi sinumpa ang lugar na ito. At ang nakaalis lang ng sumpa ay si Reyna Kristal. Gusto ng mamamayan ay isunod mula sa kanyang pangalan o apelyido ang lugar ngunit sinabi ni Reyna Kristal na kung maaari ay White na lang daw ang ipangalan at pumayag naman sila," paliwanag ni Wright. Napatango naman kami ni Leanna. Pero may gusto ako itanong. "Bakit White? Saan iyon nakuha ng mahal na Reyna Kristal?" tanong ko. "Sa nakaraang digmaan sixteen years ago, may isang babae ang nagbuwis ng buhay upang matalo ang Dark Lord na si Lucius. Dahil sa kanya muling nanumbalik ang kapayapaan dito sa Majika. Siya ang nag-iisang tagapangalaga ng mahiwagang bato na galing sa White Clan. Siya si Prinsesa Luna White na anak ni Master Morgan White," kwento naman ni Dwight. "Natatandaan ko na siya. Bakit ngayon ko lang naalala. Kahit ang mga magulang ko ay nasaksihan ang kanyang kabusilakan ng puso. Wala siyang pag-aalinlangan na ibuwis ang kanyang buhay. At ang nakakalungkot doon ay siya ang kauna-unahang babae ang nagpatibok sa puso ng mahal na haring Leo," sabi naman ni Leanna. "Isa pa alam naman daw kasi ni Prinsesa Luna na hindi siya ang itinakda para sa mahal na Haring Leo eh kundi si Reyna Kristal. Kahanga-hanga rin nun si Reyna Kristal, parehas sila. Kahit alam ni Reyna Kristal na siya ang itinakda ng propesiya na magiging kabiyak ng mahal na haring Leo, nagpaubaya siya upang magmahalan sina Haring Leo at Prinsesa Luna noon kaso ayun nga mas pinili ni Prinsesa Luna noon na ibuwis ang buhay niya para sa Majika at sa mga susunod na henerasyon kagaya natin. Saka..," sabi naman ni Lysse at saglit na tumigil. "Alam niyo bang handa na noon ibuwis ni Reyna Kristal ang buhay niya upang matalo si Dark Lord Lucius ngunit iniligtas siya ni Prinsesa Luna. Kaya naman upang tanawin ang utang na loob ay ipinangalan niya sa kanilang anak ni Haring Leo ay Charity Luna saka dito sa lugar na ito. Upang hindi malimutan ang magandang kasaysayan ng Majika noon at ni Prinsesa Luna. Alam niyo din ba na si Reyna Kristal ay sumulat ng isang libro na patungkol sa naging yugto ng buhay ni Prinsesa Luna? Mababasa iyon sa library ng Academy," nakangiting kinuwento ni Lysse. "Nagpagawa rin si Haring Leo ng rebulto ni Prinsesa Luna sa sentro ng Academy. Siya iyon. Tanda niyo na?" napatango naman ako sa tanong ni Dwight. Tanda ko na pero ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang kwento nun. "Sa White Clan galing sina Prinsesa Luna at ang ama nitong si Master Morgan White at binubuo ng mga may kakayahan tulad ng healer, mind reader at mga oracle ng mataas na pamilya. Nirerespeto ang clan na iyon. Ang ama ni Prinsesa Luna ang namumuo sa imperyo ang pangalan niya ay Master Morgan," paliwanag ni Sebastian. Gusto ko pa sanang  makinig pero sabi ni Lysse andito na daw kami sa bahay ng kakilala niyang mandirigma. Kakatok pa lang sana si Lise sa puting pintuan pero agad namang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang lalaking may balbas na kulay puti. Medyo may katangkaran at may hawak siyang tungkod. "Alam ko kung bakit kayo narito. Kung hindi niyo madadala sa akin ang balahibo ng Akwas hindi kayo makakatapak sa loob ng aking pamamahay." napanganga ako dahil bigla na lang niyang binalibag ang  pintuan. "Hays, pasensya na kayo ganyan talaga siya simula pa noon," paumanhin ni Lysse. "Pero saan natin matatagpuan ang akwas at anong uri ito ng nilalang," tanong ni Leanna. "Ang akwas ay isang uri ng malaking ibon," napalingon kami sa batang bigla na lang nagsalita. "Mukhang may alam ka sa akwas," sabi ni Enzo na kanina pa tahimik. Napakunot kami ng noo ng biglang ilahad ng bata ang kanyang palad sa amin na tila may hinihingi. "Sa panahon ngayon wala nang libre," walang emosyon na sabi niya. "Aba tuso ka ha," sabi ni Wright. "Eh kung ayaw niyo e 'di wag," tatalikod na sana 'to. "Teka-teka ito ang isang supot ng ginto. Ngayon maaari mo na bang sabihin sa amin kung anong nalalaman mo sa akwas?" ngayon ko lang nalaman na may dala dala pa lang ginto si Sebastian. Ano pa bang inaasahan ko sa isang prinsipe at prinsesang katulad nila. Bigla naman nag ningning ang mata ng bata. "Malaki 'to. Siguro ay galing kayo sa mataas na pamilya. At dahil jan patutuluyin ko muna kayo sa munti naming tahanan. Siguro ako na hindi talaga kayo papatuluyin ng matandang mandirigma na nakatira jan. Isa pa mag gagabi na." Tama nga ang bata mag gagabi na at kailangan naming magpahinga. "Pero bago yun samahan niyo muna ako sa night market." Wala na kami nagawa kundi ang samahan ang bata. Nagtaka ako kaya bang ubusin ng batang to ang pinamili niya? Ang daming pagkain ang binili niya. At dahil madami siya pinamili tinulungan namin para buhatin yun. Nagmamasid ako sa paligid. Sobrang saya ng lugar na ito at makulay dahil sa mga pailaw bawat sulok ng daanan. Talaga ngang malago ang lugar na ito. Pero ang isa pang nakakapagtaka. May mga ilan kaming nakikitang namamalimos o yung tinatawag na mahihirap na tao. Ang sabi ni Sebastian di naman daw naghihirap ang lugar na ito pero bakit may mga ganung nilalang? "Nanditoooooo na akooooo." Sigaw nung bata. Nanlaki ang mata namin nung mahigit kinse na mga bata ang nagsitakbuhan papalapit sa batang kasama namin. "Teka-teka wag kayong magulo may mga bisita tayo. Nakakahiya," sabi niya sa kapwa bata niya. "May hiya pa pala yang batang yan?" natatawang biro at bulong ni Wright. Siniko at sinamaan naman siya ng tingin ni Lise. "Halika nandun silang lahat." Sinundan namin siya. "Ano to?" Laking gulat na tanong ni Leanna. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD